Chapter 13: Tempest

18 1 0
                                    


"Who gave you the authority?!" pasigaw na tanong ni Lio, walang pakealam sa mga duxes na bumababa sa kanilang chariot at carriage upang imbestigahin ang palasyo ko. 

2 duxes held my arms and the same scenario happened to Lio. Everything is happening so fast na hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin o ang itugon sa biglang pag-aresto sa amin ni Dux Belgim sa kadahilanang pinatay ko ang aking anak at ang pagkawala ng diamond apple. 

I have been depressed for weeks dahil sa pagkawala ng anak ko. What is their evidence that I killed him? Ilang araw at oras din ang hinintay ko para mangyare ang araw na ito dahil sa wakas ay may nalalaman na kami at may ideya na kung saan kami maaaring magsimula, and yet we are accused of something we didn't do?

Akmang magsasalita pa lamang sana si Dux Belgim nang pinangunahan ito ng isang pamilyar na boses. 

"I did!" 

Isang assistant ang naglabas ng payong at binuksan ito upang hindi mainitan ang kung sino mang nagsalita mula sa loob ng isang golden carriage. 

I felt like all the oxygen left my lungs when I knew who gave the authority. 

It was... me.

Naguguluhan akong napatingin kay Lio ngunit nanlaki lamang ang mga mata niya dahilan para ibalik ang tingin sa sarili ko, only to find out another Lio standing beside the other Elizabeth. 

Ilang beses at kung anu-anong mura na ang nasabi ko sa isip ko dahil alam kong ang pagmumura ay hindi pwede dito sa mundo ko. Pero mas lalong nangibabaw ang pagkalito at pagkagulo nang makita ko ang sarili na tinititigan pabalik ang aking sarili. 

I... have a clone?

"This is the real Queen Elizabeth and King Lionardo of the Diamond Kingdom." Dux Belgim stated.

Dahil do'n ay napatanga ako. How could that even be possible? Pati sarili kong dignidad, niloloko ako? I am the real queen! Does she know what is happening to my kingdom? At saan naman nila nakalap ang impormasyon na iyan? What proof do they have na isa akong impostor?

Napatingin ako kina Yala at basa ko sa kanilang mga mata ang inis at galit habang tinitignan ang mga kamukha namin ni Lio. It's so weird dahil tinitignan namin ang mga kamukha namin, like a reflection in the mirror. 

I looked at her neck. She even has my necklace! Sino ba siya? She's delaying my mission. Kailangan na ako ng anak ko.

"What's your evidence?" hindi ko na napigilang tanungin. 

"She has your necklace." Dux Belgim stated again. 

Napakunot ako ng noo dahilan para tignan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg only to find out na wala akong suot. Nanlaki ang aking mga mata. Inalala ko ang lahat ng ginawa ko kaninang umaga dahil alam kong isinuot ko iyon!

"And he has King Emillio's famous emerald ring."

Tinignan ko ang kamay ng nagsasabing siya ang tunay na Lio at  napansin ko nga ang pagkinang ng singsing na kulay berde sa kanyang daliri. Ipinamana iyon ng kanyang tatay at alam iyon ng lahat ng tao dito dahil sa kadahilanang ito ang simbolo ng ama. 

Hindi ko na napigilan. I was about to attack them pero mahigpit ang pagkakakapit ng mga gwardya sa mga braso ko. All I did was try to loosen from their grip. Napansin ko rin na gusto nang umatake nina Yala at Knight pero katulad ko ay nakagapos din ang kanilang mga kamay. 

I wanted to cry out of madness. Kailangan na ako ng anak ko. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.

"Take them to the bars. Ayokong makalabas sila roon. Dux Belgim," lumapit ang impostor ko sa matangkad na lalake. "Thank you for your assistance."

The Lost Diamond AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon