Chapter 5: Bliss

14.5K 577 42
                                    

Pinanlakihan ako ng mata ni Kuya Gary na para bang binabalaan ako ng binatawan niya yung lagaring hawak ko nung oras na makita niya yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko, suno-sunod parang maririnig ko na yata

Napatingin ako sa kamay kong may hawak ng lagari, nanginginig yun. Alam kong kinakabahan ako at sinusubukan ko 'yong pigilan. Kapag nagpadala ako sa kaba, aatras ako sa gagawin ko. Hindi pwede yun, kailangan makapatay ako 

"Ibaba mo sabi!" Pagbabanta ni Kuya Gary

Napalunok ako. Saan ako magsisimula? Saan ko siya sisimulang saksakin? Kinakabahan ako, hindi ko alam yung gagawin ko sakanya. Isasaksak ko ba sa tyan niya? Pero hindi naman matulis tong lagari! Anong gagawin ko?! Ano?! 

"Ibaba mo! Isa!" Sigaw ni Kuya Gary

Bigla akong nataranta, paniguradong maririnig ng iba yung sigaw niya! Mahuhuli nila ako! 

"Tangina ibaba mo sabi--" 

Kahit takot na takot at naguguluhan ako, buong pwersa kong ibinaon yung lagari sa balikat niya. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Nawalan ako sa katinuan ng lagariin ko yung uto sa balikat niya hanggang sa may kili-kili. Maraming dugo ang dumaplis sakin, sa lagari at nagkalat narin iyon sa sahig

Natanggal yung kaliwang braso ni Kuya Gary. Napaluhod siya at iniinda yung sakit. Bakit hindi pa siya patay?! 

Sumigaw ako nang buong pwersa kong ibinaon ulit yung lagari sa kanang braso niya. Kumpara sa kanina, marahas at puno ng galit at inis yung paglagari ko sakanya. Kahit diring-diri at sukang-suka na ko sa lumalagatak na buto ni Kuya Gary pinagpatuloy ko padin

Nakita ko ang pagkatumba niya. Hinang-hina na siya at naghahabol na ng hininga. Sobrang daming dugong nagkalat sa sahig, paano ko to iipunin?! 

"H-Hayop k-a.." Hinang-hina na sinabi niya

Napamura ako. Bakit hindi pa siya patay?!

"Bakit hindi ka ba mamatay-matay?!" Galit na galit na sabi ko kasabay ng pagbaon ko ng lagari sa mukha niya

Lumalagatak yung mga buto ng ilong niya ng marahan kong ikiskis yung lagari doon. Gigil na gigil ako. Mamatay ka na!

Habang ginagawa ko yun, kaagad na pumasok sa isip ko yung mga panlalait, panunukso at pamamahiya ng mga ka-schoolmate ko sa'kin. Ginagawa ko to para lang din sa sarili ko. Para sumaya ako

Para gumanda

Alam kong nalagutan na ng hininga si Kuya Gary. Nakita kong wasak nawasak yung mukha niya. Nahati ito sa dalawa at pinigilan kong masuka ng makita ko ang madugong kalahati nitong utak. Kinuha ko yung kwintas sa leeg ko

Binuksan ko yung takip ng pendant at nagsimulang ipunin yung mga dugo sa sahig. Hindi alintana sakin kung malansa at napupuno na ng dugo yung buong kamay ko. Tiningnan ko yung pendant at nakita kong nangangalahati pa yung dugo, tumingin ako sa sahig at natuyo na yung nandun

Wala na kong magagawa pa

Kinuha ko yung lagari at sinimulang lagariin yung tyan niya. Agad na umagos yung dugo mula sa nahiwa niyang tyan. Kaagad kong itinapat doon sa agos ng dugo yung pendant. Nangingilig yung luha ko sa saya

Naka-isa rin! 

"Ang galing!" Sabi ng isang malalim na boses sa may pintuan 

Napatingin ako kay Micco. Nakangisi siya habang nakatitig sa bangkay ni Kuya Gary. Halos lumuwag yung pakiramdam ko

"Akin na yung kwintas." Sabi niya saka nilahad sakin yung kamay niya para kunin yung kwintas 

Binigay ko sakanya yung kwintas na puno ng dugo. Nagulat ako ng igla niyang nilagok yung dugo na nasa sungay na pendant. Umikot yung sikmura ko sa ginawa niya pero nagpigil ako

"Bakit mo ininom?" Kunot noo kong tanong sakanya

Dinilaan niya yung labi niya at mistulang nilalasap pa yung na parang sarap na sarap siya. 

"Isa akong demonyo, alam mo yan. Pero, hindi mo alam na malapit na kong ipatapon sa impyerno, sinuway ko yung hari dahil sa hindi ko pagsunod sa utos niya. May isa siyang kundisyon, kung makukumbinsi ko yung isang mortal na pumatay ng tatlumpung tao at kolektahin yung iba't-ibang dugo ng tao napatay niya, ibabalik niya ako sa paraiso at tataas ang rangko ko. Kaya ikaw yung napili ko dahil alam kong may galit dyan sa puso mo. Ang galit at poot ay mahalaga samin, gaya nalang ng sinasabing 'pag-ibig' ng mga taga langit. Kaya kung gusto mong sumaya, gawin mo ang gusto ko." Siryosong sabi niya 

Tumango ako 

"Wag kang mag-alala, gagawin ko yun." 

Napangisi siya

"Mabuti. Sa huli, sasaya ka na." 

**

"O, anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong sakin ni Kuya Bricknell nang buksan niya yung pintuan sa bahay. Nagulat ako, bakit parang ang bait ng bungad niya sakin ngayon? 

Dati minumura-mura pa ko nyan, daig niya pa si Ate kung ratratan ako ng mga masasakit na salita. Pero ngayon, bakit iba yata? 

"Uh ano kasi, naglinis pa ko ng auditorium." Sabi ko sakanya

Bumuntong hininga siya at linuwagan yung pagbukas ng pinto para makapasok ako. Ang weird, ang bait niya sakin ngayon. Epekto ba to ng pagpatay ko?

"Kumain ka na, kanina ko pa hinanda yung pagkain mo." Sabi niya sakin

Wow ha! Kung ganto lang din yung mangyayari kapalit ng pagpatay ko, gugustuhin ko ng pumatay nalang lagi 

"Kuya, who's tha-- Oh, that witch!" Naiinis na sabi ni Ate Byanca nang makita ako mula sa hagdan

"Stop it, Byancs! Kapatid padin natin siya." Bulalas ni Kuya Bricknell 

"Why you suddenly care for her Kuya?! It's not like, mom will gonna accept her." 

Hindi alintana sakin yung sinabi ni Ate Byanca, pero ang alam ko masaya ako ngayon sa pinakita ni Kuya Bricknell. Umpisa palang 'tong saya na 'to Arielle 

Marami pang susunod na magandang mangyayari, pumatay ka lang.

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon