Chapter 15: Intel

35 3 1
                                    

~*~*~

Naglakad si Temp patungo sa punong-kahoy. Tinignan ko si Lio bago sumunod kay Temp. May kung ano itong hinila sa ilalim ng mga malalaking ugat na dahilan para magbukas ang isang pintuan sa punong-kahoy. Para itong isang elevator na maaari kaming idala sa tuktok ng puno. 

Pumasok ako roon kasama ang mga kasamahan namin. Inaamin ko na kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong dapat asahan. Paano kung wala rito ang hinahanap namin? Paano kung ang pag-asang ito ay mauwi sa wala?

Sa wakas ay may pinapatunguhan na ang paglalakbay na ito pero baka madismaya lang kami sa huli? 

Hinawakan ko ang kamay ni Lio. Mukhang napansin niya ang pag-aalala ko kaya dali niya itong hinawakan pabalik. Ayokong ipaalam sa mga kasamahan namin ang nararamdaman ko. Ayokong maging mahina. Ipinapanalangin ko na lang sa itaas na sana ay may makuha kaming impormasyon ngayon.

Pagkabukas ng mga pintuang hudyat na nakarating na kami sa itaas ay namangha ako sa loob nito. Walang katapusang pasilyo at mga istante ng mga libro ang nakikita ko. Kung mula sa labas ay simpleng puno lang ito, sa loob ay isa itong engrandeng library na na may napakatayog na kisame at walang katapusang daan. 

"Wow." bulong ko sa sarili. 

Nang makalabas ay hinarang kami ng dalawang gwardyang may malalaking katawan, maskulado at nakasuot ng unipormeng kulay purple at green. 

"To whom you may concern?" tanong ng isang gwardya sa kanyang baritonong boses. It sent shivers down my spine. Napatayo ang balahabo sa lahat ng parte ng katawan ko dahil sa paraan ng pananalita nito. 

I looked at Temp but she only nodded at me bago ibinalin ang tingin sa lalake. 

"We're here to see--"

"Queen Elizabeth." 

I looked at the tall guy who called my name. He was bald and like the two guys, he was also wearing a uniform in the colors purple and emerald green, more of a coat with a white translucent shirt inside. He's wearing a laurel crown on his head and black gloves on both hands. May sash din na nakasukbit sa kanya sa kulay puti.

Napansin ko ang dalawang lalake sa kanyang likuran. Mukhang mga assistant niya. 

"King Lio." 

He smiled at us before spreading his arms. 

"Maligayang pagbati sa aking kaharian." 

His face was familiar. Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita pero sigurado akong hindi ito ang pinakaunang beses kong nasilayan ang pagmumukha niya. 

Tinignan niya ang dalawang gwardyang humarang sa amin bago iwinagayway ang kamay sa tapat namin, mula sa itaas diretso sa ibaba. Nahagilap ng aking mga mata ang paglitaw ng isang kulay berde na ilaw. Doon ko napagtantong napapalibutan ang puno ng isang barrier at kung pumasok man kami kaagad ay hindi ako sigurado sa mangyayare pero alam kong hindi maganda.

"Ako si Intelehente." pagpapakilala ng lalake nang makapasok kami sa paikot na plataporma kung saan siya nakatayo. 

Dahil sa pagbanggit ng kanyang pangalan ay awtomatikong nagpakita sa isipan ko ang kanyang hitsura na nakapinta sa isang librong nabasa ko. 

"Kilala kita." sambit ko. "Ikaw ang naghahari sa punong ito, hindi ba?"

Napangisi ito bago naglakad sa dalawang lalake.

"Naniniwala ako na bago mo lubusang makilala ang isang tao," tinignan niya ako. "kailangan mo itong makasama ng matagal na panahon."

Napaisip ako sa kanyang sinabi bago tinignan si Tempest na ngayon ay naglilinis ng kanyang kutsilyo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost Diamond AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon