Kit POV
Papunta na kami sa kuwarto ni Kuya Frost.
Ay! Ayaw niya palang tawagin ko siya kuya. Buti nga ginagalang pa siya eh HUHUHUHUHU
Patuloy pa rin kaming naglalakad, tinatagalan ko kasi para di agad kami makarating sa kuwarto niya eh. Baka kasi di na na ako makalabas sa kuwarto ni Kuya-- este Frost!
"Can you please walk faster? Nananadya ka ba ha?" iritableng sabi ni Frost tapos huminto sa paglalakad.
Bakit na naman ba ha? HUHUHUHUHU
"B-bakit n-nagagalit ka a-ah? Nagugutom na kasi ako k-kaya ayaw ko m-muna mag-aral e-eh," palusot na sabi ko sa kaniya. Kalahating totoo yung sinabi ko sa kaniya. Bakit kalahati lang? Ayaw ko talaga dun sa kuwarto niya kasi pakiramdam ko mumurahin at sisigawan niya lang ako dun, tapos gutom na gutom na talaga ako legit lang!
A-At di naman sa pagiging assuming….
B-baka mamaya manghalik na naman siya.
〒_〒
"W-what?! Hindi ka ba nag-lunch kanina?" tanong sa akin ni Frost.
"O-oo Kuya- este Frost hehehehe, diba nga may pinagawa sa akin sa faculty?" please pumayag ka na para makatakas na ako sa bahay niyo! HUHUHUHU
AYOKO talagang magpakita sa kaniya ngayon dahil naalala ko pa rin yung ginawa niyang pag-halik at pag-amin niya sa akin. Kahit naman inosente ako sa mga bagay-bagay, alam ko naman yung crush-crush na yun noh!
Di lang talaga ako makapaniwala! At buti pa siya di nahihiya sa ginawa niya kanina, bakit kasi ako yung kailangan mahiya ha?!
T_T
"Fine! Go downstairs para kumain, I'll follow you pagkatapos kong magbihis, don't f*cking try to escape, understood?" banta sa akin ni Frost.
Sorry Frost pero kailangan kong tumakas mula sa'yo HUHUHUHU
"O-oo, doon lang ako kasama ni Sunny, h-hintayin kita d-doon sa baba ah?" sabi ko sa kaniya. Sorry Lord kung magsisinungaling ako ah, huwag niyo po sana akong bawasan ng points sa langit.
︶︿︶
"Okay, I'll see you there," sinabi ni Frost.
Hinintay ko munang makapasok si Frost sa kuwarto niya para hindi halata na tatakasan ko siya. Nang makapasok na siya sa kuwarto niya, mabilis pa sa kabayo na bumaba ako sa baba nila kung saan nakita ko si Sunny.
"Oh? Kit! Akala ko ba mag-aaral kayo ni Kuya Frost, asan siya?" takang salubong sa akin ni Sunny.
"Punyawa ka Sunny, bakit pinagtutulakan mo ako sa kuya mo huh? Natatakot na nga ako sa kaniya eh HUHUHUHU"
"HAHHAHAHAHAAH, Kit huwag kang mag-alala, si Kuya Frost lang yun," natatawang sabi ni Sunny.
Nagawa pa talaga niyang tumawa? Hah!
"Bahala kayo diyan magkapatid, uuwi na ako dahil may trabaho at ayoko muna siyang kausapin ngayon!" paalam ko sa kaniya.
"T-teka?! Alam ba ni Kuya Frost na aalis ka? Bakit aalis ka agad?"
"Nakapag-paalam na ako sa kaniya, pumayag naman siya eh. Uuwi na ako, ba-bye Sunny," paalam ko sa kaniya at tumakbo na palabas ng bahay nila para sumakay ng jeep sa labas ng subdivision.
Wews! Nakatakas din ako!
o(〃^▽^〃)o
Ayoko muna makita yang si Frost na yan! Akala niya siguro nakakatuwa siya eh HUHUHUHUHUHU
Bahala na!
