outing pa din

4 0 0
                                    

Parang biglang nagliwanag yung paligid ko dahil sa taong nakikita ko ngayon.

Ngiting aso ko siyang tinigan, "Hi! What're you doing here?" in a high pitch ko pang tanong dahil super excited talaga ko.

Nilapitan niya ako at bineso ko, like kumiss sa pisngi ko at may paghawak pa sa bewang ko.

"I'm with my special someone, we're celebrating our anniversary here. Actually I booked it with Jennie last month." Nakangiti niyang sambit sakin, looks like he's really enjoying his stay here. And I'm glad with that.

"Ohh~ where's your special someone? Ikaw ahh di ka na nag m-message sakin! Baka mamaya magulat na lang ako kasal na pala kayo ah!"

Tumawa lang siya ng bahagya, "Baliw, sige kapag nag propose siya ikaw ang una kong sasabihan. " kaya mas nagtawanan kaming dalawa. Kapal neto hihintayin pang mag propose jowa niya 

"Oh siya sige na, ipagpatuloy niyo na habulan niyong dalawa. Baka madapa sana kayo." sabi ko ng nakangiti at kinawayan na siya at ganun din siya. Ako naman ay nagpatuloy na pabalik na sana ng villa kaso may nakita akong swing don na malaki, kumbaga kasya dalawa at may sandalan pa. Hindi talaga ako binigo ng kaibigan ko sa mga facilities niya dito sa resort  niya. 

Patakbo akong pumunta doon at nakangiting umupo, super comfy niya sa feeling at feel ko ay makakatulog pa ako dito. Ipinatong ko yung paa ko at komportableng sumandal at pumikit. Akala ko makakapag relax ako kapag sumama ako dito, well,  alam ko naman from the start na di ako makakapag relax lalo na at kasama siya dito. Natawa na lang ako sa sarili ko at maya maya pa ay parang bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. 

*WOOSH*

Bigla akong nanginig dahil sa malamig na simoy ng hangin at naalimpungatan ng maramdaman kong may nahulog mula sakin kaya napadilat ako. 

Pagdilat ko ang nakita ko lang ay ang kalmadong dagat at malakas na hanging tumatama sakin na siyang nagpapalipad ng mga buhok kaya naman ay hinawi ko yon at pagkahawi ko ay nakita ko si Justin na nakangising nakatingin sakin.

"What the?! Nakakagulat ka dyan do you know that?!" medyo pagalit kong sabi dahil muntik na akong malaglag sa pagkakaupo ko.

"Chill~ I'm sorry, okay? Ayaw lang kitang gisingin." sabi niya sabay tumayo at naglakad palapit sakin kaya nakatingala ang peg ko sa kanya ngayon.

Papalapit ng papalapit yung mukha niya palayo din ng palayo ung mukha ko hanggang sa wala na akong maurungan kaya nakita kong ngumisi pa siya sabay upo sa tabi ko. 

"Parang g*go.." bulong ko at umayos ng upo. Nyemas akala ko kung ano na eh

"Here." sabi niya sabay abot ng isang comforter na sa tingin ko ay ito ang nahulog mula kaninang paggising ko.  

"Where to galing?" nagtataka kong tanong habang inaayos yung comforter para ibalot sa katawan ko at pagtingin ko sa kanya ay nakita kong nanginginig din siya sa lamig kaya sinensyas ko yung comforter since malaki naman yon at sa tingin ko ay kasya kami. 

"I brought it with me. Kanina pa kita hinahanap but I can't see you anywhere inside the villa and you keep bringing up that you want to see the sea. " sabi niya at kinuha yung kabilang dulo ng comforter at ibinalot din sa katawan niya.

"And I found you here sleeping peacefully but you keep on shrugging kaya kumuha ako nito," sabi sabay tingin sakin, "cute mo habang natutulog ka dyan." and then he show me his sweet smile.  Nyemas hulog hulogan nanaman ang atake ni ate mo girl. Umiwas ako ng tingin kasi baka di ko na lang alam ang mangyari kung makikipagtitigan pa ako sa kanya. 

"Kanina ka pa dumating?" 

"I don't think so, mga 1 and half hour lang siguro. " kibit balikat niyang sabi kaya nagulat pa ako.

"Ah so tinititigan mo ako kanina pa?" etsusera kong tanong sa kanya. 

"Yeah, I don't want to wake you up." seryosong sabi niya habang nakatingin sakin kaya napasinghap na lang ako at binaling ang atensyon sa dagat.   

Ilang minuto kaming nanahimik at nagsalita nanaman siya. "Macey~" pabulong siyang tawag sakin at naramdaman kong hinawakan niya pa yung kamay ko. 

Tumingin ako sa kanya  ng medyo, medyo lang naman, medyo nanlalaking mata dahil sa ginagawa niya. Favorite niyang gawin yan sakin dati, yung nilalaro niya pa kamay ko. 

"Yes?" 

"I really missed you." 

"I do too." sagot ko lang at natulala nanaman ako sa ganda ng dagat. At yung paglalaro niya sa mga kamay ko ay hinayaan ko na lang. 

"I wonder what will happen to us, if naging tayo 10 years ago?" sa isip ko lang dapat yon pero kusa na lang siyang lumabas sa bibig ko

"I think we're both happy by now if that happens." kalmadong sagot niya at ako naman ay di na makahinga ng maayos kaya napatayo na lang ako kasi di ko na kinakaya. 

"Ahm, sorry pasok na ako." sabi ko na lang at tuloy tuloy ang lakad kahit na narinig ko pang tinawag niya ako.



_______________________________________________________________________________________________________________________

=^.^=

Hope you guys like this chapter.
Sorry for the typos.
Nya Nya!
ありがとう!❤️

The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )Where stories live. Discover now