Day 2

3 0 0
                                    

Hanggang sa makauwi kami sa villa ay hindi ko siya pinapansin, at sa tingin ko ay nakaramdam na siya ngayon na gusto ko munang lumayo sa kanya. Kapag kasama ko siya parang sasabog ang puso ko at gustong kumawala sakin. Hindi ko na din maintindihan kung ano ba talaga gusto kong mangyari.

Parang kahapon lang, sabi ko sa sarili ko ay mag-eenjoy ako sa limang araw na vacation namin dito. Pero hindi pa man tapos ang unang araw ay ang daming sakit na ang naramdaman ko.

Hindi ko ma predict kung ano bang gusto niyang mangyari. Ang hirap mangapa. Mamaya gusto niya ako, mamaya i rereject. Laruan ba ako? Hindi ko na alam kung anong dapat gawin.

Nakaupo ako sa duyan kung nasaan ako kagabi. Kakatapos lang namin mag dinner at dahil yung iba ay may mga kasamang family and partner, ay nag kanya-kanya muna kami. Ako eto lumabas para makapagisip-isip, ginagaslight mo lang sarili mo.

Habang nakatingin ako sa dagat ay hindi maiwasan ng puso at isip ko na maging kalmado. Hah... Sarap sa feeling ng kalmado ang lahat. Sana hanggang last day maging payapa ang lahat kagaya na lang ng dagat ngayon, kalmado lang ang pag-alon niya.

"Hey" napalingon ako at nakita ko si Lance, di ko na napigilan pa ang sarili ko at humagulgol na ako sa kanya.

"A-ang hirap... H-hindi.. di ko n-na alam, Lance. A-ano bang tingin niya sakin?! L-laruan?! Pinaglalaruan niya damdamin ko Lance!" wala na sumabog na talaga ako, from the first day that I saw him, gusto ko ng humagulgol ng ganito.

"Shush, it's not your fault. Hindi niya nakikita na nag-eeffort ka na mapansin ka niya. Tsk, pasalamat pa nga siya at binibigay kita sa kanya." rinig ko ang pagkainis sa tono ng pananalita niya, niyakap lang ako ni Lance habang hinahagod ang likod ko.

"Pero Lance, he's giving me a lot of mixed signals! Pagkatapos niya akong pakiligin, sasaktan niya ako. Alam niyang hindi ko kayang mag take ng masasakit na salita, biro man yon o totoo, nasasaktan ako..." umiyak pa akong lalo habang naaalala yung mga nangyare sa araw na 'to.

"Gusto mo bang sa kwarto muna kita? I can ask Niel." mahinahong tanong niya.

"Eh?! Sana una pa lang!" nakangusong sigaw ko sa kanya.

"Hahaha sorry baby, planado eh." natatawa niya pang sabi kaya hinampas ko siya sa braso, kainis kasi kasama pala siya sa plano.

"Bwisit ka! Alam mo pala!"

"Pero seryoso, you want ba?" mahinhin niyang sabi

I sigh, "Yeah. I want peace of mind kahit ngayong gabi lang. Bukas, papakatanga ako ulit sa kanya hahah" pabirong sabi ko pa kaya binatukan niya ako at masamang tingin lang ang iginanti ko sa kanya.

"Sige, I will just talk to Neil. Maya maya pumasok ka na din ah. Malamig na tsaka para makapag pahinga ka na."

"Thank you, my boya~" kunwaring malanding sabi ko sa kanya kaya natawa ako ng makita ang nandidiri niyang mukha.

"Pakyu!" sigaw niya habang tumatakbo papalayo.

Hanep talaga, pinagkaisahan nila ako. Akalain mo yun, pari best friend ko napasali nila sa ganyang plano nila. Though, alam ko namang plano talaga nila to HAHAHAHA

Maya maya pa ay napagpasiyahan ko ng pumasok, pinagpag ko lang ang paa ko at naglakad na. Si Lance, hindi niya talaga ako binigo para maging masaya. Sa lahat ng oras na malungkot ako, nandyan siya para pasiyahin ako. Sobra pa sa sobra ang pagiging komportable namin sa isa't isa pero hindi ko siya nakikita as my partner, at ganun din ako sa kanya.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng villa. Hawak ko na ang doorknob ng may marinig ako na parang nagtatalo sa loob, kaya dinikit ko ang tenga ko for more chances of chika.

The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )Where stories live. Discover now