-
Sunny POV
ANONG NANGYARI KAY KIT?
Akala ko ba umamin na si Kuya Frost sa kaniya? Bakit parang natatakot siya?
Ano na naman kayang ginawa ni Kuya Frost?
--_--
Huwag naman sanang kalokohan na naman, engot pa naman si Kuya Frost. Di ko na napigilan si Kit lumabas kasi tumakbo agad siya eh.
"Where's Kit?"
Si Kuya Frost pala.
"Ayun umalis na, nakapag-paalam na nga daw siya sa'yo eh, bakit pala nagmamadali yun?"
"What the f*ck?! Pinayagan mo siyang umalis?" galit na sabi ni Kuya Frost.
"Hoy! Huwag mo akong mamura-mura ah! Sinabi niya kasing pinayagan mo siyang umalis, kaya hinayaan ko siya!"
Nakakagigil 'to, malay ko ba kung anong nangyayari diba?
"Tch. Di ko siya pinayagang makaalis, he said to me na kakain lang siya, bakit mo kasi siya pinaalis?!" he added.
"Aba! Malay ko ba! Tapos di pa pala siya kumakain, nagawa mo pa siyang takutin?! Ano na naman bang ginawa mo ha? Sinabi ko diba na mag-confess ka lang? Bakit ganun yung reaction niya?"
"He doesn't believe what I'm trying to say to him, so I kissed him to shut him up and let him realize that my feelings are not a thing para i-consider na joke," proud na sabi ni Kuya Frost.
Kiss? Hinalikan niya si Kit?!
Wth?!
"Bakit mo ginawa yun ha?! Baliw ka ba?! Aamin ka palang pero hinalikan mo na?! Iisipin talaga ni Kit na pinagtitripan mo lang siya! Di ka ba nag-iisip ha?!" di makapaniwalang sabi ko sa kaniya.
Wala na talaga pag-asa 'tong si Kuya Frost, kaya pala parang naturn-off si Kit sa kaniya eh.
--_--
Malamang magugulat yun si Kit!
"I did it on purpose. Ayaw niya kasing maniwala eh. Don't change the topic, bakit mo pala siya pinalabas?"
"Buti na yun! Para naman maka-move on din siya sa ginawa mo! Atsaka may trabaho pa yung tao noh! Haynako ka Kuya Frost! I still can't believe na ginawa mo yun! Wala na talaga! Ako mismo magsasabi kay Kit na bustedin ka!" sigaw ko sa kaniya sabay walk out.
"W-wait! W--what--"
Di ko na pinakinggan yung gusto niya sabihin sa akin. Bahala siya! Grabe yung ginawa niya kay Kit! Hinalikan niya, hinalikan! Kaya naman pala takot na takot sa kaniya si Kit eh. Tingin panigurado ni Kit kay Kuya Frost ay isang malaking weirdo.
Buti nga sa kaniya! Di na ako magtataka kung iiwasan siya ni Kit. Malala na talaga si Kuya Frost. Di niya ba naisip kung ano yung iisipin ni Kit sa ginawa niya?!
Hayy. Kawawa naman si Kit, sureness akong di rin sya titigilan ni Kuya Frost kasi alam na niya yung feelings niya eh.
Kabadtrip talaga si Kuya Frost! Sana talaga di na siya pansinin ni Kit! Di siya marunong mag-isip!
Wrong move ka Kuya Frost! WRONG MOVE!
--_--
-
Follow me to easily receive updates; vote and comment na rin kayo para malaman ko thoughts niyo about this story! Thank you for appreciating my story! Enjoy reading!
-Author ฅ'ω'ฅ
BINABASA MO ANG
Between Us ✔
Romansa[ My Kitten Tutor BOOK 1 : Between Us - E D I T I N G ] **** Ang isang baklang kuting na papasukin ang mundo ng kolehiyo, Kit Ten Perez, ay gagawin ang lahat upang makapagtapos lamang ng pag-aaral. Sa pagtapak sa college life ay makilala niya ang is...