Chapter 1

10 0 0
                                    

Waitress

"Uhm, Eve. Pwede ikaw muna gumawa nito? Ihahatid molang ito sa mesa na'yon. Wala kasi ngayon si Bell e" Sabay turo nito sa dalawang lalaki at isang babae na nakaupo sa bandang gilid. Wala akong nagawa kaya't kinuha ko iyon sa kaniya. Hindi ko naman ito trabaho ngunit wala naman akong magagawa.

Nagtungo ako sa itinuro ni ate Annalise. Medyo kinakabahan din ako kasi hindi ko ito gawain, Ngayon lang ako magseserve sa isang table. Ang gawain ko kasi dito ay ang taga hiwa ng mga sangkap.

Lumapit ako sa tatlong nagkukwentuhan. Yumuko ako ng bahagya at tuluyan nang nakalapit.

"Here's your order ma'am and sir" Sabay baba ng dalang tray na may lamang ng inorder nila. Habang binababa ko ang mga pagkain at nakatingin sakin ang babae. Hindi ko iyon pinansin.

"Kung may kailangan pa po kayo tawag lang po kayo sa counter, Thank you po, Enjoy the foods" Sabay yuko at umalis na sa harap nila.

Bumalik na ako sa kusina at pinagpatuloy ang aking hinihiwa. Ilang buwan narin akong nagtatrabho dito. Kailangan ko kasi ito para sa darating na pasukan. Kailangan kong magaral, At kailangan ko din namang magtrabaho para may pangtustos ako sa pang araw araw ko. May naipon nadin ako para sa tuition.

"Uy Eve! Mag eenroll kaba sa darating na pasukan?" Tanong ni Mira. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi kami nagkakahuli ng edad.

"Uhm oo, May ipon naman na ako" Kailangan kong magaral para maibalik ko ang tulong na ibinigay sakin ni tita Viben. mula kasi pagkabata ko ay siya na ang nagalaga sakin. Hindi naman niya sakin sinasabi kung nasaan ang mga magulang ko. Tuwing tinatanong ko siya ay hindi lang siya kumikibo.

"Yey! Sabay tayo mag enroll?" Natawa lang ako sa reaksyon niya. Sa totoo lang hindi talaga ako mahilig magentertain ng mga tao, Sila mismo ang kumakausap sakin.

"Oo ba" Lumawak ang ngisi nito. Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa ginagawa niya. Hindi ako sanay na maingay ang paligid. Nasanay kasi akong magisa, at walang nakakasalamuha. Sa madaling salita ay hindi ako friendly na tao ngunit hinahayaan kolang ang gustong maging kaibigan ako tulad ni Mira.

Tumigil din kami sa ginagawa ng maglunch. Sabay sabay kaming naglunch, Nasanay nako na malayo sa kanila pag kumakain at si Mira lang lumalapit sakin para makasabay sakin. Tulad nga ng sinabi ko hindi ako masyadong maentertain na tao kahit mga katrabaho ko ay hindi ko kinakausap. Sumasagot lang ako pag nagtatanong sila. Pero itong si Mira ay makulit kaya minsan naiirita ako sa ingay niya.

Medyo madilim na nang payagan kami umuwi. Hindi naman kalayuan dito ang aking tinitirahan na aparment. Nang matapos ako sa senior high ay nagpasiya na akong bumukod dahil nahihiya na'din ako kay tita, Nung una hindi niya ako pinayagan ngunit wala din siyang nagawa dahil ito talaga ang desisyon ko mula dati pa. Gusto kong mamuhay ng tahimik at walang gulo. Gusto kong walang maingay sa bahay at higit sa lahat gusto kong mahanap ang mga magulang ko. Gusto ko silang tanungin kung bakit nila ako iniwan. Wala akong sama nang loob sa kanila ang gusto kolang ay ang makita sila yon lang.

Nakarating din ako agad sa apartment. Habang kinukuha ko ang susi sa aking bag ay may narinig akong kaluskos sa paligid, Hindi ko iyon tinuunan ng pansin ng makita ang susi. Binuksan ko ito at pumasok sa loob. Sakto lang ang laki ng apartment na ito, Lagi itong malinis dahil isa sa pinakaayoko ay ang marumi ang paligid, Ayoko sa lahat na pinapakailaman ang mga gamit ko.

Nagtungo ako sa aking kusina at nagtimpla ng kape. Ito lagi ang gawain ko pagkagaling sa trabaho. Nang matapos ay pumasok na ako sa loob ng kwarto at binaba ang kape sa maliit na table sa tabi ng higaan ko. Pumunta ako sa maliit na lamesa kung saan nakahilera doon ang mga libro, Kinuha ko ang libro tungkol sa hospitality management. Bumalik na ako sa aking higaan at sinimulang basahin ang libro. Magmula ng magtrabaho ako ay puro ganito na ang ginagawa ko. Nagaadvance reading ako para sa darating na pasukan. Mahilig din ako sa kusina kaya ito ang kinuha kong course. Kahit na hindi ako pala kibo ay marunong naman akong makisama sa mga tao, Kahit na ganito ako ay madali akong matuto sa kung ano ang gagawin.

Black ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon