Day 3

2 0 0
                                    

Hi guys! Before we start with this chap, I just want to say thank you so much for supporting this story despite of the long updates. 

Please stay tuned!

Love you all~

________________________________________________________________________________

Nagising ako kasi may tumatama ng araw sa mukha ko. Tatayo sana ako pero para akong binuhusan ng malamig na tubig kasi biglang nag sink in sakin yung mga nangyari kagabi at yung nararamdaman ko ngayon. 

Sumagot siya sa tanong ko kagabi pero sobrang labo at hindi ko na maalala. Something na para daw sakin? Tama ba ako ng pagkakarinig?

Nilalagnat ako.. Ang init ko sobra at ang sakit ng ulo at katawan ko. Kaya hindi ako makabangon pero pinilit ko pa din para lang maabot ko yung phone ko na nasa table sa gilid ng kama. 

Nang maabot ko yun ay humiga lang ako ulit dahil nakakahilo kapag tatayo ako. Binuksan ko yung phone ko at nakita kong 11am na, it's either tinuloy nila or hindi yung pag akyat ng bundok.

Binitawan ko na yung phone ko at pumikit na lang ulit, ang tahimik dito kaya malamang ay tumuloy sila. Okay lang naman sakin dahil ganto nga, nilalagnat ako at baka ,lumala pa. 

*ENGKKK!!!* 

Napadilat ako dahil sa tunog na yun at dahil pala siya sa pinto. Pagtingin ko ay iniluwa non si Fearl, may dalang tray.

"Macey~" naluluha niya pang tawag sakin. "How are you feeling?" sabi niya at naupo sa tabi ko at ipinatong ang tray sa table na nasa gilid. 

"I-I" nagulat ako kasi sobrang malat ng boses ko! >.<

"Oh my gosh! hindi ka na makasalita" malungkot pang sabi niya 

Tinignan ko lang siya habang nakasimangot kasi hindi ko alam na mapapaos ako ng ganito. Siguro dahil sa pagsigaw ko kagabbi kasabay ng sobrang lamig.

"Kung bakit naman kasi bigla kang magkakasakit sa kalagitnaan ng bakasyon!" sabi niya at inalalayan akong makabangon para makakain, I guess food kasi yung dala niya at gamot.

"N-nas-saan.. L-lan-ce" paos kong tanong, nawa'y maintidihaan niya.

"Nako sila ni Justin ay nagtatalo at ayun pinarusahan ko! Ang aga eh mga nagsisigawan na akala mo ay mga babae! Ah!" sabi niya sabay subo sakin ng lugaw, hindi na mainit kaya kahit hindi na hipan.

"Wag ka ng magsalita, ako na magsasabi dahil alam kong gusto mong malaman kung bakit nandito ako, kami, right?" tumango lang ako

"Sinabihan ko na si Mang Tonyo na bukas na lang since nalaman ko na hindi na tayo babalik dito at dun na tayo manggagaling pauwi sa Manila, mabuti nang mag-enjoy muna dito bago lumipat." sabi niya at patuloy lang sa pagsubo sakin ng lugaw.

"Yung dalawang lover mo ay aba nagsisisihan kaninang madaling araw. Nagising daw kasi si Justin pagkayakap niya sayo eh inaapoy ka na daw ng lagnat kaya dali dali siyang pumunta sa kwarto nila Arah at good thing naman ay girlscout ang ate mo, sabay mo ang Doktorang si Kat." huminto siya sa pagsubo sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw ba ay ayos lang? Bukod sa lagnat mo ngayon eh wala ng ibang iniinda?" nakataas kilay niyang sagot sakin kaya umilingb ako agad. "Aba siguraduhin mo lang! Dahil si Lance at Justin lang ang nakakaalam ng kalagayan mo! Pero si Lance lang ang kinausap ni Kat kanina at mukhang seryoso kaya hindi na kami nagtanong pa. Ang binanggit lang ni Lance ay kung ipapahinga mo ang isang buong araw ngayon ay kinabukasan ay okay ka na kaya naman inurong na ang lakad." mahabang kwento niya sakin, so alam na ni Doc? 

"F-fearl, L-lan-ce." gusto kong makita si Lance, para akong aatakihin ng anxiety kapag may gantong nangyayari sakin at wala siya sa tabi ko.

"You want to see him?" mataray na tanong ni Fearl, dahil siguro sa away nung nadalawa kaya sila naiinis don. Tumango lang naman ako

"N-need h-him" mahinang sabi ko 

Bumuntong hinga lang siya at pinainom na ako ng gamot at aalis na dapat siya pero hinawakan ko ang kamay niya. "T-than-k Y-you..." nakangiti kong sabi

Nginitan niya lang din ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Ako naman ay umayos ng higa at pumikit para akong napagod eh wala naman akong ginawa. 

Kinakabahan ako sa mga sasabihin sakin ni Kat ngayong sa tingin ko ay alam na niya kung anong meron sakin... di naman ako mamamatay pero... ayaw kong malaman nilang may sakit ako. Sinabi kaya ni Lance? 

Napadilat ako kasi narinig ko nanamang bumukas yung pinto, sa akalaing si Lance yun ay agaran akong umupo pero laking gulat ko ng si Justin ang bumungad sakin, mukha siyang alalang alala sakin. Siya din nagulat ng makitang nakaupo ako kaya dali dali siyang lumapit sakin.

"How are you feeling?" tanong niya at sinipat pa ang noo ko kung mainit pa ba ako.

Umiling lang ako dahil sa paos, ayoko din namang sagarin ang sarili ko para bumilis ang paggaling ko. 

"You're looking for Lance daw? Nasa labas kasi siya kaya ako na muna dito sayo... may kailangan ka ba?" inilingan ko lang siya

"Pagdating natin dito kagabi ay sobrang lalim na ng tulog mo. Nag sorry naman ako sayo kagabi bago kita palitan ng damit." sabi niya kaya sa gulat ko ay nanghihina man pero pinalo ko siya sa balikat at medyo tumawa pa, "Heheh tulog na kasi si Lance kaya ako na, actually lahat sila ay tulog na." pagpapatuloy niyang kwento, "Pinunasan naman kita non, binlower ko pa nga buhok mo. Tapos nung natutulog na tayo naramdaman ko na lang na ang init mo." tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa naman niya, "Ow sorry, okay. I hugged you kaya ko nalamang inaapoy ka na." binigyan ko lang siya ng ganyan-dapat -look 

"Pagaling ka Mace. Let's enjoy this vacation together." sabi niya sabay halik sa ulo at tumayo na, "Nararamdaman ko na yung asungot kaya aalis na ako, baka mapagabot nanaman ako." nginitian niya ako sabay umalis na

Tama ng siya dahil ilang minuto lang ay pumasok na si Lance. 

"Sorry. I had to tell her to check what really happen to you kasi pwedeng yuun ang cause why ka nagkasakit. And... I'm right. You're sick cause of that..." pahina ng pahina ang salita niya.

Biglang bumigat yung paghinga ko kaya inalalayan ako agad ni Lance. 

"That's because of the pain I guess..." sabi niya habang hinahagod yung likod ko.

Napaiyak na lang ako. 

Bakit? Ganun na ba ako kahina? Pero malakas ako eh! Nagpalakas ako sa Japan. 

"Sorry. I'm sorry..." umiiyak na din si Lance pero wala naman siyang kasalanan kung bakit ako ganito kahina eh.

"No." iling ko, "Thank you." sabi ko habang nakangiti at pinupunasan ang mga luha ko. "You did everything you could, Lance. And thank you so much for that. Sinama mo pa ako sa planong to para sumaya ako." 

"Ako na ata ang may problema. Ni hindi ko na ata kayang maging masaya.... Humina.. humina nanaman ako.." naiiyak ko nanamang sabi kaya niyakap niya lang ako

"Stop crying, Its not good for your health." 

"Lance.."*sobs* "Ayoko..." sabi ko lang habang humahagulgol 

I failed to protect myself from this pain.

I thought coming to this vacation will make me happy...

"Hey you need to rest. Tatawagin ko lang si Kat para i check ka ulit, pero pwede ka ng matulog dahil naka inom ka naman na ng gamot." nakangiti niyang sabi habang pinupunasan yung mga luha niya. 

"Thank you Lance." sabi ko lang bago ako pumikit dahil feeling ko talaga pagod na pagod yung katawan ko. 

_______________________________________________________________________________________________________________________

Short update for now...
Sana magustuhan niyo!!!
Love you guys!

=^.^=

Hope you guys like this chapter.
Sorry for the typos.
Nya Nya!
ありがとう!❤️ 

The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )Where stories live. Discover now