Meet the Shadow
Third person's POV
"Ano ng balita Axton?" Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa buong pasilyo. Hindi agad nakapagsalita si Axton dahil alam niya sa sarili niya na bigo nanaman siyang makalapit sa dalaga.
"Hindi pa ako nakakahanap ng pagkakataon lord Demus" bakas sa hitsura ni lord Demus ang pagkainis dahil ilang beses nang sinasabi ni axton na hindi pa sya nakakahanap ng pagkakataon.
"Ilang beses mo nang siansabi yan Axton. baka nakakalimutan mong may oras ka para makuha ang babaeng yon." Natahimik si Axton, alam niyang may oras ang kaniyang ginagawa subalit ayaw lamang niyang mabigla ang dalaga. inaamin din niyang posibleng alam na ng dalaga na mayroong sumusunod sa kaniya.
"Sabi ko naman kasi sa inyo Lord Demus, Ako nalang ang gagawa niyan. Masyadong mabagal kumilos si Axton" Singit ni Dalton sa dalawa. Hindi man nila nakikita ang hitsura ni Axton ay alam nilang galit na galit ito kay Dalton dahil sa pakikialam nito sa kaniyang misyon.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang makikialam sa trabaho ko!? akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagagawa mo kay Eve!?" Konti nalang ay sasabog na ito sa galit.
Tuwing minamanmanan niya si Eve ay lagi din niyang nahuhuli si Dalton na nagpapakita sa dalaga. Mas tumindi ang galit ni Axton noong nagtungo si Dalton sa bar na pinuntahan ni Gen kasama ang mga kaibigan niya. Dati pa man ay malaki na ang galit nito kay Dalton dahil lagi nalang itong nakikialam sa pinapagawa sa kaniya ni lord Demus.
"Kasalanan ko ba na masyado kang mabagal tumarabaho?"
"Tama na yan Dalton! Hayaan mo na si Axton gumawa ng misyon na ito. at ikaw naman siguraduhin mong magagawa mo ang misyon na yan bago sumapit ang kabilugan ng buwan" Sabay alis nito sa kanilang harapan. Naiwan naman ang dalawa, tuwing magkasama ang dalawa na ito ay hindi maiiwasang may mabuong tensyon.
"Hindi parin ako titigil. tandaan mo, sa oras na hindi mo pa nakukuha si Eve bago sumapit ang kabilugan ng buwan ay ako na mismo ang gagawa non" Naiwangtahimik si Axton. Hindi pa ito handa para makaharap sa dalaga ngunit wala na siyang magagawa dahil ilang buwan nalang ay sasapit na ang kabilugan ng buwan kung saan gaganapin ang ritwal. Ang kabilugan ng buwan ay ang tamang oras para sa gaganaping ritwal at kapag nakuha na niya ang mahiwagang libro ay magaganap na ang malaking pagbabago sa kanilang mga kauri.
Nakatayo sa sulok si Axton habang pinagmamasdan si Eve na nagtatrabaho. Hindi parin siya nakakahanap ng tamang tyempo para makausap ang dalaga at makipagkasundo. Bukod doon ay nababahala din siya sa posibleng maging reaksyon nito kung sakaling magpakita man ito sa kaniya.
Bigla tuloy niyang naalala noong gabing nakasunod ito sa dalaga. Halos maistatwa na ang dalaga sa kaniyang nasaksihan ng gabing iyon. Hindi naman niya intensyong takutin ito, ang gusto lang niya ay iparamdam sa dalaga na hindi lang siya nagiisa at may laging nakabantay sa kaniya para mapadali nito ang pakikipagkasundo sa dalaga.
Eve's POV
Alas sais na nang payagan kaming umuwi ni ate annalise, Hindi narin nakasabay sakin si Gill dahil may dadaanan pa daw ito sa bayan. Si Mira naman masyadong malayo ang apartment kaya't nandito ako ngayon naglalakad magisa sa gilid ng kalsada. Hindi ko maisawang makaramdam nang kaba dahil baka mamaya ay may sumusunod nanaman sakin.
Inabala ko ang sarili sa pagkalikot ng selpon nang may maradaman akong kakaiba sa paligid. Napahinto ako sa paglalakad at luminga linga sa paligid ngunit wala akong nakitang kahit na ano. May namuo nanamang kaba sa dibdib ko dahil ito nanaman ang pakiramdam kong may sumusunod sakin.
BINABASA MO ANG
Black Shadow
Fantasy"When this evil came, Everything changed...My life changed" ***** Everlee Castañeda is an orphan, She supports herself alone, living simple. No time to make friends with anyone because of her past. Unexpectedly, She will encounter someone who will c...