Chapter 18: Contrary

12.2K 446 62
                                    

Naging magandang ang mga sumunod na araw. Pag gising ko palang ay parang prinsesa ang turing saakin ni Kuya Brix at ni Byanca. Pinaghandaan nila ako ng almusal at si Ate Byanca pa ang mismong nag-ayos ng buhok ko ngayon

Sinabay nila ako sa pagpasok at sa pagpasok naming tatlo ay halos lahat ng estudyante ay binati kaming tatlo, lalo na ako. Pinagmasdan ko ang mga ngiti ni Kuya Brix at ni Ate Byanca na para bang proud sila na naging kapatid nila ako

Nauna nang pumasok si Ate Byanca, nagpaalam siya saamin at niyakap ako saka bineso bago umalis pero hinatid muna ako ni Kuya Brix sa aking classroom. Pinaalahanan niya ako sa mga bagay na hindi niya pinaalala saakin nung mga panahong hindi ako nakakapatay 

"I'll see you later, pupuntahan kita dito mamayang lunch. Sasabay ka sakin, alright?" Sinabi ni Kuya saka nginitian ako 

Tumango ako at nginitian si Kuya pabalik. Tinalukuran na niya ako at saka naglakad papalayo. Habang unti-unting nawawala si Kuya sa paningin ko ay bumalik na ako sa classroom, akala ko ay matatagpuan ko si Micco sa loob pero namataan kong wala siya doon 

Nagsi-bati ang mga kaklase ko saakin pero ang mga mukha nila ay may bahid ng lungkot

"Anong nanyari?" Tanong ko kay Grace, isa sa mga ka-klase ko at pinsan ni Michael

Bumuntong hininga siya at tumingin saakin nang namumula ang mata. Halata ang pagka-mugto nito na parang magdamag siyang umiyak 

Alam kong kalat na ang balitang patay na si Michael, sinong hindi maiiyak sa nangyari sakanya? Ako ngang pumatay sakanya ay naiyak--naiyak sa saya

"Pinatay si Michael kagabi." Sabi niya habang nagpipigil ng iyak 

Niyakap ko siya at doon bumuhos ang luha na kanina niya pa pinipigilan. Hindi nyo pwedeng iyakan ang mga gaya ni Michael, isa siyang masamang tao noong nabubuhay pa siya, tama lang sakanya ang mamatay

Nakarinig kami ng sigaw sa labas kaya kaagad kaming lumabas sa classroom. Doon nakita naming pinagkakaguluhan ng mga estudyante ang nasa hallway. Hindi ko alam kung sino o kung ano 'yon kaya naman pumunta ako doon para makita ang mga nangyayari 

Impit at hiyaw ng isang pamilyar na boses ang narinig ko, sinubukan kong makipagsiksikan sa mga estudyante para makita ang pinapalibutan nila

"Tulong!" 

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Corrinne na naka-upo sa sahig at nagkalat ang dugo doon galing sa loob ng kanyang palda. Ang sakit na nararamdaman niya ay nakikita ko mula sa ekspresyon ng kanyang mukha 

Akmang tutulungan ko siya nang may isang lalaki ang bumuhat sakanya 

"Tumawag kayo ng ambulansya." Ang mahinahon at pamilyar na boses nito ang narinig ko 

Kaagad na tumawag ng ambulansya ang isang Grade 12 student na isa sa mga nakapalibot kay Corrinne. Hinanap ko ang mga kaibigan niyang si Faith, Kyla at Justine pero ni isa sakanila ni anino ay wala doon 

Nakita kong dahan-dahan ang pagtakbo ng lalaking 'yon habang hawak-hawak si Corrinne sa kanyang bisig. Naningkit ang mata ko dahil pamilyar ang bulto ng kanyang katawan 

"Yeng." Naramdaman ko ang kamay ni Jaimee sa aking balikat

Napatingin ako sakanya at sumenyas siyang pumasok na kami sa loob ng clasroom. Nakita kong dala pa niya ang bag niya at kapapasok niya palang siguro sa school 

Pumasok kaming dalawa at unti-unti naring nawawala ang mga tao sa hallway ng second floor pero usap-usapan parin ang nangyari kay Corrinne. Walang duda, nakunan nga siya. Mukhang alam ng mga tao na anak nila ni Michael 'yon

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon