Engage

14 0 0
                                    

*BEEP* *BEEP*

"Hmmm..."kinusot ko ang mata ko at kinuha ang phone sa ilalim ng unan.

New Message
🌽hub (99+)

Missed Calls
Unknown Number

"Eh? 🌽hub? Gc namin 'to dati ah." umayos ako ng higa at binuksan ang phone ko. Nag hahang na tuloy. Sunod sunod ang mga chat nila.

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa napipindot ko na ulit phone ko. Nag back read at nalaman ko na may ganap pala. Mag li leave daw sila ng 5 days sa mga work nila. Mag rereply na sana ako na 'Hindi ako pwede mag leave' ng biglang may nag request sakin sa video call.

Sinagot ko syempre, pero di ko binuksan 'yong cam.

'Yow Maceeee!!!!!!' sigaw ni Shane na nagpasakit sa tenga ko.

'Yow musta.' sabi ko dahil medyo paos pa ako.

'Kanina ka pa namin tinatawagan! Anong oras na Maceee! '
Natawa lang naman ako.

'Mace sama ka ahh!! Bring your own partner! Pag di pumunta batok!' -Nico

'Ah batok? Kutusan kita eh!'- Elle

'Busy ako eh. Madami work.' pagkasabi ko niyan sabay sabay silang nagreklamo na kesyo magleave ka!! , madaya talaga si Mace. Wala wala pupuntahan ka namin dyan sa condo mo!, Di ka namin patatahimikin., kahit 3 days ka lang Mace!!, Never naman sumama satin yan eh!

'hahahaha chill guys... but let me check my sched. I have so many works. I still need to check my shop.' -ako

'I-clear mo na.'

Hindi ako nakatingin sa screen pero alam na alam ko 'yong boses na 'yon. Nagtaasan lahat ng balahibo ko. Nandito pala siya sa vc? Fck di ko siya napansin kanina.

'Huh?' sa sobrang pagkabigla ko ay ayun lang nasabi ko. Napa upo pa nga ako sa gulat.

'Yieee!!'
'~muling ibalik~'
'AYIEEEE!!'
'HAHAHA SPEECHLESS SI MACE!!'
'M-J LOVETEAM!!'
'SUPPORTERS NIYO PA DEN KAMI!!'

Nagleave ako dahil ang ingay nila. Nakakahiya naman 'yon. Are they for real? Mga baliw talaga. Nag ring ulit 'yung phone ko pero hindi ko na sinagot at pinatay na lang ang phone ko.

Ilang minuto pa akong tumunganga bago ako tuluyang bumangon. Kinuha ko ang laptop ko para i-check kung may email sakin sa work tsaka para tignan na din ang schedule ko.
Pagkakita ko ng schedule ko napabuntong hininga na lang ako. I don't have free time. *sigh*

Nang ma-check ko na ang schedule ko tumayo na ako para mag ligpit. It's 7pm and I just woke up since I have so many work and have to manage my business. No time to get a partner. Nagliligpit ako nang mag ring ang telepono. Agad ko namang sinagot 'yon dahil baka business matter.

"Yes, Hello? Mace's speaking."

"Yow this is me." napakunot naman ako ng noo ng mabosesan ang nagsalita sa kabilang linya.

"And why are you calling me in my landline?" nakataas kilay kong tanong.

"HAHAHA 'cause all of your social media is off, even your phone so I decided to call you in yo--"

"Okay okay I got it. So, bakit ka nga tumawag."

"I'm just letting you know that I'm going to fetch you tomorrow morning." bukas? anong meron?

"'nong meron?"

"'Di mo alam? May meeting about doon sa reunion na gagawin natin."

"Okay... Oh btw, can you come here now?"

"HAHAHA! Alam ko kung bakit."

"Tsk! Alam naman pala bakit tatawa pa" nakanguso kong sagot sa kanya.

"Okay okay.. Nagluto naman si Mom ng pagkain para sayo eh."

"Siguro ako talaga anak ni Tita at hindi ikaw."

"Hahaha oo siguro nga."

*TOOT*TOOT*

Pagkababa ko ng telepono ay dumiretso na ako sa c.r para makaligo na dahil kapag sinabi ni Lance na pupunta siya, saglit lang at nandito na agad siya.

At tama nga ako dahil pagkalabas ko ng c.r. ay nandito na siya at nakaayos na din ang pagkain, kakainin ko na lang.

"Ya ready for tomorrow?" tanong niya na parang nanunukso na ewan.

"Bakit? Ano meron? Meeting lang naman ah, bakit kailangan ready?" kumuha ako ng favorite kong adobo at kumain. Tita's dish never fail. So yummy.

"Asus of course your ex is there."

Dahil sa sinabi niya nabuga ko sa mukha niya 'yung nginunguya ko at nabilaukan pa ako kaya inabutan niya ako ng water. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako, malulungkot, ma e excite or kakabahan. Ang tagal na simula nung huli naming pagkikita. 10 years.

"G*go anong ex? Naging kami ba?" hindi naman kasi naging kami. Natakot ako, okay?

"Ay no ba? I'm sorry I thought ka- *THUD* Aray!!" binato ko siya ng kutsara at sapul naman sa noo niya.

"Pwede ba?! Kung English, English! Kung Tagalog, tagalog! Para kang bakla!"

Nakasimangot lang siyang nakatingin sakin habang nakahawak sa noo niya. Para kasing tanga. Nagpatuloy na ulit ako sa pagkain kasabay ng pagtuloy ng pag-iisip ko sa mga mangyayari kinabukasan. Mas lalo lang akong kinabahan sa mga naiisip ko. May chance pa kaya kaming dalawa? Paano kung ako naman mag first move ngayon since siya naman palaging nag f-first move ever. Naputol ang pag-iisip ko ng mag salita ulit si Lance.

"Pero alam mo ba, engaged na siya."

_______________________________________________________________________________________________________________________

=^.^=

Hope you guys like this first chapter.
Sorry for the typos.
Nya Nya!
ありがとう!❤️



The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )Where stories live. Discover now