11

166 10 5
                                    






Australia







Agad akong hinila ni Mommy sa kwarto niya nang makauwi kami ni Sunghoon. 

Natataranta akong humarap kay Mommy, "Anong problema?" 

Suminghap si Mommy at isinarado nang bahagya ang kanyang pintuan, "Akala mo ba hindi ko napapansin?" 

"Ang alin Mommy?" 

"Nawawalan ka na ng oras sa boyfriend mo" 

Umiling ako,  "Araw-araw na kami magkasama" 

Hinawakan ako ni Mommy sa balikat, "Kampante ka na.. Binabalewala mo na yung tao" 

"Mommy hindi sa gano—" 

"Have you ever watched his training? Hindi 'di ba?  Kapag competition lang… Kailan ka bumisita sa bahay nila?  Nung Birthday niya pa 'di ba?" 

Huminga ako nang malalim bago nalilitong tumingin kay Mommy, "Anong ibig mong sabihin?" 

"Bigyan mo rin siya ng oras, Yuri." tumango ako kay Mommy kahit hindi ko siya maintindihan. 

Lumabas ako ng kwarto niya at nagtungo sa couch kung nasaan si Sunghoon. Kinuha ko sa kanya ang bag ko at dali-daling inilabas ang aking mga gamit. Ipinatong ko iyon sa mini table at doon ako nagsimulang magreview.

Naramdaman kong naupo si Sunghoon sa sahig para tabihan ako, hinawi niya ang buhok kong humaharang sa libro.  "Can we talk?" 

Tumigil ako sa pagsusulat, "Babe, exam week ko na.. Next time nalang tayo mag-usap" 

Bumagsak ang tingin niya sa libro ko, "Sige, magreview ka na" 

Nginitian ko siya at hinayaan niya nga akong mag-aral. Seryoso ako sa pagrereview dahil gusto kong ma-maintain yung rank ko last year, I ranked 5th on First Year students from Architecture Department, sobrang taas na achievement noon para sa'kin. Gusto kong pati ngayong Second Year ay mamaintain o kaya'y mas mapataas ko pa ang grades ko, kaya naman nang magstart ang Sem ay tutok ang buong oras at atensyon ko sa Acads. 

Hindi naman ako grade conscious dati, dahil na rin siguro sa mga blockmates at Prof ko kaya ako naging ganito ngayon. 

Tumigil ako sa pagsusulat nang mangalay ang kamay ko, tatayo sana ako para kumuha ng tubig nang mapansing may sandwich at juice na nakalapag sa harap ko. Dumako ang tingin ko kay Sunghoon na nakasandal sa couch habang mahimbing na natutulog. 

Sumulyap ako sa wall clock,  alas diyes na. Limang oras rin pala akong nag-aral. Para akong nilamon ng konsensya habang pinagmamasdan ko siya. Bakit hindi pa siya umuuwi?  Paano siya nakatulog sa ganoong posisyon?  

Lumapit ako sa kanya, bigla akong naluha nang maalala ang sinabi ni Mommy.  Ngayon ko lang narealize kung ano ang ibig niyang sabihin.  

Nawawalan na nga ako ng oras sa kanya, halos isang taon niya na akong sinusundo sa school at hinahatid pauwi kahit pagod siya sa training.  Linggo-linggo ay nabisita siya dito sa bahay para makabonding kami ni Mommy… 

Pero anong ginagawa ko sa mga oras na 'yon? Busy akong mag-aral. 

Mahigit isang taon na kami at ni isang beses hindi ko siya narinig na nagreklamo, palagi siyang nandyan para hintayin ako, bantayan ako habang nag-aaral. Nandyan siya palagi para damayan ako sa stress sa school works.

Mahigit isang taon na kami pero ni isang beses hindi ko siya pinuntahan sa training niya, hindi ko siya kinumusta. Mahigit isang taon na kami pero iilang beses palang ako bumisita sa kanila. Bilang sa kamay kung ilang beses akong nag-effort para makasama siya… 

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon