Unknown Girl
"Eve, anong sayo?" Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang magsalita si Mira sa tabi ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa babaeng yon. Ewan ko ba pero may parte sa 'kin na nagsasabing may mali sa kaniya. YUn tingin niya kas sa 'kin, Parang may laman e.
"Eve?" napabaling ako kay Gillian.
"U-uhm, ano nga ulit yon?" halata sa mukha nila ang kaguluhan.
"Kanina ka pa tinatanong ni Mira kung anong gusto mong kainin. May problema ba?" Nakaramdam ako ng matinding kaba. Muntik ko nang maalala na hindi pa pala alam ni Gillian ang nangyari kagabi.
"U-hm, wala naman. kung ano nalang yung sa inyo" Hindi pa 'rin ako tinitigilan ni Gillian sa tingin nung umalis na si Mira. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang mga nangyari?
'Don't'
Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa utak ko. shitt. muntik ko nang makalimutan na hindi pala ako nagiisa sa katawan ko. ughh!!. Naramdaman ko naman ang mga tingin ng mga tao sa cafeteria sa 'kin pati na si Gillian ay nagulat sa biglaan kong pagtayo.
"Eve? A-are you okay? Bakit?" Naupo agad ako at at tumingin kay Gillian na halata pa 'rin ang kaguluhan. " What's wrong?"
"U-h sorry, May bigla lang akong naalala" Ngunit hindi sapat iyon para tumigil siya sa kakatingin sa 'kin. Dumating agad si Mira at pati siya ay naguguluhan sa 'min ni Gillian.
"Bilisan niyo, Malapit nang matapos ang isang oras" Seryosong wika ni Gillian. Nagiguilt ako sa mga nangyayari. Ni hindi ko man lang masabi sa kaniya kung anong nangyari sa 'kin, Samantalang tinulungan niya ko sa pagtuklas kung anong nangyayari sa 'kin.
Nagmadali kaming ubusin ang mga pinamili ni Mira, Awkward lang dahil wala isa sa 'min ang gustong magsalita. Agad ko namang naalala yung babae kanina. Tinignan ko ulit ang table niya ngunit wala na siya ron.
"Patingin ng sched niyo" Wika ni Mira. Agad ko namang binigay sa kaniya ang sched ko ngayong araw.
"Ay. Magkakaiba pala tayo ng sched hanggang tanghali" Tinignan ko naman ang sched niya at tama siya, Hindi kami magkakaklase hanggang tanghali ngunit kami ni Gillian ay magkaklase nang last subject.
"Ang daya naman!! kayo magkaklase sa last subject!" Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Bumaling naman ang tingin ko kay Gillian ngunit nananatili pa 'rin itong seryoso.
'Hwag na hwag mong sasabihin sa kaniya Eve'
Medyo nagulat ako nang marinig nanaman ang boses niya. Agad akong nagtaka kung bakit hindi ko pwedeng sabihin kay Gillian ang nangyari.
'Just don't tell her'
Nagkahiwa hiwalay na kaming tatlo at ni hindi ko man lang nakausap si Gillian. Hanggang ngayon nagiguilt pa 'rin ako sa hindi ko pagsabi sa kaniya ng totoo.
Mag isa akong naglalakad sa hallway at pansin kong pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Hindi ko nalang inintindi ang mga tingin nila at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Kaagad din akong nakarating sa unang klase, Tumigil ako sandali ilang mentro lang ang layo sa pintuan. Mula dito ay rinig na rinig ko ang ingay sa loob, Tumayo ako ng deretso at nagpakawala ng isang malalim na paghinga at saka dahan dahang lumapit sa pinto.
Nang makatapat na ako sa pintuan at nakita kong naglkakagulo at maiingay ang mga nasa loob, Nagtaka agad ako dahil unang pasok palang ay napakaiingay na nila. PInilig ko ang ulo ko at pumasok na sa loob, Napatigil agad ako sa paglalakad ng mapansing tumigil sila sa kanilang ginagawa at---lahat sila nakatingin sa 'kin? Anong problema nila?
BINABASA MO ANG
Black Shadow
Fantezie"When this evil came, Everything changed...My life changed" ***** Everlee Castañeda is an orphan, She supports herself alone, living simple. No time to make friends with anyone because of her past. Unexpectedly, She will encounter someone who will c...