2

197 11 10
                                    


Date


Dali-dali kong isinukbit ang backpack sa'king balikat nang tumunog ang school bell, hudyat na uwian na.  Maaga akong makakauwi ngayon dahil walang iniwan sa aming assignments, tapos ko na rin ang Group Activity namin at naipasa ko na 'yun kanina.  

Nakahinga ako nang maluwag, excited akong umuwi dahil sa wakas ay maipagpapatuloy ko na ang panonood ng Kdrama.  

Lumiko muna ako sa locker room para ibalik ang ilang gamit na nagpapabigat sa dala kong backpack. Humigpit ang hawak ko sa door knob ng locker room nang makitang naroon si Sunghoon at kasalukuyang nagbibihis. Mabuti na lang at nakasuot na siya ng itim na tshirt habang ang uniform niya ay maayos nang nakatupi.  

Sinilip ko ang loob ng bukas niyang locker, napangiwi ako nang makitang magulo ang loob nito.  Magulo dahil sa ilang love letters, ilang chocolate na natunaw at maliliit na stuff toys ang nagkalat. 

Muntik ko nang makalimutan na marami nga pala ang nagkakagusto sa kanya, at isa na ako roon.  Baka nga isa sa mga letters na 'yon ay akin. Hindi niya siguro binasa at tinambak nalang lahat sa loob… Malamang sa malamang na wala siyang pakialam sa mga sulat na 'yon. Sabagay, bakit nga ba siya magkakaroon ng interes na pagtuunan pa ng pansin ang mga yon kung may iba na siyang gusto?  

I shifted to my locker and opened it using my key, inilagay ko ang mga libro na hindi ko naman kailangang iuwi. 

I quickly closed the locker, I almost jumped when I saw Sunghoon was already standing by my side a meter away from me. He crossed his arms as he casually leaned against his locker.. 

"Do you want to watch the championship?" 

Umiling ako at agad na nagdahilan, "Busy ako e" sabi ko habang nag-iiwas ng tingin. 

"I haven't told you the date yet" I heard him sigh, "You're making excuses… Just tell me if you don't want to be there" there's a hint of disappointment in his voice.  

Why is he inviting me to his championship?  I mean, yeah I used to watch him compete but not now… never again.  Para saan pa? Bakit ko pa siya papanoorin? Why isn't he inviting his girlfriend instead…  Krystal? She should be there, not me!  

"Hindi naman sa ganoon, busy lang talaga 'ko" He just ignored me and took something from his pocket. He quickly grabbed my hand and placed a small piece of paper on my palm. I stared at the paper for a bit and frowned when I realized that it was a ticket for his championship.

"I'm hoping to see you on Saturday" tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis, naiwan akong nakatayo habang hindi pa rin maalis ang tingin sa ticket. 

Saturday 3PM? Thursday palang ngayon, Siguro ay pwede ko pang ibalik sa kanya itong ticket bukas.  O kaya ay ibibigay ko nalang sa ibang may gusto. Sigurado akong marami ang mag-aagawan sa ticket na 'to. 

Natawa ako bigla sa naalala.  Binigyan niya ba ako ng ticket kasi palagi ko siyang hinihingian dati?  Napailing ako, bakit ko nga ba 'yon ginawa? Hindi naman kami close pero ako 'tong palaging lumalapit sa kanya noon, nagkunwari pa akong interesado sa Ice Skating para lang makausap siya. Tinulungan ko rin siya sa assignments kahit hindi kami magkaklase last grade. Umiyak pa 'ko kasi akala ko pupunta siyang abroad!  Napaconfess tuloy ako ng wala sa oras.. 

Hindi kaya iniisip niya pa rin hanggang ngayon na gusto ko pa rin siya? Totoo naman, pero ayaw kong isipin niya pa rin 'yon. Inipit ko sa notebook ang ticket para hindi iyon magusot, bukas na bukas ay ipapamigay ko 'to.  










Nakapila ako sa cafeteria para bumili ng Banana Milk nang may humila sa akin at kinaladkad ako hanggang makarating kami sa bakanteng classroom. 

Tinaasan ko ng kilay si Sunghoon nang samaan niya ako ng tingin, dumako ang tingin niya sa kamay kong hawak-hawak pa rin niya, agad siyang bumitaw bago ibinalik ang tingin sa'kin.  

He clenched his jaw before asking me, "Where's the ticket?"

I looked away, I didn't want to tell him. But it's obvious that he already knows the answer.  I gave it to Sheena, and she must have told him earlier. 

"You should've returned it to me" hinawi niya ang kanyang buhok saka humakbang papalapit sa'kin,  umatras naman ako ng tatlong beses hanggang sa lumapat ang likod ko sa board.  

Nakapamulsa siyang lumapit sa'kin, hindi ko alam kung anong atras pa ang gagawin ko ngayong nakasandal na ako sa board.  Gusto kong tumakbo ngunit agad niyang nabasa ang kilos ko, nacorner agad ako ng kamay niyang nakatuon sa board. 

Kinakabahan akong nagpaliwanag "Sorry, I don't think I can go..  I'll be busy tomorrow" 

His left hand lifted my chin when I tried to look down… Our eyes met, I can feel my cheeks burning, pakiramdam ko ay kakapusin ako sa hininga habang seryoso at diretso siyang nakatingin sa'kin. 

Isang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha. Ngayon ko lang siya nakita ng ganitong kalapit. 

Malamig ang kanyang mga mata kanina ngunit ngayon ay parang nangungusap ang mga ito. 

Napapikit ako nang bigla niyang ilapit ng husto ang kanyang mukha, he tilted his head and leaned on my ears to whisper,  "How about we go out on a date the day after tomorrow?" 

My eyes widened and I quickly pushed him "Huh?!" I couldn't believe what I heard. He's asking me out? Am I right? 

Hinawi niya ulit ang kanyang buhok bago supladong sumagot, "I won't repeat it" 

"Eh?  Paano kung ayaw ko?" tanong ko

"You have no choice but to agree" 

"Okay, but first, you have to win the Championship" hamon ko sa kanya, Nagkibit-balikat siya nang ilahad ko ang aking kamay para sa handshake "Deal?" 

"Deal" Nakangisi siya nang tanggapin ang kamay ko, "I need to go, magpapractice pa 'ko" he smirked and pinched my cheeks.God I feel like I'm blushing even more now!  

"O-okay" nauutal kong sabi…

"I'm still mad at you for giving the ticket away…" He took something out from his pocket and placed it on my hand, "But here's another one" 

"I told you I'm busy!" Reklamo ko habang pilit na ibinabalik sa kanya ang ticket.  

Parehong nakayukom ang kanyang kamay na para bang ayaw tanggapin ang ticket, "You should come and watch me win" He winked at me before leaving me in the room alone. 

Naiwan akong nakatulala, how can I survive this Weekend?  Bukas ay Sabado, araw ng Competition niya… ofcourse he'll win, hindi ko na kailangan pagdudahan 'yon… And the day after tomorrow, Sunday… we're going out on a date!  

I don't want to sound excited but I find myself picking an outfit and watching make-up tutorials as soon as I get home… 

--

Continue?

(I will try to post an update every Sunday/Wednesday, 8PM)

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon