Chapter 7

2 0 0
                                    

Agreement

"Eve? Ayos ka lang? Namumutla ka ah" Napabaling agad ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko ngayon, Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda ngayon. At isa pa, Araw ngayon ng linggo.

"Eve?" Pinilig ko ang aking ulo nang magsalita ulit si Bell sa harap ko.

"Ayos lang ako Bell" Tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya.

"Sigurado ka? Namumutla ka kasi"

"Ayos lang talaga ako"

"O sige, Balik nako doon ah?" Tumango lang ako sa kaniya at agad naman siyang bumalik sa ginagawa.

Halu halong pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon sa hindi malamang dahilan. Ayoko mang magisip ng kung ano ano ay hindi parin maiwasan. Pakiramdam ko talaga na may hindi magandang mangyayari mamaya sa magiging usapan namin ng nilalang na 'yon. Pinilit kong iwaksi ang mga sumasagi sa isip ko at nagpakawala ng isang malalim na hininga, Nawala sa isip ko na nasa trabaho pala ako ngayon.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Gillian na papalapit sakin at halatang nagaalala sa kaniyang hitsura. Maya maya pa ay nakalapit na ito.

"Uy! sabi ni Bell parang wala ka daw sa sarili kanina? May problema ba?" wika agad nito nang makalapit sakin.

"Ayos lang talaga ako. Madami lang akong iniisip kanina" Tumango tango lang siya at mamaya ay napahinto ito sa pagtango at bahagyang kumunot ang noong nakatingin sa labas. Napakunot noo din ako at tinignan kung alin ang tinitignan niya.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang tinitignan niya.

"D-diba yoon yung nakita natin sa mall?" Hindi agad ako nakasagot at nakatingin parin sa labas. Anong ginagawa niya dito? Teka, Sino ang kausap niya?

"S-sino ang kausap niya?" Nagaalangan pa ako kung itatanong ko pa iyon. Pinilit kong tignan kung sino ang kausap niya at laking gulat ko nang mapagtanto kung sino ang kausap niya.

"B-bakit sila magkasama?" Naramdaman ko namang bumaling sakin si Gillian kaya't bumaling din ako sa kaniya.

"N-nino?"

"Y-yung aninong kinukwento ko sayo" Nanlaki naman ang mga mata niya at tinignan ulit ang dalawang nilalang na hindi namin malaman kung saan nanggaling at kung anong klaseng nilalang sila.

"I-ibig mong sabihin, Y-yung anino sa tabi niya?" Tango lang ang iginawad ko sa kaniya. Bakit sila magkasama at Bakit sila naguusap? Magkakilala ba sila?

"U-uhm Eve" Napatingin naman ako sa kaniya.

"T-tingin mo, Magkakilala ba sila?"

"Hindi ko din alam, Pero ang ipinagtataka ko ay bakit sila naguusap? tungkol saan ang pinaguusapan nila?" Wala talaga akong idea kung bakit sila naguusap at magkasama.

"B-baka ikaw ang pinaguusapan nila Eve" Natigil ako sa sinabi niya. Ako? Bakit naman ako?

"Bakit naman nila ako paguusapan?" Bumaling ulit siya sa dalawang naguusap. Kung ibang tao ang makakakita sa kaniya ay iisipin nila na nababaliw na ang lalaking iyon dahil sa nagsasalita ito magisa. Ang hindi nila alam ay may kasama ito, Yun nga lang hindi kagaya niya na tao kundi isang anino.

"A-nong araw na ngayon Eve" Natigil ako sa pagiisip at tumingin sa kaniya. Dahan dahan akong lumunok at nagsalita.

"L-linggo" Nagulat pa siya sa sagot ko.

Black ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon