Prologue

39.6K 1.1K 127
                                    

Gusto kong maging maganda

"Kapag nakikita ko si Arielle, nasusuka ako."

"Bakit, kasi ang panget nya?"

Gusto ko lang naman na matanggap nila ako, hindi sa kung ano ang itsura ko kundi sa kung sino ako. Pero kapag ginagawa ko yun, doon pa sila lalong lumalayo, doon pa sila mas lalong nandidiri sa akin. Bakit ganoon?

Gusto kong gumanda

Ano bang problema sakin? Bukod sa mukha kong tinubuan ng pinagsamang tigyawat at mga kulugo, bukod sa buhok kong kasing buhaghag ng walis tingting at walis tambo, bukod sa ngipin kong hindi pantay-pantay. Ano pa ang mali sakin?

Ayoko na, gusto ko namang sumaya. Gusto ko namang gumanda, gustong-gusto.

Sana gumanda ako

"Gusto mong gumanda? Pumatay ka muna."

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon