8

162 10 10
                                    



Babe


Patakbo kaming sinalubong ni Mommy nang makarating kami sa bahay. Gusto kong matawa dahil masyadong halata si Mommy, hindi naman siya excited 'no?  

"How's your date?" biglang nag-init ang pisngi ko, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. "Nag-enjoy ba kayo?" 

"Mommy!" saway ko kay Mommy na parang gusto pa ata kaming ilagay sa hot seat. 

Tumawa si Sunghoon at siniko ako, "Boring po ata, nakatulog siya e" 

Mommy glared at me, "Yuri that's rude!" 

Ngumuso ako, "Sorry" 

"Just don't do it again, marami pa namang susunod" sabi niya bago kumindat sa akin. Paano niya nasabi 'yon sa harap ni Mommy? Hindi nga ako makapagsalita ng ayos sa sobrang hiya pero siya ay confident na confident sumagot. Kayang-kaya niyang sabihin na marami pang susunod,  parang siguradong-sigurado siyang mangyayari 'yon. Iniisip ko palang ang mga sunod na mangyayari ay parang mababaliw ako sa tuwa. 

 



"Steak! You haven't cooked for a long time" manghang komento ko nang ihain ni Mommy ang steak sa dinner table.

Busy si Mommy sa work kaya wala na siyang time para magluto. May personal cook kami for dinner na nagdedeliver sa amin ng pagkain every Weekdays, kapag Weekends naman ay umoorder nalang kami ng fastfood o kaya'y bumibili ng instant or canned goods.  

Nag-iba ata ang ihip ng hangin at nagluto si Mommy ng steak, hindi lang basta luto. Maarte rin siya sa plating, pwedeng ipost sa instagram. 

Umirap ako sa hangin nang mapagtantong ginawa niya ito dahil gusto niyang magpa-impress kay Sunghoon!  "This is your favorite, right?" tumango siya nang tanungin siya ni Mommy.  

Gusto kong sawayin si Mommy sa pag-aasikaso kay Sunghoon pero mukha namang nag-eenjoy silang dalawa, marami rin masyadong tanong si Mommy na mabilis rin namang sinasagot ni Sunghoon. Hinayaan ko nalang silang magkaroon ng sarili nilang conversation, I just want to enjoy the food since I didn't enjoy the sandwich I ate earlier.



Nang matapos kami kumain ay napansin naming madilim na sa labas kaya pinauwi na ni Mommy si Sunghoon, inihatid namin siya hanggang sa gate, "Magkita nalang tayo bukas sa Graduation n'yo.  Mag-ingat ka pauwi" 

Siniko ko si Mommy bago bumulong "Mommy ano ba? Ang clingy mo! Nakakahiya" 

Tumawa si Sunghoon, narinig niya ata ang sinabi ko kay Mommy, "Sige po, kita nalang po tayo bukas" nagpaalam siya kay Mommy bago humarap sa'kin. "I'll text you when I got home" tinanguan niya ako nang makapasok siya sa kotse niya, binuksan niya pa ang bintana ng passenger seat para kawayan ako bago siya umalis. 

Matamis akong ngumiti habang tinatanaw ang kotse niyang unti-unting nakakalayo, pabiro akong kinurot ni Mommy sa tagiliran, "Kayo na 'no?" 

"Hindi pa" naguguluhan kong sagot.  Kami na nga ba? Wala naman siyang sinabi, isa pa ay hindi naman niya ako tinanong! Sinabi lang niya ang totoo, nagpaliwanag lang siya na ako si Krystal pero hindi naman niya sinabing kami na… 

"Hindi pa? Edi magiging kayo nga?" 

Oo nga no, hindi ko naisip yung sagot kong 'yon. Siguro? Pwede naman!  Bakit hindi kung mutual naman feelings namin? Ready naman ako… Sigurado rin naman ako sa kanya.. Ewan ko lang kung ganoon rin siya sa'kin.  





Nagpapatuyo ako ng buhok sa tapat ng vanity mirror nang magvibrate ang phone ko.

Sunghoon: I'm home 

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon