Chapter 33: Wrong Conclusions

11.2K 375 29
                                    

Nasa isang modern white room kami, malamig doon at puro puti lahat ng kagamitan. May natatanging krus sa harapan at alam kong hindi makakapang-gulo si Micco dito. Walang upuan sa loob at carpeted yung sahig, doon siguro kami uupo

Nasa harapan si Sir Ciel, inaayos yung Microphone habang kaming apat ay naghahanap na ng pwesto dahil kami na lamang yung wala pa sa loob ng room na 'yon

"Yeng!" Pagtawag saakin ni Jaimee

Sumenyas siya na umupo daw ako sa tabi niya kaya tumango ako at naglakad papunta sa pwesto niya. Bago ako maglakad ay hinanap ng mata ko si CJ at nakita kong tulala lamang siya sa tabi ni Steven

Kumunot yung noo ko nang dinaluhan siya ni Kyla. Masigla siyang binati ni Kyla at sumagot siya ng tango dito. Sa dinami-dami ng pwedeng tabihan ni Kyla, bakit si CJ pa? Pwede namang si Justine kasi ito ang bestfriend niya, diba?

Naging isang pala-isipan saakin ang nangyaring pagtabi ni Kyla. Ni hindi ko namalayan na nagsimula nang magsalita sa harapan si Sir Ciel

"Good Afternoon, students. As you can see, nandito tayo sa," Huminto siya para kilatisin ang buong room. Kumunot ang noo niya at tumingin sa wall-sized mirror na nasa gilid, kagaya ng sa interrogation room

Pansin kong wala ang mga Detective, Pulis at ang Principal namin sa loob. Tanging si Sir Cielso lang at kaming lahat

"Never mind. Hindi ko rin alam kung anong room 'to. Basta may krus sa taas ko." Sabi niya saka dumungaw sa krus at tumingin ulit saamin "Masyadong banal ang kwartong 'to, hindi ba?" Natatawang tanong ni Sir Ciel. Isang tawanan na may kasamang tango ang sinagot ng iba

Pinagmasdan niya kami, nakangiti siya pero bahagyang kumunot ang noo "Masyadong banal para sainyong mga makasalanan." Sabi niya in a matter of fact tone

Nanahimik ang lahat, narinig ko pang tumikhim si Ashraq

Bahagyang humalakhak si Sir Ciel sa mga naging reaksyon namin. Umiling siya at umayos ng tayo

"Kung napapansin niyo, tayo lang ang nasa kwartong 'to. Ako at kayo lang. Ngayon, gusto kong maging totoo ang sagot niyo sa itatanong ko. Gusto ko, kapag tinanong ko kayo, isagot niyo kaagad yung unang bagay na nasa isip niyo. Ayoko ng scripted at yung hesitant yung sagot." Sabi niya habang pabalik balik yung lakad

Bahagyang kumunot yung noo ko. Alam kong wala si Micco dito, banal ang kwartong 'to kaya kung ano man ang mangyayari saakin ngayon ay batid kong hindi ako matutulungan ni Micco

"Salamat nga pala kay Steven, he suggested this place. Tamang-tama, walang distraction dito. Iiyak ako kung may ma-distract sainyo dito sa kwartong wala kang ibang makikita kundi puti." Pagbibiro ni Sir Ciel "

Tumingin ako sa gawi ni Steven na ngayo'y nakangiti habang nakatingin sa harap. Nawala yung ngiti niya nang lingunin niya ako. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na umimik

"Yeng.." Pagtatawag saakin ni Jaimee

"Hmm?" Sagot ko habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa nagsasalitang si Sir Ciel

"Alam mo bang hindi lang tayo yung nandito sa loob." Sabi niya

Naagaw ng sinabi niya ang atensyon ko. Napatingin ako sa gawi kung saan siya nakatingin at doon 'yon sa Wall-sized mirror. Kumunot ang noo ko. Bakit naman siya nakatingin doon sa salamin? Anong problema niya? At bakit sinabi niyang hindi lang kami ang nasa loob ng kwarto?

Tumikhim siya at tumingin saakin "Two way mirror. Nakikita mo yung pinto sa gilid--"

Naputol ang sasabihin ni Jaimee ng sitahin kami ni Sir Ciel

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon