Kakaibang Nilalang
"Eve, Nasan kana? Kanina pa ako nandito" Halata sa boses ni Gillian ang pag kairita. Pano ba naman kase tinanghali ako ng gising, Ang usapan namin mga 9 kami pupunta ng mall para makabili ng gamit. Tapos saktong 9 pa ako nagising, Napahimbing ang tulog ko kagabi.
Habang nagaayos ay bigla kong naalala ang pangyayari noong nakaraang gabi, Hindi parin mawala ang kilabot ko sa tuwing naaalala ko yon. Ang wierd, Sobrang wierd dahil noong sumilip ako ay anino lang ang nakita ko, Yung anino na sumusunod sakin tuwing uuwi ako yon ang anino na nakita ko noong gabing yon. As in napakawierd talaga.
Pinilig ko ang ulo ko sa kaiisip, Nagpatuloy lang ako sa pagaayos. Maya maya pa ay lumabas na ako ng apartment kinandado ko ito.
Habang naglalakad namataan ko si Gillian sa gilid ng daan na kanina pa nagaantay sakin, Masama ang tingin nito ng makalapit ako.
"Sorry, Tinanghali ako ng gising" Sabay kamot sa ulo
"Tsk. Tara na nga, Kung alam mo lang kanina pa ako nagaantay dito" Sabay na kaming naglalakad. Pumara kami ng jeep para mabilis kaming makarating agad sa mall.
Pansin ko na parehas kami ng outfit. Parehas kaming nakajeans at black na t-shirt. Ang pinagkaiba lang namin ay ang suot sa paa. Nakasneaker siya habang ako ay nakasandals lang na flat.
"Hindi mo naman siguro ginaya ang outfit ko hano?" Mapatingin ako sa kaniya, Napangiti ako.
"Malay ko ba na ganyan din ang suot mo" Natawa din siya sabay tingin sa mga paa namin. Kumunot ang noo niya rito.
"Seriously Eve? Jeans, T-shirt at... Sandals?" Kumunot din ang noo ko dito, Problema niya sa sandals ko?
"Bakit? may problema ba?" Halata ang pagpipigil nito sa tawa, lalong kumunot ang noo ko. " Ano?"
"Hindi ka talaga marunong sa tamang pagoutfit, Ang mga sandals ay pinapartner lang sa mga dress hindi sa mga jeans. Ang jejeng tignan!" Inirapan ko nalang siya. Pake niya ba? Inaamin ko hindi talaga ako magaling pagdating sa mga damit pero anong problema don? Ayos naman tignan ah?
"Ayos na'yan! Hindi naman nila titignan yan e!" Inirapan ko ulit siya ng hindi na niya napigilang tumawa. Kaya ayoko sa magka-kaibigan e! Lagi nalang pinapakailaman ang buhay ko!.
Nang huminto ang jeep sa tapat ng mall ay nauna akong bumaba. Naramdaman ko naman na sumunod si Gillian, Hindi ko siya pinapansin. Bahala siya, Bakit ba kasi pumayag ako na isama siya?
"Woy! Eve! Sorry na! Ikaw naman kasi! Woy sorry na!" Derederetso ako sa paglalakad, Hindi ko parin siya pinapansin. Nagtungo ako sa mga school supply para mabili agad ang kailangan sa school at makauwi na.
"Woy ano ba!? Sorry na nga e!" Napaiktad ako sa paghila nito sa braso ko. Para na itong maiiyak na ewan.
"Sorry na kasi! Hindi na kita pagtatawanan promise!" Seryoso ko lang siyang tinitignan. " Napakaseryoso mo masyado! Sorry na kasi!"
"Okay." Wika ko sabay bawi sa braso ko at nagpatuloy sa paghahanap ng mga gamit sa school.
"Di kana galit?" Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sakin. " Woy! Everlee naman e! Masyado kang seryoso! Nagjojoke lang ako kanina! Sorry na!"
"Oo na Gillian. Bilin mona ang mga gamit na kakailanganin mo para makauwi nako" Wika ko habang naglalakad dahan dahan dahil nagahahanap ako ng gamit na kailangan ko. "Gill?"
Lumingon ako sa likod, Nasan yon?
Luminga linga ako sa paligid ngunit hindi ko ito makita. Saan yon nagpunta? hindi ko nalang pinansin yon kaya't nagpatuloy lang ako sa paghahanap.
BINABASA MO ANG
Black Shadow
Fantasy"When this evil came, Everything changed...My life changed" ***** Everlee Castañeda is an orphan, She supports herself alone, living simple. No time to make friends with anyone because of her past. Unexpectedly, She will encounter someone who will c...