Chapter 7: Conclusions

14.3K 525 32
                                    

Abala yung mga tao sa auditorium sa kwentuhan habang nagtatally naman ng scores yung mga judges. Ilang minuto lang nang matapos yung play namin. Habang nasa dressing room yung Iba samin, inaayos naman ng student staffs yung mga props na nasa stage.

"Hoy Joyce, gumising ka nga dyan! Zen! Si Joyce ayaw tumayo." Sabi ni Elijah kay Zen habang si tinutusok-tusok naman ni Aldrin yung gilid ng tyan ni Joyce

Kumunot yung noo ni Zen sa sinabi ni Elijah. Kaagad akong nagpanic, kapag nalaman nilang patay na si Joyce, siguradong isa ako sa mga paghihinalaan. Hindi pwede to!

Micco, tulungan mo ko

"Joyce! Joyce!"  Sabi ni Zen at inaalog-alog yung katawan ni Joyce na nakahandusay sa sahig ng stage

"Nakatulog yata? Haggard na yan kanina pa eh." Sabi ni Angelika habang nasa gilid ni Zen

"Kahit naman walang dapat ika-haggard, haggard na siya." Pa-cool na sabi ni Elijah sabay squat at pinipindot-pindot yung tyan ni Joyce

Nakita kong naghahabulan sila Aldrin at yung isa pa nilang classmate na si Lanver, or in Night time, Lanie. Napalunok ako ng ilang beses dahil alam kong malalaman at malalaman nila maya-maya lang na patay na si Joyce

Micco, tulong!

"Pucha! Bakit parang ang lamig ni Joyce? Sobrang kabado siguro to!" Kunot noong sabi ni Lance kaya nagsilapitan yung iba niyang ka-tropa na sila Meljames, Ashraq at Michael

Nanahimik silang lahat doon, at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nalaman nilang bangkay nalang ito ni Joyce. Hindi ako pwedeng mahuli ng isa sa kanila, hindi pwede. Gusto ko pang gumanda, para to kay Jaimee

Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko

"Oy! Easy ka lang!" Natatawang sabi ni Jaimee. Sinamaan ko siya ng tingin "Anong meron dun?" Sabay turo niya kila Ashraq

Nagkibit-balikat ako at tumango siya. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa

"M-Mga pre!" Sigaw ni Michael na kumuha ng atensyon ng lahat. Siguradong narinig din to ng mga Audience at judges sa likod ng kurtina

Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba

"Bakit Kel?" Nagtatakang tanong ni Meljames

"P-Pre patay na yata si Joyce?!" Nanlalaking mata na sabi ni Michael na ikinabigla ng lahat

Nakarinig ako ng singhap mula sa mga audience na nakarinig sa likuran ng kurtina, nabigla kami ng magbukas ang mga ito at kitang-kita ang lahat ng audience at judges. Galit na tumambad sa harap namin ang principal

"What is happening here Grade 10? Is this a part of your play?!" Galit na sabi nito at dumapo ang tingin niya kay Zen

Napayuko si Zen at umiling-iling

"Then what is it?! Ms. Rogelio, please calm the audience!" Sabi nito sa Assistant Principal

Madaming audience na umalis, yung iba naman naintriga at medyo lumalapit-lapit pa ng konti sa stage para makita si Joyce. Napalunok ako nang mahagip ng mga mata ko si Micco na nakangising nakatingin sakin, nakaupo siya sa seat na inupuan kanina nung audience na umalis

Tulungan mo ko dito. Wag mo kong ngisian lang

Nakita ko ang paghalakhak niya, mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon