Same routine.
Pagkauwi ay nagsipasukan na sila sa kanya kanyang kwarto, pagod pero masaya. We just enjoyed our whole day after that dramatic argument between me and Nico. Hindi pa din kami nag-uusap ni Tintin pero kanina habang naglalaro kami ay grabe makaalalay. Nakakatawa lang tignan dahil OA niya palang mag selos, dahil bukod sa pang-aasar sa kanya ni Lance eh inosenteng nag-aalalay lang sakin ni Ace dahil bilin daw ako ni Jennie sa kanya.
Ngayong gabi ay babalik na ako sa kwarto namin ni Tintin. I think we need to communicate a little.. para magkaroon na ng liwanang kung ano mang gusto naming mangyari sa buhay namin.
"Mace?" napalingon ako kay Lance
"Yes?"
"Doon ka na ba matutulog sa kwarto niyo? Nasa kwarto na din kasi si Niel at tulog na"
"Oo doon na ako matutulog," tinabihan ko siya sa pagkakaupo niya sa sofa,"Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"tanong ko kasi nanonood pa siya ng T.V
"Inaantay lang kita, ikaw nanaman kumilos lahat dyan. Sabi ko naman sayo nakausap ko si Manong, meron daw tao para dyan." pinagalitan pa nga ako
"Gaga, halos lahat na nga libre dito tapos yung tao pa ang gagawa? Maghuhugas lang naman." pagdepensa ko naman, totoo naman kasi, yung villa lang binayaran namin
"Tsk di ka man lang tinulugan ni Justin?" tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay
"Ikaw? Di mo ko tinulugan?" natawa naman siya
"Hahaha sorry nanonood ako" sabi niya at pinatay na yung T.V dahil sakto tapos na
"Tara na ihahatid na kita sa kwarto mo." binatukan ko nga!
Paano ba naman?! Nasa likod lang ng sofang inuupuan namin ang pinto ng kwarto naming pareho, magkatabi kwarto namin diba?
"Naze?!" (Why?!)
"Inamo! Hatid?! Yaan lang kwarto oh!" tinawanan niya nanaman ako kaya napanguso na lang ako, pagsinumpong talaga to ng katopakan totopakin siya eh.
"HAHAHAH sige na pumasok ka na sa loob. Malamang pagod yan ni Justin kakaagaw sa pag aalalay sayo kanina." Natatawa niya pang sabi.
"Gago ka kasi, inaasar mo pa." singhal ko naman
"Nakakatawa siyang pag tripan, Mace" sabi niya sabay bumeso na sakin at pumasok na sa kwarto nila.
"Gago talaga.."
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nakita ko ngang nakahiga na si Tintin. Nilapitan ko at nakita kong mababa na ang paghinga niya, tanda lang na kanina pa siya natutulog at nananaginip na.
Nyemas! Ang gwapo!
Bago ko pa ituloy ang pag papantasya ko ay pumasok na ako sa C.R. para makaligo na dahil lagkit na lagkit na din ako.
Habang naliligo ay pumasok sa isip ko yung mga agawan nila sakin kanina. Natatawa na kinikilig ako kasi si Lance halata talagang inaasar lang niya si Tintin.
Kada aalalayan ako ni Tintin ay bigla akong hihilahin ni Lance tapos sasaktong nasa likod ko si Ace at siya ang tyempong mag aalalay sakin. Gago ka talaga Lance. Nasabi ko na lang sa utak ko habang inaalala pa ang ibang nangyari kanina.
Pagkatapos ko namang maligo ay agad na din akong nag-ayos ng gamit para sa gagamitin bukas dahil mag hhike na kami ng ibat ibang bundok but at the same time swimming pa din of course, mga falls daw ang pupuntahan. Nakakaexcite yon panigurado.
Ang sabi pa ni Ace, mag dala daw ng mga 3 outfit kung aawra dahil mag c-camping daw kami doon. May pa bonfire at malamang ay may inuman doon na pagdating pa lang dito ay usapan na. Mga excited malasing, mga low tolerance naman. Pwe!
YOU ARE READING
The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )
Teen FictionMace Joy Bernardo is a famous dubber and a social media influencer. Justin Buenaventura is a famous rapper and a song writer. Mace was once rejected Justin back when they're still high school student for the sake of their friendship. After 10 years...