10

178 10 6
                                    



Prize





"Ang swerte ko talaga at ikaw ang kapartner ko" 

Umiling lang ako at nagpatuloy na sa pagbabalik ng mga libro sa library,  sumunod siya sa akin at ganoon rin ang ginawa n'ya. "Are you free this weekend?"

"Nicholas.. I'm not free this Weekend, kaya nga pumayag akong ngayon na natin gawin 'di ba?"

Napakamot siya sa kanyang batok, naglakad ako palabas ng library at agad naman siyang sumunod, "Next week na ang deadline, hindi pa rin tayo tapos sa case study" 

Tumigil ako sa paglalakad nang makarating kami sa front gate ng school, "Finishing na lang naman ang gagawin natin, Nicholas" Kinuha ko ang folder na hawak niya, "I can do that alone" 

Suminghap siya bago ako hinawakan sa siko, "Pupunta nalang ako sa bahay n'yo" 

"No need"

"Yuri…. Please… I want to help" iiling na sana ako kay Nicholas nang may biglang humila sa akin.  

Nag-angat ako ng tingin at para akong binuhusan nang malamig na tubig, "What are you doing? Nag-uusap kami!" Hinila ako ni Nicholas pero agad ring hinawi ni Sunghoon ang kamay niya.  

Humigpit ang kapit sa akin ni Sunghoon bago masamang tumingin kay Nicholas, nagsukatan sila ng tingin kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa.  

"Sino ba yan?" mayabang na tanong sa'kin ni Nicholas habang nakaturo kay Sunghoon. 

Bigla akong nataranta nang dumulas ang kamay ni Sunghoon,  dali-dali akong sumunod sa kanya nang sumakay siya sa kotse niya. Madilim ang ekspresyon niya at mahigpit ang hawak sa manibela.  Pakiramdam ko ay mapapaso ako kapag hinawakan ko siya, nag-aapoy siya sa galit.  

We should be celebrating our 5th month together… We already planned to dine in a restaurant, he already booked a reservation but I guess we won't make it today. Hindi na nga siguro kami tutuloy dahil lumiko siya sa Village namin. Luminga ako sa backseat at may bouquet roon ng tulips gaya nang inaasahan ko, siguro ay hindi niya rin ibibigay sa akin 'yon ngayon.  

Tumigil kami sa tapat ng bahay at doon lang siya nagsalita, "Who's that guy?" may bakas ng galit sa tono at boses niya. 

Diretso pa rin ang tingin ko sa kalsada habang ramdam ko ang paninitig niya sa akin, "Nicholas… Partner ko siya sa Case Study" 

Suminghap siya, nakita ko rin ang pagyukom ng mga kamay niya, "Hindi mo sinabi sa akin na lalaki ang kapartner mo" 

"Hindi ka nagtanong" alam kong hindi ko dapat sinasabayan ang galit niya pero hindi ko mapigilan. Galit rin ako! Hindi ba pwedeng isantabi niya muna ang galit niya at magcelebrate kami!  

"You're seeing him every week" his voice cracked and I looked at him, his eyes were fuming mad.  

Nakipagsukatan ako ng tingin, "Case study lang 'yon.. Saka nagpapaalam naman ako sa'yo 'di ba?" 

Ipinilig niya ang ulo niya bago nagbalik ng tingin sa akin, "Hindi kita papayagang magpunta sa bahay niya kung alam ko lang na lalaki siya" 

"Kaya hindi ko sinabi kasi alam kong hindi mo ako papayagan" 

Kumunot ang noo niya bago pekeng tumawa, "Pumasok ka na" parang nagpantig ang tenga ko sa narinig. Hindi ako makapaniwalang pinapaalis niya na ako, wala nga siyang balak iabot ang bouquet!  

"Partner ko lang siya sa Case study. Nagkakaganyan ka na" 

Mariin siyang pumikit at nagbuntong-hininga, "You didn't tell him you're already taken! Hindi ka rin nag-abalang ipakilala ako kanina. He's hitting on you and you didn't even stop him" 

ENSERIES #1: Breaking The Ice Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon