After 2 weeks
Kit POV
"Kukuruk-kukk~~," pag-gaya ko sa tilaok ng manok.
Sa sobrang aga kong gumising ngayong araw, naunahan ko pang tumilaok yung manok HAHHAHAHA
Alam niyo ba kung bakit maaga akong gumising ngayon? Alam niyo? Talaga? Sure ka? Ediwow, ikaw na! HAHAHAHAH
Kung nasa isip mo na ako ay papasok na sa college ngayong araw kaya maaga ako nagising....
MAY TAMA KA!
This is my first day in college! AYIEE >_<
OMG naeexcite na ako. Di ko masabi yung feeling na pasukan na and 1st year college na ako. Alam niyo yung feeling na natatae at kinakabahan na masaya? Ganun! Ewan ko nga lang kung may ganung feeling bang nararamdaman ^o^
Maaga akong nagising para makapag-handa. 5:30 palang ng umaga, 8:00 AM pa yung pasok ko sa university. Di naman halatang excited no? Di talaga pramis!
Gusto kong pumasok ng maaga eh, paki niyo ba HAHHAHAH
Attitude ka gurl?!
Basta gusto kong pumasok ng maaga! At baka ma-traffic pa ako eh, mahirap na kabago-bago may bad impression agad sa akin yung magiging professors and classmates ko. uWu
ฅ'ω'ฅ
"Lalala-lalala~~," pa-kantang sinasabi ko.
Pagkatapos kong maligo, kumain na ako at naghanda na ng gamit sa school. Isang ballpen at isang yellow pad muna ang dala ko kasi yun palang gamit ko eh, bibili nalang ako pag sinabi na yung kailangang gagamitin, practical lang tayo mga mamsh!
Ayun palang ang dadalhin ko muna, syempre kasama na dun yung phone ko at iba pang requirements para papasukin ako sa university. By the way pala, wala pa kaming university i.d., ibibigay ata this week.
Tumingin ako sa orasan, 6:35 na pala, antagal kong naghanda. Last look sa sarili, tinignan ko ang sarili ko, ang suot ko ay simpleng pantalon at black shirt na may backpack na black din ang color, favorite ko ang black eh. All set at ready to go na ako!
"Goodluck sa first day mo kuting, Bridge University here I come~~," sabi ko sa sarili ko at masayang lumabas ng apartment para sumakay nang jeep.
-
At Bridge University
"7:35 na, maaga pa pala," sabi ko sa sarili ko matapos kong bumaba sa jeep. Buti nalang di ako na-late, excited much kasi ako eh (⌒o⌒)
Naglakad na akong papuntang gate ng university. Marami akong nakikitang students din gaya ko na papasok pa pa lang din ngayon. Meron ding nga naka-kotse na students, wow sanaol! Grabe mukha talagang mayayaman yung nag-aaral dito, parang ma-out of place ako ah HUHUHUHU
Iniling ko yung head ko, dapat pala positive lang tayo. *tango* Tama, tama positive lang dapat!
"Oh! Ikaw yung last last week na nag-enrol diba?" biglang sabi ng guard nang akmang papasok palang ako ng gate.
"Naalala niyo po ako?" nakangiting sabi ko. Grabe naalala niya pa ako? Iba si koya!
"Oo naman Sir!, good morning pala!, enjoy your first day ah, pasok ka na iho!" sabi ulit ni manong guard.
"Good morning din po! And thank you rin po!" sabi ko kay manong guard. Kailangan ko nang tapusin yung pag-uusap namin ni kuyang guard, marami pa kasing nakapilang papasok eh, chinecheck yung bag and enrollment slip.
BINABASA MO ANG
Between Us ✔
Romance[ My Kitten Tutor BOOK 1 : Between Us - E D I T I N G ] **** Ang isang baklang kuting na papasukin ang mundo ng kolehiyo, Kit Ten Perez, ay gagawin ang lahat upang makapagtapos lamang ng pag-aaral. Sa pagtapak sa college life ay makilala niya ang is...