Old Friends
"Even nasan kana? Nandito na si Mira kanina pa"
Dali dali kong kinuha ang aking shoulder bag at ang brown envelope. Ngayon kasi ang araw ng enrollan.
"Oo na, Hintayin nyo nalang ako diyan papunta nako" Tsaka ko pinatay ang tawag at dali dali lumabas ng apartment.
Mabilis akong nakarating sa Resto kung saan nakita kong naghihintay ang dalawa.
"Goodmorming Eve!! Excited nako alam nyo ba yon!? hehe" Napailing nalang ako kay Mira. Hindi talaga siya nauubusan ng energy.
"Hoy kayong dalawa! May kasalanan kayo saken!!" Nagkatinginan kami ni Gillian at nagtataka kung ano ang tinutukoy ni Mira.
"Huh? Ano naman yon?" Takang tanong ni Gill.
"Hindi nyo ko sinama sa bar!! Ang daya nyo!!" Parehas kaming natawa ni Gill sa reaksyon ni Mira.
"Hindi ka namin naalala e! Hahaha. Huwag kang magalala sa susunod sasama kana" Umaliwalas naman ang mukha ni Mira sa wika ni Gill.
Biglaang sumagi sa isip ko na hindi nga pala ako palakaibigan na tao pero anong nangyayari ngayon? Hindi ko naman sila pwedeng baliwalain dahil magkakatrabaho kami. At higit sa lahat, Masaya naman ako kahit papano kapag kasama sila lalo na si Gillian. Si Gillian ang tumulong sakin kung ano ba talaga ang nangyayari sa paligid ko at sakin. Naalala ko tuloy yung gabi na nagtungo kami sa bar. Ang naalala kolang ng gabing iyon ay pinipilit ako ni Bell na uminom at napapapayag niya ako, Pagtapos non ay hindi kona maalala ang mga sumunod na pangyayari siguro dahil sa sobrang kalasingan. Grabe ang pagsisisi ko noon ng magising ako kinaumagahan na sobrang sakit ng ulo ko, Parang binibiyak yon. Ganoon pala ang epekto ng alak.
Mabilis din kaming nakarating sa university. Pagbaba namin ng jeep ay marami ng taong nageenroll.
"Grabe ang dami na agad tao" Wika ni Mira.
Naglakad kami patungong gate. Habang papalitan sa gate ay napansin ko ang nakasulat sa taas ng gate na'yon. 'Vollmer University' Ang nakaukit at base sa itsura ng gate na ito ay halatang pangmayaman ang paaralan na ito. Sakto lang naman ang tuition fee dito at napagusapan naming tatlo nila Gill at Mira na magtake ng exam para sa scholarship. Sumangayon naman sila dahil malaking tulong din iyon.
"Wow! Ang ganda dito! Tignan nyo yun oh! May fountain pa!" Napailing nalang kami ni Gill sa sinabi ni Mira.
Kakatapos lang naming magenroll at kumuha ng exam para sa scholarship. Napagdesisyunan naming lumibot sa Campus.
"Grabe hindi ko akalain na ganito kaganda ang loob nito" Wika ni Gill. Tama siya, Hindi ko rin maikakaila na napakaganda nga ng paaralang ito. Madaming estudyante din ang nageenroll at palisawlisaw sa paligid para maglibot.
"Guys dun tayo oh! Mukhang may naglalaro" Wika ni Mira. Hinila niya kami sa gym kung saan nagkukumpulan ang mga tao at halata ngang may naglalaro dito. Pinilit kami ni Mira na makipagsiksikan para makita yung mga naglalaro at hindi kami nakaangal doon.
Nang makaraos kami sa pakikipagsiksikan ay natanaw namin ang mga naglalaro ng basketball. Halos mabingi kami sa sobrang lakas ng hiyawan ng paligid lalo na ang mga kababaihan, Akala mo kung makatili ay wala ng bukas. Ayoko pa naman na maingay.
"Umalis na tayo dito, Napakaingay ang sakit sa tenga" Sabi ko sa aking mga kasama sumangayon naman si Gill sa sinabi ko ngunit sadyang makulit si Mira dahil ayaw niya kaming paalisin.
"Saglit lang!! Malapit naman ng matapos oh!" Tinignan namin ang oras at tama siya malapit ng matapos kaya't wala kaming nagawa ni Gill kundi ang manood. Isa pa, Hindi din ako mahilig manood ng basketball pero wala akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Black Shadow
Fantasy"When this evil came, Everything changed...My life changed" ***** Everlee Castañeda is an orphan, She supports herself alone, living simple. No time to make friends with anyone because of her past. Unexpectedly, She will encounter someone who will c...