Chapter 37. 3 Surprised Vacation: Starting to Realize

604 42 1
                                    

Kinabukasan

Kit POV

Unang araw ko ngayon dito sa Tagaytay.

"Good morning self!" sabi ko sa sarili ko. 

Nanatili pa rin akong nakahiga dito sa malambot na kama sa kwarto ko. Ang sarap kasing humiga at matulog sa ganitong bakasyon.

Wala naman kaming ginawa kahapon, naligo lang kami sa dagat na sobrang lamig, hapon kasi nakaligo, hinintay ko kasing makatulog si Frost eh. Isa pa yung lalaki na yun, ang hirap makatakas sa kanya, sobrang higpit ng yakap niya sa akin habang tulog siya. Mabuti nalang talaga nakatakas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin habang mahimbing siyang natutulog.

Anyways, napagdesisyunan kong pumunta sa balcony nitong kwarto ko para silipin ang view sa labas. Maaga pa naman, 8:00 AM palang ng umaga, kaya malamig ang simoy ng hangin na nararamdaman ko mula dito.

"Ang sarap~," nakapikit na sabi ko at dinadama ang hangin dito sa balcony. Sobrang ganda ng umaga kung bubungad sayo ang tahimik na hampas ng alon ng dagat at maaliwalas na kalangitan. Peaceful atmosphere with beautiful viewing.

That's how I described it! Potek! Napapa-ingles ako ah! Pfft.

"Nice, it's a great day to start my day, seeing you Kit like that, makes me happy. Good morning!" 

H-huh? Frost?!

Napadilat ako ng mata ng may biglang nagsalita. Nakita ko si Frost na nakatayo sa kabilang balcony na tabi lang ng akin. Magkatabi pala kami ng kwarto?

"U-uy! I-ikaw pala, good morning din!" masayang bati ko sa kanya. Wala naman sigurong dahilan para hindi ko siya batiin diba?

Napa-smile naman si Frost sa pagbati ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako at nailang naman ako sa titig niya. Na-conscious tuloy ako kung bakit. 

>_<

Ngayon ko lang pinagmasdan ang porma ni Frost. Naka-sando lang siyang black na fitted sa katawan niya at shorts na blue. Malaki yung katawan ni Frost para sa isang college student lang, siguro madalas siyang mag-exercise. Nahalata ko ring bagong gising lang siya, namumungay pa kasi yung mata niya eh.

T-teka! Bakit ko ba siya pinagmamasdan?!

"Tsk, Kit, don't look at me like that. I might think you're drooling over me, tss," may tonong pang-aasar na sabi ni Frost.

"M-masama bang tignan ka hha? Naa-amaze lang kasi ako body proportions mo, keep it up!" kaswal na kausap ko sa kanya. Straight forward kasi ako pag may napapansin eh, sana naman walang meaning sa kanya yun.

"You're looking in my body now, huh Kitten? My body is all yours, don't worry. I won't mind if you want to own it," nakakalokong ngiting pahayag niya. Lumabas na naman ang hangin sa katawan ng lalaking yelo na ito.

"T-tse! Ewan ko sayo, maka-baba na nga, psh!" 

Tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako sa labas ng kwarto para makababa na. Mag-aalmusal muna ako, mukhang tulog pa sila Neon at Sunny, mauuna na lang siguro ako kumain.

"Hey Kitten, saba na tayo mag-breakfast," narinig kong sabi ni Frost sa likuran ko. Sinundan niya ba ako?

"Sige, by the way, tulog pa ba sila Neon at Sunny?," tanong ko kay Frost. 

"Yes, they stayed all night watching movies. Shall we eat now?" 

"A-ah, sige kumain na muna tayo hehehehe," naiilang na sabi ko kay Frost. Kaming dalawa lang kasi ang nandito sa baba eh. Tapos kung makatingin pa siya parang kakaiba.

Between Us ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon