First Time
"G-gill, Sigurado kaba dito?" Medyo kinakabahan pa ako. Pumasok nalang agad kami kanina at nandito kami ngayon nakaupo sa isang lumang upuan at gawa sa kahoy. Sa totoo lang sobrang creepy ng paligid.
Tinignan ko si Gillian dahil hindi ito sumasagot. Nagulat ako ng biglang may lumabas sa isang pinto at iniluwa nito ang isang matandang babae. Kung ang paligid ang napansin kong creepy mas lalo na sa matandang ito. Bumaling ang tingin ng matanda sakin, Iniwas ko ang tingin ko dahil sobrang kinakabahan ako sa mga oras na ito.
"Tiya Aurelia" So, Aurelia ang pangalan ng matanda. Bigla tuloy sumagi sa isip ko kung bakit kilala siya ni Gillian.
Lumapit si Tiya Aurelia samin at naupo sa kaharap naming upuan. Nakatingin parin ito sakin. Naiilang ako. "Muli tayong nagkita Gillian..." Saglit itong tumingin kay Gill at saka inilipat ang tingin sakin. "...at may kasama ka"
Napatingin ako kay Gill na nakatingin din pala sakin. Marihin itong tumango. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig. "Ito nga po pala si Everlee, Kaibigan ko po at tingin ko po alam niyo na kung bakit kami nagtungo dito" Medyo naguluhan ako sa huli niyang sinabi. Alam niya kung bakit kami nandito? Paano?
"Kung ganoon. Anong gusto niyong malaman?" Napatingin ulit ako kay Gill, Nakatingin ito sakin at sumesenyas na magsalita ako. Bumuntong hininga ako at humarap kay Tiya Aurelia.
"A-alam ko pong hindi kayo maniniwala pero...may kakaiba kasing nangyayari sakin" Deretso lang ang tingin sakin ng matanda. Ano kayang nasa isip niya?
"Alam ko kung ano ang nangyayari sayo iha" Natutop ang bibig ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya doon? Tsaka wala pa naman nagsasabi saming dalawa sa mga nangyari kanina kaya bakit alam niya agad? Posible kayang hindi pangkaraniwang tao itong si Tiya Aurelia?
"P-paano?" Napalingon ako kay Gillian at mukhang inaasahan niya ang sinabi ng matanda. Napabaling ako sa matanda ng magsalita ito na ikinatigil ko.
"Tatapatin na kita iha. Ang mga aninong sumusunod sa iyo ay gustong makipagkasundo sayo. May isang bagay silang kailangang makuha at ikaw ang makatutulong sa kaniya para mahanap iyon" Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya ngunit alam niya yung mga sumusunod sakin. Napatingin ako kay Gillian ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ito.
Kahit nanginginig ang buong katawan dahil sa kaba at takot ay nagsalita parin ako. "B-bakit ako? A-ang daming iba diyan pero bakit a-ako ang napili nilang makatutulong sa kanila?" Hindi ko talaga maintindihan, Pwede namang ibang tao nalang diba? Pero bakit ako pa? Bakit sa dinarami rami ng tao bakit ako?
"Dahil kilala ka nila at matagal ka nilang hinahanap at ngayon nakita kana nila ay hindi nila aaksayahin ang pagkakataon para makipagkasundo sayo" Natigilan ako sa mga sinabi niya. Kilala nila ako? Paano? Bakit?
"Nila? Ibig sabihin marami sila? at anong ibig niyong sabihin na makikipagkasundo sakin?" Wala talaga akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.
"Hindi lang sila basta basta iha. Hindi sila basta basta isang grupo lang kundi parang isang bayan. Alam mo naman siguro kung gaano kadami ang nasa isang bayan hindi ba?" Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Kung ganoon masyado silang marami.
"Uh Tiya Aurelia. Alam nyo po ba kung anong klaseng bagay ang hinahanap nila?" Napabaling ako kay Gillian dahil sa tanong niya. Sumangayon ako sa kaniya. Tama siya, Ano namang klaseng bagay ang hinahanap nila? At Gaano ba iyon kaimportante para makipagkasundo sakin?
"Hindi ko nakikita iyon Gill pero isa lang ang alam ko at nakita ko. Napakaimportante ng bagay na'yon sa kanilang lahat" Kung ganoon kailangan kona palang maghanda? Pero kaya ko kaya ito?
BINABASA MO ANG
Black Shadow
Fantasy"When this evil came, Everything changed...My life changed" ***** Everlee Castañeda is an orphan, She supports herself alone, living simple. No time to make friends with anyone because of her past. Unexpectedly, She will encounter someone who will c...