Chapter 18 Kitten's Comfort

1K 76 1
                                    

Kit POV

Friday na.

Weekends.

Pero bakit di ako masaya? Siyempre may mga tao sa paligid kong nalulungkot tapos ako magiging masaya?

Inaalala ko kasi si Sunny eh. Naalala ko yung sinabi ni Nanay Yilda, na kung pwede daw, samahan ko sila Sunny sa araw na ito. Di kasi pumasok si Sunny ngayon mukhang totoo nga yung sinabi ni Nanay Yilda. Mukhang magkukulong lang silang dalawa sa bahay nila. Si Frost din kasi di rin pumasok eh.

Nag-chat lang kasi si Sunny na di daw siya makakapasok ngayon dahil something came up daw. Kahit di naman niya sabihin alam ko na rin naman eh. Kaya gusto ko siyang puntahan at samahan siya ngayon. Antalino ko talaga!

ฅ'ω'ฅ

Oo, tama kayo ng pagkakabasa. Natapos yung klase ko na malungkot kasi wala si Sunny eh, papunta na ako kila Sunny, nag-jeep lang ako papunta sa subdivision nila, mabilis lang namin eh. Nang makababa na ako ng jeep, dumeretso na ako papasok sa subdivision, pinapasok naman nila ako, kasi kilala na ako dito eh.

Sana naman okay lang sila Sunny.

Nang makarating na ako sa gate nila, syempre nag-door bell muna ako. Bumukas naman agad yung maliit na gate sa gilid, tapos lumabas si Nanay Yilda.

"Hello po Nanay Yilda, nandyan po ba si Sunny?" tanong ko sa kanya.

"Oo iho, buti naman dunating ka, kaso wala dito yung kapatid niya eh."

Wala si Frost?

"Ganun po ba? Pwede po bang puntahan ko si Sunny?"  tanong ko kay Nanay Yilda.

"Sige iho, mabuti naman at naisipan mong pumunta dito, di na kasi lumabas ng kuwarto niya si Sunny eh, nag-aalala na ako, hindi pa siya kumakain mula pa kanina," paliwanag sa akin ni Nanay Yilda habang naglalakad.

"Ako nalang po muna ang kakausap sa kaniya Nanay Yilda," pagpapaalam ko kay Nanay.

"Sige iho, yayain mo siyang kumain ha? dun sa bandang kanan yung kuwarto niya," tumango nalang ako at nagsimula nang umakyat patungo sa itinuro na kuwarto ni Nanay Yilda.

Di pa kasi ako nakaka-akyat dito eh, ngayon lang. Madalas sa baba lang kami nag-aaral.

Nang marating ko na yung pintuan ni Sunny. Dahan-dahang ko siyang kinatok.

*Tok, tok*

"Uhm, Sunny? Nandiyan ka ba? Pwede ba kitang makausap?"

"Kit?" narinig kong sabi sa loob ng kuwarto," ikaw pala Kit, anong ginagawa mo dito?"

Nagulat ako sa paglabas niya ng pinto, pero nalulungkot ako dahil namumugto ang mga mata ni Sunny. Halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Tinitigan ko lang muna si Sunny bago nagsalita.

"K-kasi alam ko kung anong pinagdadaanan mo ngayon Sunny eh, sinabi kasi sa akin ni Nanay Yilda. Di ka pa nga raw kumakain eh. Gusto mo ba samahan kita ngayon?" sinabi ko kay Sunny.

Nakita kong paiyak na Sunny, di na ako nag-isip nag-atubili pang yakapin siya para i-comfort.

Umiyak ng umiyak si Sunny.

"Sssshh, okay lang yan Sunny, andito lang ako ha, kaya kung kailangan mong umiyak, umiyak ka lang. Huwag mong itago sa sarili mo. Kaibigan mo naman ako eh, so kapag may problem ka, like this, pwede mo namang sabihin sa akin," pagpapatahan ko sa kanya.

Kawawa naman si Sunny, siguro she's been like this simula mawala yung daddy niya.

"T--thank you Kit *sniff* sorry kasi di ko masabi sa'yo ah *sniff* ayoko lang kasing mag-alala ka eh at nami-missed ko lang talaga si dad eh," sabi ni Sunny habang umiiyak.

Between Us ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon