Chapter 6: Blood Play

17.4K 610 60
                                    

Kinabukasan pagka-pasok ko, parang walang nangyari. Lahat ng maintenance, teachers at administrasyon ng school ay sara ang bibig tungkol sa bangkay ni Kuya Gary sa maintenance room

Alam kong hindi nila nilabas yung issue sa mga estudyante para hindi masira ang pangalan ng school. Buti naman

Pero naging abala ang lahat sa araw bago mag Stage Play Festival. Nung gabing bumait sakin si Kuya Bricknell, akala ko okay na. Pero kinabukasan, suki padin 'tong kapangitan ko sa buong school. Hindi sila nagsasawa, nakakainis

Nakita kong abala yung ibang propsmen ng play namin sa pag-gawa ng mga props na gagamitin namin sa play. Habang yung mga artista naman, nagre-rehearse sa stage. Samin nakatoka yung time ng auditorium para sa araw ngayon

"Ikaw na magtanong!"

"Hindi! Ikaw na!"

Tumalikod ako para tingnan kung sino yung mga nag-uusap sa likuran ko. Bumungad sakin yung nagtutulakang propsmen na sina Nathalie at Eilsnia na kapwa mga Grade 10 gaya ko

"Uh, Arielle.." Naiilang na sabi ni Nathalie

Kumunot yung noo ko. Ano naman kayang kailangan nila sakin?

"May itatanong sana sayo si Nathalie, pasensya na kung naabala ka namin." Siryosong sabi ni Eilsnia sakin. Bumaling siya kay Nathalie at nagsalita "Inistorbo mo pa 'ko. Una na ko doon." Sabi niya dito saka umalis na

Hindi ko maintindihan.

Napatingin ako kay Nathalie. Naalala kong inasar-asar niya ko nung kinder kami, classmates kami nun. At ngayong Highschool, nagtagpo nanaman yung landas namin at gaya nga ng ginawa niya noon, inasar niya din ako nung mga nakaraang taon. Pero nananahimik na siya ngayon, ewan ko ba.

"Uh, diba kuya mo si Bricknell?" Nahihiyang tanong niya

Kumunot yung noo ko.

"Oo, bakit?" Nakaramdam ako ng pagka-irita.

Nilalapitan niya ba ko kasi may gusto siya sa kuya ko? Kaya ba hindi na niya ako inaalipusta nung mga nakaraang taon hanggang ngayon kasi alam na niyang kapatid ko yung taong gusto niya? Ibang klase.

"Kalma ka lang! Highblood agad si Ateng! Nagtatanong lang eh!" Natatawang sabi niya

Sabi ko na nga ba!

"May gusto ako sa kuya mo, pwede bang ipakilala mo ako?" Kagat labi niyang sabi at kunwaring nahihiya dahil sa ginagawa niyang pagkamot sa ulo niya

Ang kapal. Ipapakilala ko pa siya? Bat di niya gawin mag-isa?

"Kung gusto mo, magpakilala ka ng diretso. Ayaw ni kuya sa mga ganung babae na mandadamay pa ng iba para lang makilala siya." Sabi ko sabat tumalikod

Narinig ko pa ang mahinang pagmumura niya. Wala na akong pakialam, basta sa oras na galitin ako ni Nathalie, mapapatay ko siya.

Naglakad ako sa stage nang narinig kong tawagin ako ni Zen. Pina-practice na kasi namin ngayon yung scene kung saan mamatay yung step-mother ni Snow White at malalaglag siya sa bangin dahil sa saksak ng prinsipe (Yun din yung part na inedit ni Zned)

"Since bukas na yung Stage play natin, gusto kong ibigay nyo na yung best nyo para sa performance ng Play na 'to." Ma-otoridad na sabi ni Zen habang kami ay tahimik na nakikinig sakanya

Nagsimula na yung intro sa pamamagitan ng malumanay na Music Background, dito yung scene na ipapakilala si Snow White sa audience

"Very good, Camille!"

Blood for BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon