Chapter 8

5 0 0
                                    

Vollmer University

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pamilyar na tunog ng aking alarm. Unti unti kong dinidilat ang aking mga mata, Nang makadilat ako ay nakaramdam ako nang matinding pananakit ng katawan sa hindi malamang dahilan. Hindi ko iniintindi ang ingay ng alarm dahil abala ang isip ko kung ano ang nangyari kagabi.

'Good morning, Eve'

Napaupo agad ako ng marinig ang isang boses na tila naggagaling sa aking utak, Unti unti ding nagsisink in sakin ang mga nangyari kagabi.

'You need to dress up Eve or else your first day of college life will be ruin'

Hindi pa masyadong nagpoproseso sa utak ko ang sinabi niya. Muntik ko nang makalimutan na ngayon pala ang unang araw ko sa college, I can't deny my nervous feeling right now, My hands trembled when I realize what happen last night.

'Everlee!'

Napasabunot agad ako sa aking buhok nang marinig ko nanaman ang boses niya sa utak ko.

'HIndi ko lang maintindihan kung bakit sa bibig ko pa ikaw pumasok!'

'I don't have a choice'

Ginulo ko ang aking buhok bago tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Habang naliligo, agad sumagi sa isip ko na lalaki si Axton at--nasa loob siya ng katawan ko!!

'Don't worry, I'm not interested with your whole body'

Halos mapatalon ako ng marinig nanaman ang boses niya. HIndi parin ako sanay na may ibang nilalang na nakasapi sakin! I really don't believe that they exist.

Nang matapos sa pagligo ay nagtungo agad ako sa closet para hanapin ang Uniform. Tinignan kong maigi ang uniform. Not bad. Mukhang pang private ang uniform nila dahil sa ganda nito. Maganda din ang theme ng uniform na 'to na red and gray. Sa panloob ay mayroong isang white longsleeve with a red tie, Sa panlabas naman ay mayroon pa itong Gray blazzer with a red lining and a logo of school in the right side of chest. Bumagay din ang above the knee nitong palda na kulay gray.

Nang maisuot  kona ang unifom, Nagtungo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang aking repleksyon. Komportable naman ako sa uniform pero nagalinlangan nga lang ako sa palda nitong above the knee.

'You should put a light make up too'

Nang marinig ko ang boses niya ay napatingin ako sa mukha ko.

'Hindi naman bagay sa'kin'

'Try then.'

Napairap nalang ako sa kawalan, Hindi naman siguro masama kung itry ko diba?Kinalkal ko ang aking cabinet para mahanap yung palette ko na binili sakin dati ni Tita Viben. Nang makita ay halatang hindi ito nagamit dahil hindi naman ako naglalagay nito. Ginaya ko lang ang napapanood ko dati sa youtube na make up tutorial, Naglagay lang ako ng kaonting eyeshadow, yung hindi masyadong halata at bahagya rin na liptint. Nang sa wakas ay tapos na 'ko sa pagaayos ng mukha ay tinignan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin, Ayos naman pala tignan, Bumabagay naman kahit paano.

'I told you'

Napairap nanaman ako, Kailangan ko nang masanay na mula ngayon ay hindi na 'ko nagiisa. Sinuklay ko na ang kahabaan kong buhok at saka hinayaang nakalugay para naman may kaonting pagbabago ngayong college na 'ko. Kinuha ko na ang bagong bili ko lang na shoulder bag noong nakaraang linggo at tsaka muling humarap sa salamin. Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumabas ng apartment.

Buumaba na 'ko sa jeep at mabilis na hinagilap ang dalawa kong kaibigan. Padami na nang padami ang taong pumasok, Nang tumingin ako sa kaliwa ay may nahagip ang mata ko na isang lalaking nakasandal sa  isang iskinita at natitiyak kong sa'kin siya nakatingin.

Black ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon