12

245 13 12
                                    







Goodbye






"Yuri! Papasukin mo kami, nandito na si Sunghoon" patuloy si Mommy sa pagkalampag sa pintuan ng kwarto ko.  Anim na oras na akong nagkukulong dito, kakarating lang ni Mommy kaya siguro ngayon lang nakapasok ng bahay si Sunghoon kahit kanina pa siyang hapon naghihintay sa gate. 

"Nag-away ba kayo?" hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang tinatanong ni Mommy,  hindi ako sumagot at ganoon rin si Sunghoon. 

Muling sinubukan ni Mommy kalampagin ang pintuan at nang mabigo ay nagpaalam siyang umalis, "Kukunin ko ang susi niya" 

Lumapit ako sa pintuan bago sumandal doon, alam kong maya-maya lang ay mabubuksan na nila Mommy ang pinto ko…  

"Babe…" Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya mula sa labas. "I'm sorry" 

Nayakap ko ang sarili, hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong marinig sa kanya kung ganitong naglihim siya sa akin.  Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng pag-unawa ko na mangingibang-bansa siyang may ibang kasama.  

 

Tumayo ako nang marinig ko ang pagpihit ng door knob, bumungad sa akin si Mommy at Sunghoon nang mabuksan nila ang pintuan.  

Lumakad papalapit sa akin si Mommy at hinaplos ako sa likuran, "Mag-usap kayong dalawa, iiwan ko muna kayo rito" tinapik niya 'ko sa'king balikat bago siya umalis.  

Nag-iwas ako ng tingin nang pumasok si Sunghoon sa kwarto ko, naupo ako sa sahig at sumandig sa kama.  

"Babe.." Umusog ako papalayo sa kanya nang tabihan niya ako.

Ramdam ko ang paninitig niya kahit diretso ang tingin ko sa pintuan,  hindi ko siya nililingon kahit anong tawag ang gawin niya sa akin. 

"Kailan ang alis mo?" 

Tumungo siya, "Bukas" 

Peke akong tumawa habang tinataasan siya ng kilay, "Kung hindi pa sasabihin ni Irene, hindi ko malalaman 'no?" 

Sinalubong ako ng mga nangungusap niyang mata nang mag-angat siya ng tingin sa'kin. Ibinalik ko ang tingin sa pintuan, hindi ko siya kayang tingnan… pakiramdam ko ay mawawala ang galit ko.

"I didn't tell you cause I don't want you to overthink.. You're already stressed with your school work…. Ayokong dumagdag" 

Humupa ang galit ko kahit kaunti, naiintindihan kong hindi niya sinabi sa akin dahil iniisip niya ako. Pero hindi makakaligtas sa akin ang pag-alis niya.  

"Kailangan mo ba talaga umalis? Kailangan bang kasama mo talaga yung Irene?" 

"It's a great opportunity for me…  Irene and I were both scouted as Pair… " lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi para iharap sa kanya, "Hindi ako aalis kung ayaw mo" 

Umiling ako, ayaw kong maging makasarili.  Alam ko kung gaano niya pahalagahan ang Figure Skating, ayaw kong maging hadlang sa pangarap niya.  Alam ko rin na noon niya pa gustong makapag train sa Australia, and now he's given the opportunity again, who am I to stop him? He's always there to support me and I never heard him complain. Nangako akong babawi ako sa kanya, siguro ito na yung panahon para makabawi ako..  

Unti-unting humupa ang galit ko sa kanya nang mapagtantong wala akong karapatang magalit at lalong wala akong karapatang magdesisyon para sa kanya.  

"Do you think we can make this work?" parang nagliwanag ang mukha niya sa tanong ko. 

Ngumiti siya at tumango, "Ofcourse, babe" bumuhos ang luha ko nang hilahin niya ako para yakapin. 

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon