6

162 10 9
                                    


Best


Akala ko sabay lang kami sa byahe kaya sa bus nalang kami sumakay kesa magtaxi, nagulat nalang ako nang bumaba rin siya sa kanto ng village namin.  

"Sige na" Paalam ko sa kanya nang makababa kami ng bus. Itinuro ko ang loob ng Village, "Dito ako nakatira, una na 'ko" Kumaway ako sa kanya bago naglakad papasok ng Village. 

"I'll walk you home" Hinawi niya ang kanyang buhok bago sumunod sa akin hanggang sa magsabay pati mga hakbang namin.  

Kung alam ko lang na ihahatid niya ako pauwi edi sana sa Taxi nalang kami sumakay para hindi na kami naglakad, sobrang awkward… Walang may gustong magsalita sa amin, para kaming naglalakad sa buwan sa sobrang bagal ng mga hakbang namin. 

Tumikhim ako bago nagtanong, "Saan ka pala magco-college?" 

Bumagsak ang tingin niya sa lupa bago matabang na sumagot, "Hindi na ako mag-aaral" 

Nakagat ko ang labi, hindi ko siguro dapat tinanong 'yon… Parang hindi siya komportableng pag-usapan 'yon.  

"I want to focus on Figure Skating"

Tumangu-tango ako, nakahinga ako nang maluwag.  Akala ko sensitive ang topic na 'yon, mabuti nalang at sinakyan niya ang usapan.  

"Okay 'yon, sana all may talent" 

Unti-unting naging magaan sa pakiramdam ang paglalakad namin simula nang magpalitan kami ng mga tanong. It's fun to talk to him in this way. 

"I heard you're applying for SNU" 

Tumango ako, "Sana makapasa" 

"You will. You're smart" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Para akong nabuhayan ng loob, mas lalo akong naging confident ng sa kanya mismo manggaling na makakapasa ako. So his words have this effect on me huh?  

Tumikhim ako nang tumigil kami sa tapat ng bahay namin, "We're here… " naiilang kong sabi habang itinuturo ang two-storey house namin. 

Dumiretso ang tingin niya sa likuran ko, "Is that your Mom?" 

Halos mapatalon ako nang makita si Mommy na nakatayo at nakaabang sa gate.  She's still wearing an apron while holding a bread knife.  

"Uwi ka na" Taboy ko kay Sunghoon nang lumapit sa amin si Mommy. 

Pero imbes na umalis ay nagbow siya at bumati kay Mommy. "Good afternoon, Mrs. Kim" He's indeed a gentleman, I smiled of that thought.  Pati si Mommy napangiti rin. 

Nagpabalik-balik ang tingin ni Mommy kay Sunghoon tapos sa akin. Itinuro niya si Sunghoon gamit ang bread knife, "Boyfriend mo?" pang-aasar sa'kin ni Mommy. 

Umiling ako at lumingon kay Sunghoon, "Classmate!" sinabi ko talaga ng may diin para maniwala si Mommy. 

Mukha namang nakumbinsi ko si Mommy dahil tumango siya, "Magmeryenda ka muna sa loob, classmate ng anak ko" ngumuso ako nang asarin ako ni Mommy. She emphasized the word 'classmate'

"Busy siya, uuwi na rin yan" sabi ko para hindi na siya magtagal rito. Alam kong hindi rin siya makakatanggi kaya ako nalang ang gagawa ng paraan para makaalis na siya.  

Matalim niya akong tiningnan na parang may mali sa sinabi ko, "Why are you deciding for myself? Do you even know my schedule?" Narinig kong tumawa si Mommy nang tarayan ako ni Sunghoon. 

Hindi na ako nakapagwelga nang akbayan siya ni Mommy at iginiya sa loob ng bahay. Sumunod nalang ako sa kanila hanggang sa living room. 

Naupo si Sunghoon sa single sofa habang nasa couch naman si Mommy sa may bandang gilid. 

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon