Flashback time!
February 11, 20**
"Oh pasok na kayo dito girls." sabi ni Cyrill habang pinipigilan pang tumawa.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Cyrill dahil maagang nag-uwian sa school kaya tumambay kami dito. Pinapapasok niya kami sa kwarto dahil nasa sala kaming mga girls at nasa loob naman ang mga boys. Well, sabi nila aminan daw? Wala naman akong aaminin kaya nakikitawa at nakikichismis lang ako.
Grade 10 na kami at ilang buwan na lang ay mag m-moving up na kami kaya eto, enjoy enjoy lang kami. Pa cutting-cutting lang, pero joke lang 'yon wala lang talaga kaming klase ng hapon kaya eto kami walang magawa puro kalokohan.
Nagsipasok na kaming mga girls at nagpaikot naman kami, tumabi pa ako kay Justin dahil ayun na lang 'yung may space.
"Oh dali! Alphabet mag sasalita ah!" sabi ni Shayne na nakatayo at patawa tawa.
"Hala ang daya! A nagsisimula pangalan at apelyido ko!" reklamo ni Arah na siyang mag sisimula.
"Ok lang yan Arah kaya mo yan!" - ako
"Oo nga Rang keri mo na simulan mo na!" gatong naman ni Elle"HAHAHAHHAHAAHAHA" at ayun tawanan muna kami bago mag start si Arah.
"Ano.. wala naman akong sasabihin eh.." Arah
"Okay next next!" sigaw ni Shane
"Oy put* mga madadaya kayo ah" sabi ni Nico
"Oo ngaa!! Madaya madaya!"
Ako tawang tawa lang sa kanila dahil wala naman silang laban kay Shane at si Shane naman ay nakapanig din sa girls kaya andami nilang reklamo.
"Hoy ala-siete na! Bilisan na!" reklamo ko dahil papagalitan na ako ng magulang ko.
"Oh si Mace na lang daw mag start." sabi ni James
"Anong ako? Wala naman akong sasabihin!" sabi ko pero may pakiramdam ako na pinaguusapan nila ako kanina.
"Oh sige si Tin-tin na lang daw." sabi ni Raze kaya napatingin ako sa tabi ko.
Nagkatsawan pa sila at puro tawa ang naririnig ko kaya nagtanong na lang ako.
"Babe, sino?" tanong ko kay Justin. Babe na ang tawagan namin since grade 9, I think ganun kami ka close.
"Asus! Mace 'wag solohin!" pabirong sabi naman ni Shane.
"Eh ang ingay niyo eh! So sino ba kasi? Kung si Kassandra lang naman, 'wag mo ng sabihin dahil alam na ng lahat." pabiro ko pang sabi sabay tawa kaya natawa din 'yung iba tapos 'yung boys parang mga tanga na tawang tawa. Ganun ba sobrang nakakatawa ang sinabi ko?
"Hindi Mace kasi gan'to 'yon." panimula ni Raze.
Wait. Nakakakaba naman. Bakit feeling ko about sakin? Ang echosera ko ba? Hindi na ako makangiti ng maayos kahit ayun pa lang naman 'yung sinabi.
"Huh... 'nu 'yun?" mahina kong sagot sa kanya tapos tinignan ko lang si Raze.
"Paano kung liligawan ni Justin? Papayag ka?" seryosong tanong ni Tanda (Raze)
Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala sabay lipat ng tingin kay Tin. 'Di siya makatingin sakin tapos nakangiti lang.
"Ayun oh! Manliligaw na!" sabi ni Nikola at nadugtungan pa ng nadugtungan ang pangangatsaw nila sakin kaya hindi ako makapag isip.
Sa isip-isip ko, parang baliw naman 'yung biro nila.
"He... hehe... eh babe ko na siya eh diba? hehe." ayun lang ang nasabi ko.
YOU ARE READING
The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )
Teen FictionMace Joy Bernardo is a famous dubber and a social media influencer. Justin Buenaventura is a famous rapper and a song writer. Mace was once rejected Justin back when they're still high school student for the sake of their friendship. After 10 years...