5

192 10 13
                                    


Swayed


"Hey!" halos mapatalon ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Sunghoon. Nakakapanibago, nasanay akong iwasan siya. Halos buong school year kaming hindi nagpansinan.  Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin ngayon.    

"Hello" naiilang na bati ko sa kanya, ngumiti lang siya at sumabay sa'kin sa paglalakad. 

I honestly saw him waiting at the school's entrance earlier, nagkunwari lang akong hindi ko siya nakita. Hindi ibig sabihin na inaya niya ako ng date kahapon ay dapat na maging close kami ngayon.

Sinasabayan niya ang bawat hakbang ko, kapag binilisan ko ay binibilisan niya rin ang lakad niya, kapag naman binabagalan ko ay ganoorin ang ginagawa niya. 

Nang dumaan kami sa hallway ay pinagtinginan kami ng mga school mates namin… I mean, pinagtitinginan nila si Sunghoon.  

May ilang mga babae ring bumabati sa kanya at lumalapit, "Sunghoon… Anong gusto mo sa Heart's Day?" tumigil ako at inaasahan kong titigil rin si Sunghoon para kausapin yung babae pero dire-diretso lang siyang naglakad.  

Napatingin ako sa babaeng dismayadong hinahabol ng tingin si Sunghoon na walang pakialam.

"Hoy, kinakausap ka niya" sabi ko nang makahabol ako kay Sunghoon. 

"That's the sixth time I've heard that question" tumango ako, simula pa lang sa gate may mga babae nang nagtatanong kung ano gusto niya para sa Heart's Day, pero hindi naman siya sumasagot.  

I feel bad for those girls who took their courage to approach him, ended up being ignored. Naisip ko tuloy bigla, kung ganoon rin ako dati, papansinin niya kaya ako?  I mean kung hindi ko siya tunutulungan sa Acads, kakausapin niya kaya ako? Agad akong napailing, malamang ay hindi niya rin ako papansinin tulad ng ginagawa niya sa iba.  

Sadyang swerte lang ako kasi itinuturing niya rin akong kaibigan since I helped him before, kaya
kahit na inaya niya ako ng date kahapon ay hindi ibig sabihin noon may karapatan akong mag-assume, simpleng date lang 'yon.  Lalabas lang kami sa Linggo para manood ng Sine, friendly date. Nothing serious. Hindi ganoon ka-espesyal. 

Friendly date.  No more, no less.  Pagkukumbinsi ko sa sarili. 

"Hi Sunghoon,  what do you want for Heart's Day? Cake?  Scarf? Letter?" Lumingon ako kay Sunghoon, nabasa ko agad na naiirita siya dahil humarang sa dadaanan namin ang isang magandang babae. 

Maganda naman siya ha?  Bakit ayaw siyang pansinin ni Sunghoon? She has a long curly hair tied up with cute pink ribbon, her lips were thin and naturally pink, she's tall as me, parehas lang kaming hanggang balikat lang ni Sunghoon.  She look sophistically good, halatang galing sa mayamang pamilya. If I were Sunghoon, I wouldn't ignore her. 

"I have a girlfriend" Sunghoon spoke for the first time and he said he has a girlfriend,  bakit nga pala nakalimutan ko 'yon?

"O-oh right…. K-krystal" naluluhang sabi nung babae bago umalis. Bigla akong natigilan, hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Nanatili akong nakatayo habang si Sunghoon ay hindi man lang napapansin na wala na ako sa tabi niya. 

I had a glimpse of fantasy that I almost forgot the reality I'm living… Sunghoon has a girlfriend, and she's Krystal!  Muntik ko pang makalimutan dahil sa simpleng aya niya ng date!

Kahit pa na friendly date lang 'yon, I know deep inside me, I'm hoping for more. But that 'more' I was hoping is impossible to happen, he has a girlfriend. That's the reality.

Nanikip ang dibdib ko, ganito talaga ang nararamdaman ko kapag sobrang saya tapos biglang babawian ng lungkot. Nahihirapan akong huminga, kaya napaupo ako sa pinakamalapit na bench. Kinuha ko ang tumbler ko sa bag at agad na uminom ng tubig.

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon