Tawang tawa ako pag pasok ko ng CR, paano ba naman kasi hindi maipinta ang pagmumukha ni Just nung sinabi kong p0kp0k HAHAHA. Anong akala niya sakin? Makukuha niya ako sa I'm single niya?! Huh I'm single my ass.
Naligo na nga ako ng tuluyan at paglabas ko ay wala na siya sa room. Baka nainip, but ano bang pakielam ko kung mainip siya? Syempre wala. Kinuha ko lang yung phone ko at lumabas na din dahil nagugutom na ako at siguro naman may food na sa labas.
"Hoy Macey ang tagal mo naman lumabas! Hindi kami makakain dito!" reklamo ni Nikko at binatukan naman siya ni Just kaya napakunot lang ako ng noo.
"Why? Wala naman sakin ang pagkain. And you should eat without me though." sabi ko at inirapan lang siya.
"Tch!"
"Here. Sit." nagugulat na naiinis kong tinignan si Just dahil WTF?! Aso ba ako?! Kung makautos akala mo hindi susundin, to na nga oh paupo na.
Pagkaupo ko sa tabi niya ay inirapan ko din siya.
"What do you want to eat?" I face him giving my best fake smile.
"Anything without any seafood, please"
"Stop it. You like a fool"
"Aba'y gag* to ah" natawa lang siya bago niya lagyan ng pagkain yung pinggan ko.
"Ehem, mukhang may ibabalik talaga ah" di ko na pinansin kung ano man yung pinag uusapan nila basta ako busy kumain.
"HAHA kunwari walang naririnig."
"Nako wala nga, pagtripan natin yan. Ayaw pala mamamsin eh."
"Just? Do you hear something ba?" bulong ko kunwari
"I can't hear anything. I just hear you and our hearts beating"
"=-_-="
"YOWN!!!"
"HAHAHAHAH"
"TALO KA MACE TALO!!!"
"OLATS SA 'OUR HEARTS BEATING!!!"
"Corny mo naman!" singhal ko kay Justin na nakikitawa na din sa kanila.
"Alam niyo kayo di pa din kayo mga nagbabago! Busy ako kumain dito eh!"
"Ayaw mo kasi mamansin. Yan tuloy! Napagtripan ka!" sabi ni Elle na busy din kumain.
"Hmp! Pansinin o hindi trip niyo talaga ako."
"Namiss ka lang namin! Ngayon ka na nga lang sumama eh". sabi ni Nikola
"Busy lang talaga ako, miski family ko ngayon ko na lang ulit nakita eh."
"Dapat pala pagpahingahin kita ngayon." sabat ni Just
"Asus! Bakit? Papagurin mo ba si Mace?" halatang nang aasar na sabi ni James habang nakikipaglandian sa girlfriend niya.
"Pwede bang kumain ng matiwasay? Nagugutom ako eh."
"Ano pang gusto mo?"
"Huh?" Para naman akong tanga nito. Kada si Justin ang kakausapin parang nawawala sa ulirat.
"Ayown utal utal kapag si Justin ang kausap."
At natapos ang dinner namin puro sila asaran kaya halos ang tagal talaga namin at alas dyis na ata kami natapos. Nag presinta naman sila Paula na sila na daw ng boyfriend niya ang maghuhugas. Kami ni Justin ay pumasok na sa kwarto.
"Inaantok ka nanaman?" tanong niya habang naghahanap ng pwedeng mapanood. May netflix kasi kaya tamang tama din maganda manood malaki yung t.v.
"Bawal na bang humikab?"
"Oo o hindi lang Macey" apaka sungit naman kausap nito.
"Sungit mo! Palibhasa matanda ka na." Pang aasar ko kaya napatingin siya sakin.
"Hoy baka nakakalimutan mong magkasing edad lang tayo?" nakataas kilay niyang sabi sakin.
"Edi wow. Baka pwedeng manood na lang tayo? I want peace please."
Natawa lang siya at napagkasunduan naming Anime na lang ang panoorin namin since pareho din kaming mahilig don.
"So, how are you?"
"Hmm? I'm good. Madalas napapaos ako but I think its normal since I'm a voice actor. Ikaw? Napapaos ka din ba? Kasi diba rapper ka?" sabi ko ng hindi inaalis ang paningin sa pinapanood.
"Hahaha so far hindi pa ako napapaos at sana hindi."
After non ay wala na ulit nagsalita. Focus ulit kami sa pinapanood, no, siya lang pala yung focus. Kasi simula nung nagtanong siya kating kati na ako magtanong ulit. Pinapraktis ko pa sa utak ko ung tamang word
"May girlfriend ka na ba?"
"Kailan mo balak? Ligawan ako ulit?
Ahh bahala na, just go with the flow na lang ako.
"Mace--"
"Tin--"
"Oh you have something to say?" Inunahan ko na siyang magtanong kasi mas lalong a-awkward kapag nagkasabay kami ulit.
"Ah sige mauna ka na. Anong sasabihin mo?"
"What? No, mas mauna ka sakin ng .1 second kaya mauna ka"
"Haha you really my happy pill." sabi niya habang nakatitig sa mata ko.
"Huh?" hinawakan niya yung kamay ko kaya nalipat yung paningin ko doon.
"Hahaha ang cute mo." sabi niya sabay bitaw sa kamay ko at sumandal ulit sa sofa at nanonood.
Napa facepalm na lang ako kasi kukunin niya lang pala yung remote na hawak ko. Leche akala ko kung ano na! Hmp! Kukunin lang remote papakabahin ko, at grabe pa yung lalim ng tingin niya sa mata ko ah. Akala ko pa naman- hmp!
Medyo padabog akong umayos ng upo at nag crossed arms at nanood na lang ako ng nakanguso. Nag expect ako! =>.<=
"You okay?"
"You okay my ass!"
"W-what? Did I do something wrong?" litong sabi niya
L
"Oo meron!" sigaw ko at ngumuso lang ulit."Oh is that when I held your hands? Sorry you were holding it so tight and --" di niya natapos yung sasabihin niya dahil tumayo ako at lumabas ng kwarto.
HAHAHA I'm pathetic. Naiiyak ako- no umiiyak na ako kaya lumabas ako. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na sobrang laki ng epekto niya sakin. Tumakbo ako palabas ng villa at dinala ako ng mga paa ko sa pangpang. Naramdaman ko na lang na nasa pangpang ako ng maramdaman ko ang sobrang lamig ng tubig dagat na siyang humahampas sa paa ko, damay mo pa yung hangin na sobrang pinaparamdam sa akin na mag isa ako at walang yayakap sakin.
Hinayaan ko lang ang malalamig na dampi ng dagat at hangin sa katawan ko kasabay ng maiinit na luhang galing sa mga mata ko. Nang mahimasmasan na ako ay maglalakad na sana ako pabalik sa villa ng--
*BOOGSHHHH*
Ako yan. Bumagsak lang naman sa dagat dahil sa gulat. Paano ba naman eh may tao sa likod ko, oo, sa mismong likod ko. Kaya paglingon ko eh sa gulat ko ay ayun napaatras at na out of balance.
Hawak hawak ko ang balakang kong sobrang sakit. Bwisit di man lang ako tinulungan! Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.
"You okay?"
"Do I look like okay to you?!" inis kong sabi sakanya.
"Wait?- Mace?"
Napatitig ako sa mukha niya kasi di ko maaninag dahil against the light .
"Who are you?" nagtatakang tanong ko kasi di ko talaga siya mamukhaan at mabosesan.
"It's me Jay-Ryan, your friend way back high school."
"Jay-Ryan?!"
_______________________________________________________________________________________________________________________
=^.^=
Hope you guys like this chapter.
Sorry for the typos.
Nya Nya!
ありがとう!❤️
YOU ARE READING
The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )
Teen FictionMace Joy Bernardo is a famous dubber and a social media influencer. Justin Buenaventura is a famous rapper and a song writer. Mace was once rejected Justin back when they're still high school student for the sake of their friendship. After 10 years...