Flashback
Tahimik lang ako habang naglalakad, wala na akong nagawa dahil hawak niya pa din yung wrist ko. Medyo humihigpit na nga eh kaya medyo nasasaktan na din ako. Pagdating namin sa sakayan ay binitawan na niya yung hawak sa wrist ko pero hinawakan niya naman ako sa bewan ko. Nagulat pa nga ako eh, kasi first time niyang gawin yon. Naabutan pa pala namin sila Fearl sa sakayan, kaya sabay sabay na kaming nag antay ng jeep papunta kila Cyrill. At maya maya pa ay may dumating ng jeep kaya isa isa na kaming sumakay.
"Mace dito ka sa tabi ko." sabi ni Fearl, uupo na sana ako pero may humila sakin at pagkatingin ko ay Justin.
"Dito ka sa tabi ko, baka may puntahan kang iba." bulong niya sakin, kaya mas lalo akong nagulat. Hindi ako sanay sa mga kinikilos niya.
"Luh! Ang damot Tin ah!" sabi ni Fearl na medyo ikinatawa ko.
"Akin lang to, Fearl" nakangiti niyang sabi. Palihim din akong napangiti.
Ganun lang yung set up namin, nasa entrance ng jeep si Justin at kaharap niya si Fearl at katabi naman ni Fearl ay si Owen. Tahimik lang kaming apat hanggang sa makarating kami sa babaan. Almost 20 mins din yung naging byahe namin kasi traffic din.
"Para po"
Bumaba na kami ng jeep at nagkalituhan pa kung saan yung kanto nila Cyrill. Muntik pa nga kaming maligaw dahil mali yung nababaan namin.
"Hahahaha buset dito pala." sabi ni Owen
"Bakit kasi hindi niyo tinandaan." sabi ni Fearl
"HAHAHAHHA hayaan mo na Fearl ipagluto mo na lang kami ng adobo." natatawang sabi ko kasi kanina pa siya nagrereklamo dahil hindi din talaga biro yung araw.
"Tara na, tara na"
Nag chat na sila sa gc at sinabing nasa gate na kami. Si Shane ang nagbukas samin.
"Oh Mace! Sabi ni Nico di ka na daw pupunta?" takang tanong niya.
"Pwede ba naman yun? Syempre hindi."sabi ni Tin at diretso lang pumasok at hawak niya pa din yung wrist ko.
"Maceeeeeee" napatingin ako kay Nikola na nagmamadaling pumunta sakin ng wide arms pa, parang baliw. Magkasam lang kami kanina niyan sa school.
"Inaway ako ng jowa mo eh." -ako
"Oo pinaiyak niya kanina si Mace, buti nga napilit ko pa si Mace eh."- Tin
Nakita ko namang tinignan niya ng masama ni Nico at nagkatinginan pa kami ni Just at sabay na natawa.
"Luh! Pinagtulungan niyo pa ako ah! Parang kagabi lang umiiyak ka sakin kasi sabi mo basted ka!" dumuduro pa siya kay Just habang sinasabi yon
"Tama na yan. " napatingin naman kami kay Cyrill na mukhang lalabas. "Bibili lang kami nila Fearl ng pang lunch natin, wag kayong masyadong magulo ah."b sabi niya at tuluyan na silang lumabas ni Fearl kasama si Shayne at James.
Nawala sa kanila yung paningin ko kasi naramdaman ko nanaman na may humila sakin at wala ng iba pa. Naupo kami sa kama since yun yung may available na space. Actually double deck siya, yung N couple nasa taas tapos katapat non ay dalawang pahaba na sofa, sa right side ay nandon si Arah at si Tanda chikahan as asual. Si Kassandra at Paula naman ay nananood ng k-drama, sila yung nasa left side. And then there's us, hindi pa kami nagkakausap mula kagabi nung pang ilang beses ko na siyang binusted.
"Mace" napatingin ako sa kanya at nakita ko nanaman yung pagkinang ng mga mata niya.
"Hmm?" sabi ko kunwaring may hahanapin sa bag para lang hindi kami magkatitigan.
"Can you please give me chance to atleast express my feelings to you?" sinabi niya yon habang hawak hawak yung kamay ko.
At tama nga ako, paglingon ko ay nakatingin pa din siya sakin. Oh gosh, I just cant resist him. We used to be so close at para na din talaga kaming mag jowa talaga but I can't imagine na ganto yung mangyayari.
"Hindi naman sa napipilitan ako, pero ikaw kasi yan eh. Ang hirap mong tanggihan Just. " sabi ko sa kanya
"Thanks Macey, I love you. Sana wag kang ma pressure. Kung ano man yung nagawa ni Nico sayo kanina 'wag mo ng isipin yon. Ako lang ang paniniwalaan mo pagdating sa nararamdaman ko para sayo. "
"Hmm hmm" wala na akong nasagot pa kaya tumahimik na lang ako. Nginitian niya naman ako kaya nginitian ko na lang din siya.
Nagulat ako kasi binitawan niya yung kamay ko. Akala ko naman kung anong gagawin niya. Hihiga lang pala sa may lap ko. Bali tatlo kasi kami dito sa kama, ako siya at si Owen. Nasa may sulok kami at nakasandal pareho sa may pader pero dahil nga inunan niya yung lap ko ako na lang yung naka upo, si Owen naman ay nasa bungad lang ng kama.
Habang nakahiga siya ay nilaro laro ko na lang yung buhok niya, napapikit pa ang loko. Grabe, I'm always praying kung ano bang dapat kong gawin simula nung nag confess siya sakin. Simula kasi non ay gulong gulo na yung utak ko. Sabayan mo pa nung pang aasar nitong mga tropa namin.
"Nobody gonna love me better" kanta niya kaya napatingin ako sa mukha niya.
"Ima stickwitu forever." pagsaba ko sa kanta niya.
"Will you stay forever with me?" tanong niya at nandun nanaman yung pagningning ng mga mata niya.
"Hoy! Para kayong nasa bording ah! Kanina pa kami kumakatok wala man lang nagbukas!" nagulat kaming lahat kay Shayne at sabay sabay na tumawa.
Aalisin ko dapat yung ulo niya sa may lap ko pero pinigilan niya, " San punta?" tanong niya habang nakapikit pa din.
"Tulungan ko lang si Fearl babe, nakakahiya naman eh."
"'Wag na, dito ka lang." siya habang nakapikit pa din.
"Justin Adobo yon, fav ko yon kaya manahimik ka dyan. Alis"
"Tch. Sama na lang ako."
"Yan tama yan, di yung ikaw pa yung nakahiga." sabi ko at dumiretso na ako sa kusina.
Naabutan ko naman sa kusina si Cyrill at Fearl na nag aayos ng lulutuin.
"Hi Fearl, hihihi I wanna help."
"Ay buti naisipan mo?! Harot harot niyo ahh." matinis na boses na sabi ni Fearl, kung di ko pa nasasabi ay bakla po siya pero real name niya yan.
Tumulong lang ako sa pagluto at na medyo naenjoy ko naman. Oo medyo lang, paano ba naman kasi eh may nakabuntot sayo. Kukuha lang ako ng kutsara mag pe presenta pang siya na lang daw parang tanga eh.
"Tawagin mo na sila doon, kakain na tayo." sabi ko naman at buti sumunod
Naghain na ako sa lamesa pero sympre nauna na akong sumandok, goods lang para saming dalawa. At nagsipuntahan na nga sila sa may sala at nagka agawan pa ng food.
"Wow! ang bangooooo"
"Oo nga noooo"
"wahhh sarappp"
Yan lang naman yung mga naging reaksyon nila sa mga uang subo nila.
"Where's ours?" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko at pagtingin ko ay si Just lang naman pala
Iniabot ko sa kanya yung pinggan na hawak ko, " Here, share na lang us ah. Kawawa Maghuhugas eh" "It's fine. As long as ikaw. " nag ngitian na lang kami at kumain na.
_______________________________________________________________________________________________________________________________
=^.^=
Sorry for the typos.
Nya Nya!
ありがとう!❤️
YOU ARE READING
The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )
Ficção AdolescenteMace Joy Bernardo is a famous dubber and a social media influencer. Justin Buenaventura is a famous rapper and a song writer. Mace was once rejected Justin back when they're still high school student for the sake of their friendship. After 10 years...