Chapter 9: Grave

87 4 0
                                    


"It was a hard time for me, ma and pa na wala kayo sa tabi ko ngayon. Lalo na't may mga kababalaghan nanamang nangyayare sa akin." I plastered a bitter smile on my face saka inilagay sa tabi ng bato kung saan nakalibing sina mama at papa ang apat na blue rose.

Andito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko. I need some help. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako makapag-focus lalo na't sumasabay pa ang village.

Parang hindi ko kayang mag-isa na lumaban. Yes, I still long until now the presence of my parents. Alam ko na may maipapayo sila sa mga panahon na to. Sad to say, they have to be gone in this world. Oras na nila and yet I'm not ready for that. 

"Pero masaya pa rin naman ako dahil hindi niyo na kailangan pang mapagod. I know you're in a safe place now. I know you're happy with each other." 

Humiga ako sa tabi ng mga bato saka hinayaan na pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan na lumabas. "I just really wish that you're here." 

Hindi ko na pinayagan na sumama sina Lio at ang mga bata dito. Besides, gusto ko din kasing bisitahin sina mama at papa na mag-isa ko lang. Gusto ko muna magmuni-muni. Gusto ko muna mapag-isa. 

Baka sakaling may maisip ako na paraan para maitigil na ang lahat ng to.

Nang mapagdesisyunan ko nang bumalik sa kingdom ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko. Kinuha ko na ang basket ng mga bulaklak na binili ko kanina sa village pero iniwan ko na yung apat na blue rose.

Sa daan palabas ng sementeryo, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para tumingin-tingin sa mga panchon na nakalagay dito. 

Hanggang sa may nahagip ang mga mata ko.

Isang lapida.

Liliana Marshale

Liliana.

Lakas loob akong lumapit doon kahit na tumatayo na ang mga balahibo ko sa takot. Kahit na ang pakiramdam ko ay may nakatingin saakin ay binalewala ko yun at tuloy parin sa paglapit. 

Pagkalapit ko dun ay nakita ko ang buong impormasyon na nakasulat sa lapida. 

Liliana Marshale

Born: October 15 

Died: July 16

May you rest in peace

Last last month.

Last last month lang siya namatay. 

Hindi kaya siya ang Liliana na anak ng babaeng umiiyak sa panaginip ko? Hindi kaya siya yung Liliana sa panaginip ko?

~*~*~

Dumiretso agad ako sa library na andito sa kingdom. 

Marshale

Yun ang last name na nakalagay sa tabi ng pangalan ni Liliana, sa kanyang lapida.

Kailangan kong malaman kung sino ang mga Marshale. Kung ano ang koneksyon nila samin. Kung ano ang meron. Kung bakit sila ang nagpapakita sa mga panaginip ko. 

Pero last name lang ang meron ako. 

Pagkakuha ko ng libro kung saan nakalagay ang bawat villager dito sa EC ay agad kong hinanap ang letter M para sa Marshale. 

Iba ang libro na to. Kakaib a ang isang to dahil agad agad na nag-iiba ang mga impormasyon kapag may bagong impormasyon sa isang tao. Agad na dumadagdag at agad na nagiiba. 

Nang matagpuan ko ang Marshale section ay unang bumungad saakin ang isang litrato ng isang babae kasama ang isang bata.

Pero hindi sila yung nasa panaginip ko.

Ayon sa impormasyon, ang pangalan ng babae ay Yarshica Marshale at ang kanyang katabing babae ay nagngangalang Crishea Mae Marshale. 

Kung hindi si Liliana iyon, malamang yun ang batang babae na bersyon nung babaeng nasa panaginip ko na umiiyak dahil iniwan ng kanyang asawa. 

Ayon sa libro, matataas ang posisyon ng mga Marshale. Ang kanyang tatay ay isang sekretarya ng isang haring nagngangalang Haring Theo at ang kanyang nanay ay isang mayor doma ng isang kaharian.

I turned the page at andun ang mga impormasyon tungkol kay Crishea Mae Marhsale.

Isa siya sa mga pinakamagaling na Archer sa Archery World at ang tawag sa kanya ay Queen of Banshees ngunit mas pinili niyang maging isang commoner ng makapangasawa siya ng isang prinsipe na naging hari. 

Ngunit hindi nakalagay sa libro kung sino ang lalakeng iyon. 

Hindi ko alam kung bakit hindi nakalagay sa libro ang kanyang napangasawa pero nakalagay na nagkaroon sila ng anak at ang pangalan ay Liliana Marshale. 

Marshale.

Ibig sabihin ay hindi Marshale ang apelyido nung hari kundi iyon ang apelyido ni Crishea. 

Sa baba ng seksyon kung saan nakalagay ang pangalan ni Liliana ay doon nakalagay ang isang balita tungkol sa aksidenteng naganap sa isang nasunog na bahay. 

Ang Britanisha House. 

Hinilot ko ang aking ulo saka isinara ang libro. Tinungtong ko ang aking mga siko sa mesa saka nag-isip isip. 

Anong koneksyon nila sa mga kaganapan ngayon? Wala akong makita. Wala din akong maalala na inapi namin sila dahil wala pa naman kaming inaapi. Isa pa, wala akong maalalang Marshale. 

Tanging sa panaginip ko lang sila nakita. 

Kailangan malaman ni Lio to. 

~*~*~

"Lio?" I called for Lio's name nang mahanap ko siya sa study table niya. He's currently reading a book about I don't know. Basta ang kailangan kong gawin ay ipaalam sakanya ang lahat ng nalaman ko ngayong araw. 

And I did. Kwinento ko lahat mula nung nasa sementeryo ako hanggang sa mga impormasyon na nalaman ko sa libro.

"Kailangan natin malaman kung sino yung haring tinutukoy na pinakasalan ni Crishea. Baka maaaring may impormasyon na tayo kung bakit may gustong magrebelde saatin."

"Yun din naisip ko pero paano?" Tumayo ako saka lumapit sa bintana kung saan makikita mo ang garden ng kingdom, kung saan naglalaro sina Iverson at Jeremy. "Wala tayong kaalam-alam sa mga nangyayare. Kung anong dahilan. Kung bakit ganun."

"Magiging okay din ang lahat, ma. Andito naman ako." Niyakap niya ako sa likod saka inilagay ang kanyang ulo sa aking balikat. "Dalawang taon na diba? Kaya natin to."

Napabuntong hininga na lang ako saka ngumiti at tumango habang sabay namin pinapanood ang paglalaro ng mga bata sa ibaba. 

~*~*~


The Lost Diamond AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon