Chapter 10: Missing

154 6 6
                                    



*BOOGSH*

Lio and I woke and rose up from our bed when we heard a loud sound from our door. It was Knight.

Wait.

Knight?

"Knight?" Nagtatakang sambit ni Lio habang nagkukusot ng mata. "Anong ginagawa mo dito?"

"I also want to know too, Knight." Pero ngayon ko lang napagtanto na iba yung reaksyon na suot niya. Iba yung ipinapakita ng mukha niya. Para bang may nangyareng hindi maganda.

Isa nanaman ba tong masamang balita?

Bigla akong kinabahan. Nanginig. Nanlamig. May nagsasabi saakin na wag pakinggan ang kung anong balita ang dala para saamin ni Knight pero mukhang importante to.

"Nawawala.." huminga siya ng malalim saka itinuloy ang pagsasalita. "May nawawala.."

Kumunot ang noo ko saka tinignan si Lio na ganun din ang ginawa. Tumayo ako saka kinuha ang aking robe na ganun din naman ang ginawa ni Lio. Habang tinatali ko ang laso ng aking robe ay kinakausap ko si Knight.

"Anong nawawala?"

"Basta sumunod na lang kayo sakin!"

~*~*~

Sa daan, nagtaka ako kung bakit.. kung bakit biglang nagging malungkot ang paligid. Kung bakit.. kung bakit nag-iba ang simoy ng hangin. Bakit parang nag-iba ang pakiramdam ko?

Habang nakasakay sa chariot kasama si Lio, nasa harap si Knight at James na hinihintay niya pala kami kanina sa baba ng kingdom, tinitignan ko lang ang mga halaman na parang.. parang nag-iba ang kulay.

Parang nawalan ng buhay.

Umangat ang tingin ko sa mga punong dati ay mapapangiti ka dahil sa ganda at sigla na ibinibigay nito pero ngayon, parang mapapasimangot ka at mapapatanong.

Anong nangyare?

Noong unang tapak ko dito sa mundong to, sobrang mangha ko dahil sa mga halaman ditto.

Sobrang makulay, sobrang buhay, sobrang sigla at may mga gold pixie dust pa na nagpapakinang sa mga ito.

Ngunit bakit halos wala akong maramdaman?

Nasan na din ang mga ibon kong kumakanta? Mga paru-paro na lumilipad sa hangin at mga bubuyog na bulong ng bulong sa mga bulaklak na hindi naman pinapansin. Asan na ang lahat ng ito?

"Bakit ganito ang itsura ng mga ito? Bakit.." Ngunit bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay nakadating na kami sa isang lugar na masasabi kong ngayon ko palang makikita. Napatigil ako dahil sa pagkamangha at pagkagulat at sobrang napahawak ako sa kamay ng asawa ko.

Eto atta yung sinasabi nilang The Diamond Tree. Nakikita ko lang to sa mga litrato sa mga libro sa library ng castle. Sobrang ganda, sobrang kinang, sobrang laki at sobrang kakaiba.

Ngunit bakit parang ang dilim ng kulay? Bakit parang may kadiliman na nakabalot sa punong ito?

"Dito kami na-destino nung isang araw nila Yala at Knight." Panimula ni James. "Ito daw ang bantayan namin."

Tumigil na ang chariot sa isang maliit na gate kung saan may daan na gawa sa diyamante. Unang bumaba sina James, Yala at Knight saka si Lio pagkatapos ay ako na inalalayan naman ng asawa ko. Tumingin ako kay James, simbolo na ituloy niya ang kwento ngunit si Yala ang nagsalita.

"Ngunit hindi namin alam kung anong nangyare. Kung bakit.. kung bakit mangyare ang hindi naman dapat." Nauna silang pumasok saka kami ni Lio.

Pumasok kami sa loob ng puno. Sa loob ng punong gawa sa diyamante ay makakatagpo ka ng isang hagdan paikot, pataas sa isang parte ng puno kung saan matatagpuan ang..

"Dito matatagpuan ang Diamond Apple diba?" Sambit ni Lio na tahimik lang na tinanguan ng tatlo.

Bakit ganito ang inaakto ng mga tatlong to?

Lumapit ako sakanila, sinubukang tignan sa mata ngunit ayaw nilang i-angat ang kanilang mga ulo para tignan ako kaya patakbo akong umakyat ng hagdan.

Tinawag nila ang pangalan ko, sinubukang pigilan, sinubukang habulin. Nagbabakasakaling mapipigilan nila ako ngunit mabilis ako para hindi nila mahabol.

Hindi pwede. Hindi pwedeng tama ang nasa isip ko. Hindi pwedeng tama ang hinala ko kaya kami dinala ng tatlong iyon dito.

Mahaba ang hagdan na to dahil malaki ang puno ng diyamante ngunit nakaya kong makadating hanggang sa pinakamataas na bahagi ng puno.

Nang makatapak ako sa diyamanteng sahig ng pinakamataas na bahagi ng puno, sinubukan kong huminga ng malalim. Pinunasan ko ang mga malalamig kong pawis saka pinikit ang aking mga mata. Bumuntong hininga, iminulat at inikot ang tingin sa paligid kung saan dapat ay matatagpuan ko ang isang malaking pulang mansanas na nakasabit sa isang sanga, gawa din siya dyamante.

Ngunit napapikit ako.

Wala.

Wala akong nakita.

~*~*~

"Paano nawala ang Diamond Apple?!" Sigaw na tanong ko sa tatlo.

Umalingaw ang boses ko sa loob ng kwarto. Bumalik kami sa kingdom para pag-usapan ang dapat pag-usapan.

Hindi na to biro. Hindi na biro ang kung sino mang kumuha sa mansanas na iyon.

"Liza.."

"Queen.." I stopped Yala. "Queen Elizabeth."

He sighed. "Queen Elizabeth, we also don't know. Sinubukan naming wag matulog nung araw na yun. Sinubukan talaga naming wag ipikit ang mga mata namin. Pero.."

"Pero dahil sa sobrang antok at pagod, hindi naming napigilan. Napagdesisyunan naming umidlip lang kahit ilang minuto ngunit umabot sa oras. Hindi lang oras. Inabot kami hanggang umaga." Sumingit si James sa pagkekwento hanggang sa si Knight naman ang sumunod.

"Tao lang din naman kami at hindi naming aakalain."

"Hindi aakalain? Sobrang importante niyang diyamanteng iyan! Iyan ang bumubuhay sa lahat ng buhay dito sa kingdom. Lahat ng lupa, tubig, lahat ng puno at mga halaman, mga hayop at insekto, lahat yan ay hawak ng mansanas na iyon at hindi niyo nabantayan?!"

Someone touched me from my back which made me calm. "Elizabeth.."

Naglakad ako palikod at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

The life of a villager is important to me. Ngayon, maraming buhay ang importante sakin dahil hindi iisa ang nakatira sa sinasakupan ko. Hindi ito tama. Sino ba ang mangunguha nun? Sinong tao ang may gustong..

Ang Diyamanteng Mansanas o Diamond Apple ay maaaring makabalik ng buhay sa isang patay.

Ressurection.

Ressurect a life.

Hindi kaya imposibleng si Crishea ang nanguha? Hindi kaya imposibleng gusto niyang pabalikin ang kanyang asawa para lang sa kanyang pansariling kagustuhan na makasama at makapiling ulet ito? O ang kanyang anak?

Sino ka ba Crishea?

Sino ka ba sa buhay namin?

Bakit mo ba kami ginugulo?

The Lost Diamond AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon