13

261 15 22
                                    




Break



Bagsak ang balikat kong naglakad sa bus stop, isang buwan na magmula nang umalis si Sunghoon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. Noong nandito pa siya ay walang araw na hindi niya ako sinundo para ihatid sa bahay. Ngayon tuloy ay wala akong ganang magcommute.

I lazily sat beside the window, I took my phone and plugged my earphones to distract myself with some music. I checked every app for notification and I ended up browsing our photos together. I sighed as I opened the folder filled with our photos. I smiled as I saw his stolen shot from his tournament, the bouquets he gave me.. the random dates, vlog-like videos, Our family dinner.. I couldn't get to see the next photos, looking at our pictures just made me miss him even more. ..

Halos mapatalon ako nang lumitaw ang pangalan niya sa screen, finally, he texted me right on time! Nangangatal akong binuksan ang message niya at binasa.

Sunghoon: Facetime?

Ako: I can't babe, nasa bus ako :((

Kinagat ko ang labi dahil sa kilig at inis, parang gusto kong lumipad hanggang makauwi sa amin! Bakit ba kasi ang tagal ng bus na 'to?

Sunghoon: Much better. Show me the seat next to you.

Ako: Bakit? Ang random mo -_-

Sunghoon: Just show me! Tingnan ko lang kung may kasabay kang iba.

Ako: Wala po. Ako lang mag-isa :<


Nangiti ako sa sarili, naiimagine ko ang hitsura niya. Siguradong nakakunot ang noo niya ngayon habang katext ako,

Sunghoon: Nicholas?


Napairap ako sa hangin. Nakakainis, kung nandito lang siya ngayon ay baka nabulyawan ko na siya, hanggang ngayon ba naman ay naiisip niya pa rin si Nicholas.

Alam kong matagal na niyang pinagseselosan si Nicholas at minsan na rin kaming nag-away dahil doon. Wala akong choice kundi magsend sa kanya ng picture ko, sinigurado kong kita ang bakanteng upuan sa frame para makampante siyang mag-isa akong umuwi at hindi ko kasama si Nicholas.

Ako: I'm alone. Happy?

Nakalimutan kong lagyan ng emoji ang reply ko, baka akalain niyang seryoso ako masyado. Paulit-ulit kong binasa ang reply ko at kahit ako ay hindi iisipin joke iyon.

Sunghoon: Sorry.

Bigla akong nataranta sa reply niya, ayan na nga ba ang sinasabi ko! Nagtatype palang ako nang irereply nang magtext siya ulit.

Sunghoon: I'm trying my best to make you happy.
:Hindi ka na ba masaya?

Halos manigas ako sa'king nabasa. Hindi ako makapagreply dahil sunod-sunod ang text niya na parang handa siyang suyuin ako.

Sunghoon: Sorry, I should've stayed with you.

Ako: Joke lang ih :<

Sunghoon: -_-

Ako: Sorry :((

Sunghoon: I was about to book a flight.

Ako: Dahil lang doon?

Sunghoon: Yeah. Just tell me if you're tired of this set-up, uuwi talaga ako.



ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon