Chapter 2: First

19.5K 691 51
                                    

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Natatakpan ng luha ang paningin ko at hindi ko din alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Hindi iyon alintana sakin ngayon, ang inaalala ko lang ay ang mga masasakit na salita ni Joyce at ang hindi ko nakitang reaksyon ni Jaimee

Diring-diri na yun paniguardo

Humihikbi ako nang mapa-upo ako tagong bahagi ng school. Sa likod 'to ng library at alam kong bibihira lang itong punatahan ng mga estudyante.

Sumandal ako sa pader habang humikhikbi at inaalala ang masaklap kong realidad. Ang realidad kung saan iba ako sa kanila. Oo, tao rin ako pero pakiramdam ko hindi ako kabilang sakanila, na para bang hayop ako o kung anong panget na may buhay

"Sht kasi Arielle! Bakit kasi ang panget mo?!" Humihikbing sinisisi ko yung sarili ko

Bakit ako lang yung naiiba sa mga kapatid ko? Lahat sila may itsura, magaganda't-guwapo, samantalang ako? Isang disgrasya lang.

Naalala ko nang i-kwento sakin ng matagal na naming kapitbahay ang nangyaring bangungot sa buhay ng mama ko. May dalawa na daw siyang anak nun, si Ate Byanca at si Kuya Bricknell. Naghiwalay daw nun si Mama pati yung Papa ni Ate at ni Kuya. Sobrang lungkot ni mama kaya naisipan nyang maglasing. Habang pa-uwi, nasalubong nya yung construction worker sa may inaayos na bahay. Pinagsamantaahan siya at dun, nagkaroon ng ako.

Ako yung bunga ng bangungot

"Tama, isa akong bangungot." Malungkot sa sabi ko habang nagpupunas ng luha

Nakarinig ako ng isang malalim na halakhak kaya napatingin ako sa gawin iyon. Nakita ko ang isang lalaki nakatayo sa gilid ilang metro ang kayo sakin. Nakangisi siya habang nakadikit ang tingin nya sakin

"Narinig kong may hinanakit ka." Sabi niya saka dahan-dahang naglakad sakin

"S-Sino ka?" Tanong ko

"Tawagin mo akong Micco, masyadong mahaba yung pangalan kung tatawagin mo kong Marchosias." Natatawang sabi niya "Gusto mong gumanda diba?" Tanong niya sakin at huminto na sa kakatawa

Napahinto ako. Teka, pano nya nalaman? Kanina pa ba siya dyan at hindi ko lang napansin?

"Anong gagawin mo sakin? Ililibre mo ko ng retoke?" Naiiritang saad ko. Hindi na ko gaganda pa, alam ko na yun. Ano bang gustong ipamukha sakin ng isang 'to?

"Hindi. Gusto mo ba nang mas madaling paraan?" Nakangiting sabi niya

Mas madaling paraan? Hindi ako gaganda sa mas madaling paraan na yan. Ni-retoke nga yata susuko na agad sa mukha may mas madaling paraan pa kaya?

"Ano bang pinagsasabi mo--"

"Ah! Nandito ka lang pala, napagod ako sa kakahanap!"

Lumingon ako sa nagsalita at nakita kong hingal na hingal na nakayuko si Jaimee at nakatukod yung dalawang kamay nya sa tuhod niya. Nanlaki yung mata ko

S-Sinundan nya ba ako?

"B-Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Jaimee at hindi ko pinansin yung malakas na kabog ng dibdib ko. Napatingin ako sa gawi kung saan nandun si Micco pero nakita kong wala na siya.

Hindi ko na pinansin ang pagkawala ni Micco nang magsalita si Jaimee. Nakatingin siya sakin. Ayokong mag-assume pero sa tingin palang ng mga mata nya ay nag-aalala siya sakin. Umupo siya at isinandal yung ulo niya sa pader

Umupo din ako at lumayo ng konti sakanya, napansin niya yun at bigla siyang natawa

"Kung iniisip mong nandidiiri ako sayo. Hah! Mali ka." Nakangiting sabi niya at umusog sa pwesto niya papalapit ng konti sakin

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon