7

176 15 8
                                    



Last



Umikot ako para ipakita kay Mommy ang ayos ko ngayon, napasinghap siya "You look… " hinawakan niya ako sa balikat, bakas sa mga mata ni Mommy ang saya, "Gorgeous"

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila sa tapat ng body mirror na nasa living room lang namin, I also stared at my reflection, I can't help but to admire myself… I am wearing a powder blue puff sleeve dress—3 inch above my knee and paired it with white flat sandals. I also fixed my hair, I curled it and added a curtain bangs too, I did a half ponytail and let the other half fall into my shoulder… 

Mommy did my make-up, she only applied the foundation, brows, blush, powder and lip tint for simplicity. She said it's important to look natural on a date. And she's right. How did I manage to look simple yet elegant at the same time?  

"Dalaga ka na" Tukso sa akin ni Mommy habang inilalagay niya sa akin ang kwintas niya, it's a silver necklace with white pearl pendant on it.  "You should always dress like this from now on"

"It took me 5 hours, Ma" sabi ko sa kanya habang tumatawa, "Siguro kapag may okasyon nalang" 

Isinukbit ko ang aking shoulder bag nang tumunog ang doorbell. Panay ang sulyap ko sa salamin, kinakabahan ako dahil alam kong si Sunghoon na 'yon. 

"Yuri,  halika na rito sa labas. Narito na ang sundo mo" Sigaw ni Mommy mula sa gate.  

"Papunta na po!" Nagspray ulit ako ng pabango bago tumakbo papalabas. 

I was stunned as I saw him casually leaning on his white car with his arms crossed. He's wearing a white two buttoned down long sleeves rolled up to his elbow and paired it with black pants. He's smiling while talking to my Mom, the two of them look unbothered. They didn't even notice my presence. 

Tumikhim ako, muntik na akong maubo nang tignan ako ni Sunghoon na parang sinusuri akong mabuti. I was disappointed when I saw nothing in his eyes, I expected a compliment from him but it seems like he didn't care, he didn't even notice it at all…

Humarap siya kay Mommy bago nagpaalam, "We'll go ahead. Iuuwi ko po siya before 4PM" kumaway siya kay Mommy bago ako pinagbuksan ng pinto. 

"Bye Mom" Bulong ko bago pumasok sa loob ng kotse niya. Kinuha ko agad ang phone ko sa bag at tiningnan ang oras, 2 PM na.  Lalo akong nadismaya, hanggang 4 PM lang kami at talagang manonood lang kami ng Sine ngayon. I was expecting for more, kahit kumain man lang kami pagtapos ng Movie. 

I guess he has some other plans to do today kaya parang nagmamadali siya. Oo nga pala, dalawa nga pala ang schedule niyang Date ngayon. Ako siguro ang una, at mamayang 4 PM ay si Krystal naman.  

Agad akong umiling, ipinangako ko nga pala sa sarili kong hindi ko muna iisipin 'yon ngayon at pagbibigyan ko na muna ang sarili kong mag-enjoy. 

Bagsak ang balikat kong naglakad habang papasok kami ng Cinema, he's acting weird today. Hindi niya ako kinausap buong byahe kanina,  naiintindihan kong nagfofocus siya sa pagdadrive. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ang tahimik niya ngayon. Ni halos hindi niya ako matingnan!  

It took me 5 hours to look this good and he didn't even notice it! I did this for him, I want him to look at me pero wala, he's not interested! Ano pa nga ba ang aasahan ko?  I'm no match for her girlfriend, of course he could only look at her, in his eyes Krystal is way more beautiful than anyone. 

This is too far from what I've expected. How could it be the best?!  This is the worst!! 

Nawalan ako ng gana manood, hindi ko namalayan na sa simpleng pagpikit ko ay tuluyan akong makakatulog. 

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon