Chapter 22: Selaphiel

10.7K 411 69
                                    

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Micco. Isa siyang anghel noon! Kung ano man ang nangyari kung bakit naging demonyo siya ngayon ay gusto kong malaman kung bakit siya nakarating sa puntong ito. 

Anong nangyari, bakit ka pinatapon ng langit papunta doon sa paraiso nyo?

Huminto ang bus at isang babaeng pasahero na may dalang bata ang bumaba. Bigla ko nanamang naalala ang gagawin ko ngayon, ang kunin sa sinapupunan ni Corrinne ang bata at ibigay ito kay Micco

Narinig ko ang halakhak ni Micco 

Gusto mo ba talagang malaman?

Um-oo ako. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako o naririnig niya lang yung boses ko. Sinubukan ko siyang hanapin sa loob ng bus pero wala akong nakitang lalaking may maputlang balat, maiksi at malinis na gupit ng buhok, may kakapalang kilay at may mapaglarong ngisi na laging nakapaskil sa labi nito

Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Pinagmasdan ko ang padilim na langit ng syudad at ang mga saksakyang patuloy lang sa pagtakbo

Tinraydor ko ang langit..

Bumuntong hininga ako. Malamang. 'Yon lang naman ang nagiging dahilan ng langit para ipatapon yung mga anghel sa impyerno. Pag-t-traydor lang at ang pag-gawa ng hindi maka-langit na kasalanan, ipapatapon ka na doon

Masyado kong hinangaan ang panginoon ng impyerno namin, na dating anghel din, kaya sinunod ko ang mga gusto niya. Gusto ko ding patawarin na ng ama ng langit ang mga kagaya kong anghel na tinakwil niya, kaya tinipon ko ang mga anghel na napunta sa impyerno para harapin ang kalangitan at magmakaawa na kami'y patawarin na..

Pinakinggan ko lang sinasabi ni Micco, hindi naman pala talaga siya kasing sama ng inakala ko. Gusto niya lang na mapatawad siya, gusto niyang bumalik sa langit kasama yung mga kagaya niyang anghel na tinakwil 

Narinig ko ang bahagyang halakhak niya 

Pero ayaw ni Ama, tinaboy niya kami! Bumalik kami ng paraiso kasama ang mga dating anghel na tinipon ko.  Pagbalik namin doon, nagalit saakin yung panginoon ng impyerno. Sinubukan niya akong itakwil. Ginawan ko ng paraan, tapos nangyari 'to. Makakabalik lang ako sa paraiso namin kung makakakolekta ako ng tatlumpung dugo ng iba't-ibang tao, sa tulong ng isang mortal.

"Yeng?" Narinig ko ang boses ni Jaimee sa aking gilid kaya napatingin ako sa direksyon niya 

Nakita ko ang naguguluhan at nagtataka niyang tingin saakin

"Ayos ka lang?" Tanong niya saka nagtaas ng kilay 

"O-Oo!" Marahang sagot ko 

Kunot noo siyang tumango. Nakita kong nilabas niya ang cellphone niya saka nag-type ng kung ano

"Anong meron?" Tanong ko sakanya

Tiningnan niya ako, ang mga mata niya ay nagtatanong. Tinuro ko yung cellphone niya at tinagilid ko ang ulo ko habang nag-aabang ng isasagot niya 

"Nakikipagkita si Ate sa mall, may live show daw kasi dun yung paborito niyang banda." Sagot niya saka inayos yung dala niyang bag 

Kaagad akong nalungkot ng marinig ko 'yon, pero may kung ano sa loob ko ang natuwa. Ito na ba yung tamang panahon para patayin ko si Corrinne? Para makuha ko na yung bata sa sinapupunan niya? 

Oo, ito na yata. Wala ng sagabal na mang-gugulo sakin 

"Sige, ingat ka." Sabi ko kay Jaimee nang huminto ang bus, hudyat na bababa na siya

Ngumiti siya saakin at tumango bago tumayo. Sinundan ko ang paglalakad niya paalis ng bus hanggang sa makababa na siya. Kinawayan ko siya pero tiningnan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad 

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon