Anonymous

1 0 0
                                    


       Isang linggo na ang nakalipas at kagaya ng naging plano ko, I will stay with my fam even I'm so busy with my new project. I was able to visit my cafe, my business. Pinag-isipan ko ang sinabi sakin ni Manang, na tutukan ang mga business ko dito para makasama ko na ang pamilya ko. 


Yung sa dagat na ang huli naming paguusap ni Justin. No  ang sinagot ko sa kanya dahil  napag desisyonan kong mag-enjoy sa buhay kasama ang pamilya ko at iba ko pang kaibigan. Agad akong umalis pagka hindi ko sa kanya at wala na akong balak pang marinig ang sasabihin niya, pinili kong 'wag ng entertainin ang nararamdam ko dahil baka lumago pa. 


"Anak," napatingin ako kay Mama na kakapasok lang sa kusina, nakangiti sakin, " Bakit gising ka pa?"

"May tinatapos lang po ako Ma, ikaw? Bakit gising ka pa?" balik kong tanong sa kanya.

"Yung Ama mo kasi nanghihingi ng tubig." nakangiting sabi niya. Masaya ako na pinili nilang maging masaya na lang.

"Sige po Ma. Maya maya ay aakyat na din ako." 

"Okay sige, magpahinga ka naman anak." sabi niya at tumango lang ako.

Naiwan ulit ako mag-isa dito sa kusina at ipinagpatuloy lang ang ginagawa kong trabaho hanggang sa tumunog na ang alarm ko ibig-sabihin ay magpahinga na ako. 


4am.


Napagpasyahan kong magluto na lang ng almusal ng mga bata dahil sa ilang araw ako dito eh palagi nila akong naabutang nag ttrabaho pa. 

Habang nagluluto ako ay narinig ko na ang mga kalabog nila sa pagbaba nila sa hagdan. 

"Oh? Tita? Hala! Nagluto ka!" sabi ni Maddie  at nagmadali pang pumunta sa lamesa at umupo.

"Oo alam ko na oras ng pasok niyo sa school kaya ako na lang din nag ready nito." sabi ko habang nag lalagay ng pagkain sa harapan niya, siya naman ay tuwang tuwa.


"Hi Tita" Si John, humalik pa sa pisnge ko bago umupo sa tabi ko at isa isa na silang nagbabaan. Nagulat pa sila ate kasi gising pa ako kaya sabi ni pagtapos ko daw kumain ay magpahinga na ako, di naman na ako nag reklamo dahil ramdam ko na din yung pagod.

Nagpaalam na yung mga babies ko na papasok na sa school. Gusto ko pa sanang sumama sa paghatid kaso di na ako pinayagan ng ate ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko, binuksan yung aircon, nag ready ng pajama at naghalf bath na bago mag skincare. After non ay nahiga na ako dahil paaraang di ko na din kaya yung pagod at di ko namalayang nakatulogf na lang ako.








*RING*RING*RING*


Nagising ako sa ingay ng pagring ng phone ko kaya naman pagalit kong sinagot yung tawag without looking who's the caller.


"Who's this?!" medyo pabalang kong tanong sa tumatawag.

"I don't have time to introduce myself but one thing's for sure." tumigil siya sa pagsasalita at tinignan ko naman yung tumatawag, unknown. 

The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )Where stories live. Discover now