Chapter 10: Carnival Dilemma

13.1K 474 94
                                    

"Magaling." Walang emosyong reaksyon ni Micco nang sumulpot siya sa gilid ko habang nililinis ko yung lugar kung saan ko pinatay si Jarbi

Malinis na yung kalsada kaya tumingin ako kay Jarbi. Nakasabit siya sa patulis na bakod ng isa sa mga bahay dito. Binutasan ko yung leeg niya at saka ito sinabit

"Wala pang pasko bakit may parol na agad?" Natatawang sabi ni Micco. Demonyo ba talaga 'to?

Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang perya, wala na dapat akong sinasayang na oras, ayoko mangyari yung nakita ko sa panaginip ko

Patuloy akong naglakad at nakabuntot lang sakin si Micco sa likod. Tinago ko yung kutsilyong puno ng dugo sa bulsa ng jacket ko at pinunasan 'yong mga dugong nagkalat sa mukha ko

Nagulat ako nang unahan ako ni Micco sa paglalakad at bigla siyang humarap sakin. Nakangisi siya at medyo taas noong nakatingin sakin

"Bigla akong nagutom." Sabi niya

Nanlaki yung mga mata ko sa susunod niyang ginawa. Hinawakan niya ng mahigpit yung magkabila 'kong balikat at mabilis na hinalikan 'yung tuktok ng ilong ko

Gulat ako napatingin sakanya nang kumalas siya

"A-Anong ginawa mo?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko

Humalakhak siya at napa-iling

"Sabi ko nagugutom ako, e may dugo dyan sa may ilong mo kaya tinanggal ko." Sabi niya saka dinilaan yung labi niyang may dugo. May dugo nga

Naka-hinga ako ng maluwag. Akala ko naman..

"Akala mo ano?" Nagtataka niyang sabi saka sumiryoso ng konti

"Akala ko kukunin mo na yung pendant." Sabi ko saka kinuha 'yong pendant at tinapat 'to sa mukha niya "Oh eto na, para hindi ka na nang-aabala." Naiinis na sabi ko

Pagkakuha niya ng pendant ay agad na akong tumakbo papuntang perya, hindi ko alam kung nandoon pa si Meljames sa gabing 'to, pero sana madatnan ko pa siya dun

Ang dami ko pang hindi napapatay!

"Wag mong kalimutan 'yong gusto ko!" Pasigaw na bilin ni Micco

Hindi ko na siya nilingon at saka kumaripas ng takbo papuntang perya. Sa bawat hakbang ko, nagisismula ko nang marinig yung ingay ng perya, palakas ito ng palakas habang papalapit ako ng papalapit

Nang marating ko 'yon ay agad akong huminto sa may labas nito. Pinagmasdan ko ang loob ng perya at nakita ko ang masasayng mukha ng mga taoong sumasakay sa mga rides, na naglalaro sa mga pustahan na laro may mga kumakain ng street foods, may magpamilya, barkada, mag-kasintahan at mag-isa lang

Nasan si Meljames? Saan ko siya hahanapin?

"Gusto mo nang cotton candy?"

Alok ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko nang makapasok ako

Nakita ko ang nakangising si Micco, may suot siyang uniporme ng Cotton Candy Vendor at nakasumbrero ito habang bitbit ng balikat niya yung bag na may cotton candy ang loob

"Nasaan si Meljames?" Kunot-noong tanong ko sakanya

Sasagutin na sana niya ako nang may babaeng lumapit sakanya para bumili ng Cotton Candy. Sht!

"Kuya, pabili ako!" Rinig kong sabi ng babae. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ni Micco kasi nakatalikod siya sakin kaya nagtataka ako kung bakit todo nalang makatingin yung babae sakanya

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon