Sunny POV
Kung kahapon na first day sa university ay masaya at puro katuwaan lamang, ngayon ay para bang nag-change ang lahat.
( ̄. ̄)
SINO ba namang matutuwa na second day ng class ay merong agad na test?!? Sinong matutuwa ha?! S-I-N-O ??! WHO?!
Kahit pang sabihin na assessment test palang yun, TEST pa rin yun aber!
Lahat ng classmates ko ay lumong-lumo at tila hinang-hina sa na-drain nilang utak dahil sa test na wala naman kaming alam ( ̄へ ̄) Pero meron ring tila ba na nakangiti pa ring kumakain na katabi ko na para bang walang nangyaring delubyong test na dumaan!
Sino yun?? Si KIT!
Nasa cafeteria kami ngayon para kumain ng lunch. Nakakawalang ganang kumain kapag tapos ng test diba? Ako lang ba yung ganun?? Sunod-sunod kaya yung mga test at meron pa mamaya HUHUHUHU
PERO si KIT! parang wala lang sa kaniya yung test! Sobrang sarap na sarap pa siyang kumakain sa tabi ko samantalang ako ay parang naiiyak na sa nangyayari sa akin ngayon dahil sa test, I'm starting to hate this university right now! HUHUHUHU
"Oh? Sunny bakit di ka pa kumakain?" nakangiting tanong niya habang may nginunguya pa. SANAOL!
Tinignan ko siya, yung tingin na alien look na pagod, ganun!
Nagtaka siguro siya kaya sinagot ko na yung tanong niya," Seriously?, di ka ba na-drain sa mga tinest natin kanina? Bakit mukha ka pang masaya?" parang naiiyak na sabi ko.
"Ah, yun ba? Okay lang naman yung test, buti nga madali lang eh," walang halong pagmamayabang na nakangiting sabi niya. Yung inosenteng parang wala lang talaga sa kaniya. SANAOL talaga!! (︺︹︺)
Kita mo na? Buti pa siya mukhang may alam sa ganung test. HUHUHUHU
Hoy! baka akala niyo wala akong na-answer ah, meron naman noh! Pero mas mukhang marami pa yung mali sa tama eh HAHAHAHHAHAH
By the way, di pa pala ako nag-iintroduce, my fault. My name is Sunny Shine Demetri. Di ako spoiled brat, mataray at maarte, inuunahan ko na kayo, hmp! Kapatid ko si Frost, yes tama kayo ng pagkaka-read, big brother ko yung matabil na dila na tamad na 'not so pogi', yun kapatid ko yun. Anyways, bumalik na tayo sa actual scene, gusto kong batukan si Kit dahil di niya nararamdaman yung pagka-pagod, sanaol talaga ulit!
Pero I'm not the brutal type of person. And I consider him as a friend noh, siya pa lang yung parang friend ko here, ayokong kumaibigan ng feeling sosyolera na friend, ayoko ng mga ganun. Kahit kahapon ko lang nakilala si Kit, his pure innocence and kind gestures catch my attention to know him better. Ganun yung feeling nung kahapon na tinanong niya ako about sa assigned room na hinahanap niya, which is later on I found out that we have the same course. That's why I want to consider him as my friend.
"Anyway Kit, let's change the topic shall we?" naka-smile na sabi ko sa kaniya na siya namang pinagtaka niya. He's easy to read, yung expression niya kasi mamahalata agad eh.
"Huh?" takang tanong niya sa akin.
"Can I ask something?" I asked.
"Sure! ano ba yun?"
"Pwede ba kitang maging kaibigan?" kinakabahang sabi ko. Duh, kahapon palang kaya kami nagkakilala. Pero gusto ko na talaga siyang maging kaibigan!
"Ha? Oo naman!" nahihiyang sabi niya.
"OMG! Talaga ba?? Wala nang bawian ah, sabi mo yan!" masayang sabi ko sa kaniya. He's now my friend na!
"Oo naman, friends?"nsabay abot niya ng kamay niya na ikinagulat ko. He's so cute talaga!!
"Friends!" masiglang sabi ko at inabot yung kamay niya.
"Thank you ah! tara na nga kain na ulit tayo," dagdag ko pa.
Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy na kami sa pagkain. Ang jolly niya talaga and happy going pa. I'm so lucky to have him as my friend.
\(○^ω^○)/
-
Kit POV
"Okay class, that's all for today, see you tomorrow," sabi ng prof na last subject namin at umalis na.
YEHEY! uwian na!
Masayang niligpit ko yung notebook na pinagsulatan ko ng notes. Nagsusulat ako ng notes mahirap na may test ulit eh. Buti nga may alam ako sa lahat ng tinest kanina eh pero di naman lahat yung mga basics lang.
"Tara Kit sabay na tayo!" sabi sa akin ni Sunny.
Di pa rin ako makapaniwala na kaibigan ko na siya at siya pa yung nag insist na maging kaibigan ako, I can't believe it (*´∇`*)
"Sige tara na," nakangiting sabi ko.
Sabay kaming naglakad papalabas ng room. Grabe ngayong day andameng test na binigay talaga. Kahit si Sunny halatang ayaw ng mga ganung test eh, halata kasi sa pag-uusap namin kanina sa cafeteria.
"Hays, sana mag-classmate pa rin tayo next week," biglang sabi niya habang naglalakad kami.
"Ay oo nga noh? Magkakaroon pala ng change sa schedule, next week na natin makakasama ang mga 2nd year diba?" sabi ko sa kaniya nang maalala ko yung sinabi niya sa akin about sa schedule.
"Naalala mo pa pala yung sinabi ko? Oo, next week pa malalaman yung new schedule natin, sana talaga kahit ilang subs lang mag-classmate parin tayo," sabi niya sa akin.
"Sana nga!" ngiting saad ko.
Nang makarating na kami sa university gate, nagpaalam na kami sa isa't isa, magkaiba kasi kami ng daan eh. Pumara na ako ng jeep papunta sa apartment ko. Hays, kapagod!
-
Sa cafè
Pagkatapos ko kaninang umuwi sa aking apartment, dumeretso na ako dito sa aking part-time. Nakapagpahinga naman ako kahit sandali lang kanina kaya wala na masyado yung pagod ko hehehehe
Di ko pa nakikita si Neon, ngayon dito at maging sa University. Ewan ko ba kung nasaan yun, matanong ko nga mamaya.
"Hi Kit, andito ka na pala?" biglang sabi ni Neon sa likod ko. Speaking, di ko siya napansin na pumasok ah.
"Ikaw rin! Kakarating mo lang ba?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Oo eh, traffic kasi, 3:30 kasi uwian namin," nakangiting sabi niya.
"Ganun ba? Bakit pala di kita nakikita sa university?" pangalawang tanong ko sa kaniya. Sana di siya sa akin makulitan (╯3╰)
"Uyy, hinahanp mo ako noh? Just kiddin', I think magkaiba schedule natin eh, baka next week magkapareho na tayo," asar at paliwanag niya sa akin.
"Hoy hindi ah, curious lang ako. Oo, alam ko na yung about sa bagong schedule next week, yung pwedeng mag-sama yung 1st and 2nd year college," saad ko.
"Alam mo na pala yun? Sana may chance na pwede tayong maging mag-classmate," sabi niya sa akin.
"HALA, oo nga noh? Sana nga!" masayang pagkaka-realized ko na pwede nga kaming maging mag-classmate kasi pareho kami course.
"Tara na, magtrabaho na tayo, dumadami na rin yung tao eh," sabi niya tapos ginulo niya yung buhok ko.
Tumingin ako sa mga tables, dumadami na nga! Agad kaming tumulong sa mga katrabaho namin. Masakit na naman panigurado yung katawan ko mamaya nito. Ba-bye na muna ang kuting ay magta-trabaho na! MEow!
ฅ'ω'ฅ
-
Follow me to easily receive updates; vote and comment na rin kayo para malaman ko thoughts niyo about this story! Thank you for appreciating my story! Enjoy reading!
-Author ฅ'ω'ฅ
BINABASA MO ANG
Between Us ✔
Romance[ My Kitten Tutor BOOK 1 : Between Us - E D I T I N G ] **** Ang isang baklang kuting na papasukin ang mundo ng kolehiyo, Kit Ten Perez, ay gagawin ang lahat upang makapagtapos lamang ng pag-aaral. Sa pagtapak sa college life ay makilala niya ang is...