Chapter 6: Clue

118 3 0
                                    


Agad agad kaming bumalik sa kingdom. Kahit saang sulok ng forest, hindi namin mahanap si Iverson. Naisipan namin na kailangan nang kumilos para mahanap ang anak ko. Kanina pa rin sumasakit yung ilong, mata at ulo ko dala ng pag-iyak.

Hindi ko alam kung nasaan na si Iverson. Kung sinong kasama niya, kung anong ginagawa niya. Malamang, may kailangan nanaman mula saamin ni Lio ang kung sino man ang kumuha sakanya. Pero hindi naman yata tama na pati ang mga anak namin ay damay.

Hindi ko alam kung ano nanaman mangyayare. Kung sinong may hawak sakanya. Ewan ko ba pero may kutob ako na konektado ito sa nangyare noon. Noong nakipaglaban kami kay Caspian. May kutob ako na may konekta nanaman ito sa nakaraan.

"Ma?" Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko naman na kailangan lumingon para malaman kung sino ang nagsalita pero yung boses ni Lio, iba. Alam kong apektado rin siya sa mga nangyayare, hindi lang niya pinapahalata dahil alam niyang sakanya ako humuhugot ng lakas. 

Umupo siya sa tabi ko saka ako niyakap. Yung yakap na sobrang higpit. Hindi naman sa masakit pero feeling ko talaga, ligtas ako sa mga yakap niya. Hindi nga lang namin alam kung saan kami magsisimula sa journey nanamang namin to dahil wala man lang kaming ni isang clue.

"Dad, hindi natin alam kung saan magsisimula.  Wala tayong clue or kaya makakatulong man lang saatin. Dad, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Shhh." Sambit niya saka ako mas niyakap ng mahigpit. "Aalamin natin lahat. Sabay nating hahanapin si Iverson at papatayin kung sino man ang kumuha sakanya. Wag kang magalala ma, andito lang ako." 

Kumalas ako mula sa yakap niya saka siya hinalikan. I'm crying again. Ang bigat sa puso. Ang bigat ng nararamdaman ko. Bakit pa kasi nangyare to?

~*~*~

Andito kami ngayon ni Lio sa isang parang meeting room kasama sina Dayala, Knight at James pati na rin sina Natie, Mack, Al at Kate at mga iba pang mga nagbabantay ng kingdom. Andito rin ang mga kapatid ko. Hindi ko na dinala sa loob ng room sina Jeremy at Cy. Baka kung ano pa mangyare. May nagbabantay naman sakanilang gwardya.

Andito kami  para pagusapan ang plano na mangyayare, paguusapan na din namin kung may nakakita man lang na ebidensya o clue para mas mapadali na ang paglutas namin ng problema. 

"Mahal na reyna, may sasabihin po kami sainyo." Sambit ni Elmo, isang nagbabantay din sa kingdom. Nagtinginan kaming dalawa ni Lio saka tinignan si Elmo. 

"Ano yun?"

"May nakita po kami ni Ark na basang bagay noong lahat po ng mga tao ay nakauwi na nung mismong araw ng kaarawan ni Prinsipe Iverson. Sa mismong lugar po kung saan nagpakita yung babaeng naka-black cloak." Itinigil ni Elmo yung sinasabi niya saka naman niya tinignan si Art na para bang nagsasabi na ituloy ang sinasabi niya. 

Tumingin naman saamin si Ark, nag-bow bago nagsalita. 

"Hindi po pangkaraniwan na liquid ang alam namin na nakita namin ni Elmo dahil ngayon lang po kami nakakita ng ganung bagay."

"Andyan ba yung basang bagay na sinasabi niyo?" Tanong ni Ate Charlotte sakanila. Tumango naman ang dalawa saka may inilabas si Ark mula sa bulsa niya. Isang transparent a maliit na bote kung saan may itim na basa doon pero nagulat ako ng kuminang ito. 

Black liquid with gold glitters? Pixels? Ano ba yung nasa loob?

Ibinigay ni Ark ang bote kay Daniel saka ito ibinigay kay Lio. Tinignan muna ni Lio, parang pinagmasdan saka ibinigay saakin. Kinuha ko naman yun saka inilapit sa mata ko para makita kung ano ang nasa loob. 

Parang black liquid with gold pixels nga. 

Tinignan ko sina Elmo at Ark saka ibinaba ang bote. Tinignan ko naman si Lio. HIndi ko naman alam kung saan gagamit at icoconnect ang clue na yan. Ni hindi ko nga alam kung ano yan eh.

"I think kilala ko kung sino ang makakasagot ng mga problema mo, Liza." Sambit ni James. Ughh! He's invading my mind again! Naalala ko nga pala na mind reader siya. "King Aqua."

"Si King Aqua?" Tanong ni Kuya William nang biglang sumingit si Ate Diana.

"Oo nga. Anong kinalaman ni King Aqua dito?" She asked. Tumingin naman ako kay James saka siya tinanong through my eyes. He smiled. A teasing one.

"Siya po ang King Aqua and yes, aqua kinda means water pero hindi naman porket ang pangalan niya is 'Aqua' eh tubig lang ang sakop niya. He can help us because he knows all the types of liquid." Itinuro niya ang bote na nasa harap ko. "Even that liquid."

"At kung alam na natin kung anong bagay yan then we can already start our journey." Lio said. Lahat ng tao sa room ay nagbulung-bulungan. Tinignan ko naman si Daniel saka ngumiti. 

"Then Daniel, kindly please make some arrangments."

"Opo, mahal na reyna." Sambit niya saka na naglakad palayo. Nagkatinginan naman kami ni Lio saka nagngitian. He held my hand tigther as he kiss me on the forehead.

I just hope na alam nga ni King Aqua ang liquid na to.

~*~*~


The Lost Diamond AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon