Day 4
Kinabukasan ay naging okay na nga ang pakiramdam ko pero ramdam ko pa din yung bigat ng katawan ko kaya naman nagsabi ako kay Lance na hindi ko kakayaning maglakad ng malayo. I need to ride a car, di ko na kaya pang i risk ang kalagayan ko.
Bali ang mga kasama ko sa sasakyan ay ang mga chikiting nila at ang mag ddrive ay si Justin. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil gusto ko din talaga siyang makasama cause I have this gut na magkakalayo kaming dalawa kaya susulitin ko.
"Okay na ba ang lahat?"
"Yes okay na. Sure ba kayong wala na kayong naiwan ah." tanong ko pa kasi dito sa sasakyan lahat ng gamit nila
"HAHAHAH mukha kayong happy family dyan." sabi naman ni Nikola dahil inabot niya sakin yung baby, hindi na kasi kasya sa likod dahil nandun na ang tatlong chikiting at ang pinaka baby na si Solace, anak nila Doc Kat
"Mace yung anak ko ah... alagaan mo!" kunwaring umiiyak ni Kassandra kaya nagtawanan pa kami
"Huy! Ang OA ah!" sabi sa kanya ni Paula at hinila na siya kasi nauna na silang maglakad.
"Gaga iuuwi ko na mga anak niyo!" sigaw ko sa kanya at tumawan naman si baby Solace kaya napangiti ako, I really have a big space to my heart for babies!
"Tara na ho?" tanong ni Mang Tonyo kaya pina ayos ko na ng upo ang mga chikiting sa likod. Pumasok na din si Tintin sa Kotse.
Si Mang Tonyo at Ace ang mag llead sa kanila sa paglalakad samantalang nag assign si Mang Tonyo isa mga tauhan nila para mag guide samin, may sarili silang sasakyan.
"Tara na po." sagot ko naman ng makitang okay na ang lahat, yung gamit din nila ay nandito na sa kotse kaya mga sarili na lang nila ang bitbit nila sa paglalakad.
Nauna na silang maglakad at kami naman ay sa ibang way ang daan ng sasakhyan. Habang nasa byahe ay hindi natigil sa kakadaldal yung mga chikiting at ako naman ay sagot lang ng sagot sa mga tanong nila habang nilalaro ko din si Baby Solace.
"Where's my mommy?" tanong ni Katie, yung bunsong anak ni Kassandra.
"They're on their way na din so just behave please?" mahinhin na sagot sa kanya ng ate niya na si Kassie
"But I want mommy" sabi niya tapos humihikbi na kaya bumaling na ako ng tingin sa kanila
"Katie? Want here in front? You will see everything here" pang uuto ko sa kanya kasi, I cant handle them both.
"Really?" naiiyak niya pang tanong.
"Yes naman" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hmm kay." sabi niya kaya tinignan ko si Tintin para bagalan lang yung takbo muna.
Inalalayan din siya ni Rouge, anak ni Tanda. "Careful" sabi ni Rouge habang iniaabot sakin si Katie.
"Hihih thank you kuya Rouge!" nakangiting sabi ni Katie tapos biglang kumiss sa pisngi ko kaya naman natawa na lang ako. Napaka sweet lang talaga.
"Okay ka lang?" tanong ni Tintin habang busy sa pag ddrive
"Yes" tipid kong sagot sa kanya
Nilagay ko si Katie sa side ng bintana tapos si Solace ay busy lang manood ng cocomelon nasa car. Habang yung dalawa sa likod ay tulog, dahil siguro ang aga nilang mga nagsigising kanina.
Hinayaan ko na lang sila para mamaya ay may lakas silang mangulit at mag-enjoy. Si Katie naman ang pinakamadaming energy dahil ang dami niyang sinasabi pero hindi ko na naintindihan lahat dahil pinapatulog ko din si Solace.
YOU ARE READING
The Plunge of the DIAMOND ( COMPLETED )
Teen FictionMace Joy Bernardo is a famous dubber and a social media influencer. Justin Buenaventura is a famous rapper and a song writer. Mace was once rejected Justin back when they're still high school student for the sake of their friendship. After 10 years...