Chapter 12: Shift

30 1 1
                                    


"Queen Elizabeth," tinignan ko si Daniel. "Your siblings have arrived."

Napatayo ako nang marinig ang pagbanggit ni Daniel sa pagdating ng aking mga kapatid. Agdad akong nagtungo ng throne room at doon ko sila natagpuan.

"Kuya George?"

Napalingon sila sa aking direksyon ng banggitin ko ang pangalan ni Kuya George. Agad nila akong nilapitan at niyakap.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Lalo na't narito ang aking mga kapatid. They are the closest I can get to my parents. I wish they're here. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman ko at malaman ang kailangan kong gawin.

"Liza, nag-alala kami." panimula ni Ate Charlotte.

"Noong nabalitaan namin ang pagkawala ni Iverson, agad kaming nagkansela ng mga lakad para makadalaw dito." dugtong ni Ate Diana.

"Hindi lang si Iverson, pati na rin ang Diamond Apple. Maaaring mawalan ng kabuhayan ang mga Mondia at maaari ring maapektuhan ang ibang kingdoms." banggit ni Kuya William.

Napasimangot ako.

"Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Ate, hindi ito katulad noon na alam ko kung sino ang kakalabanin. Wala akong kaalam-alam." pag-aamin ko.

"Enchanted Kingdom is a huge place, Liza. I'm sure we can find someone na makakatulong sa sitwasyon mo." Ate Diana advised.

I sighed.

Nang banggitin niya iyon, bigla kong naalala  iyong nabasa ko sa library isang araw.

King Theo

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Diana. "Kilala mo ba si King Theo?"

Apat silang binigyan ako ng nagtatakang tingin na para bang hindi nila alam kung ano ang pinagsasabi ko.

"Kailangan kong malaman kung sino si King Theo para malaman ko kung sino si Crishea."

"Wait, Crishea?" tanong ni Kuya William.

Napabuntong hininga ako. "I had a dream, kuya. Isang babae na may kasamang anak na babae. May iniiyakan sila na patay. Narinig ko iyong pangalan ng babae, Lilianna. Noong dumalaw ako sa sementeryo para kausapin sina mama at papa--"

"Bakit ka pumupunta ng sementeryo ng mag-isa?" tanong ni Kuya George pero hindi ko siya pinansin.

"Natagpuan ko iyong lapida ni Lilianna."

"Ha? Sino ba si Lilianna?"

"Si Lilianna iyong anak na babae na kasama nung umiiyak sa panaginip ko, si Crishea. May pinakasalan siyang prinsipe na may pangalang Ian." pagpapaliwanag ko.

"Kung anak ni Crishea si Lilianna, bakit mo nahanap iyong lapida ni Lilianna?" tanong ni Ate Diana.

"Hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyare pero pakiramdam ko isa iyon sa dahilan kung bakit kinuha nila iyong Diamond Apple. Dahil may kakayahan ito na makapagpabalik ng isang patay." kinikilabutan kong pagpapaliwanag.

"Ano ang koneksyon nito kay King Theo?"

"Pagkagaling ko ng sementeryo, dumiretso ako ng library at naghanap ng impormasyon tungkol sa mga Marshale. Iyon ang apelyido ni Crishea. Nalaman ko na isa siyang sekretarya ni King Theo at tinagurian din siyang Queen of Banshees."

"Queen of Banshees?" tanong ni Kuya William. "Iyon ang tawag sa reyna ng mga pana bago italaga ang new system."

Napakunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Hindi na Queen of Banshees ang tawag sa reyna ngayon kung 'di Sagitta Bella. Itinalaga nila iyong new system a year bago ka nakabalik."

"Anong problema--"

The Lost Diamond AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon