Shadow
Habang naglalakad pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kanina sa CR. Hindi ba sila nahihiya? Meron namang kwarto doon bakit kailangan sa CR pa nila gumagawa ng kababalaghan!?
Pinilig ko nalang ang ulo ko, Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa nasaksihan ko kanina! Hindi naman sa nasaksihan ko talaga pero malapit na! Buti hindi ko tinignan yon kundi mababahiran ng kasamaan ang mga mata ko!.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, Madilim na sa paligid, Mukang simula ngayon ay gagabihin nako. Bukod kasi sa pagiging waitress ko ay trabaho ko rin na ayusin ang mga table, Merong mga nagpupunas ng table ngunit trabaho ko rin na tulungan sila. Habang naglalakad ay may nararamdaman akong sumusunod, Nilingon ko ang aking likod ngunit wala akong nakit. Shit! Lagi nalang akong may nararamdaman na may sumusunod sakin! Dahil sa takot ay mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Malapit na ako sa appartment ng may pumaswit.
"Pst." Natigil ako sa paglalakad, nanginginig ang buong katawan ko, Hinawakan ko ng mahigpit ang aking shoulder bag dahil baka magnanakaw iyon. Mabilis akong tumakbo. Ilang metro nalang naman ay mararating kona ang aking appartment.
Kinalma ko ang sarili ko nang marating kona ang pintuan ko. "Pst" Nanginginig ang buo kong katawan habang hinahanap ang susi. Shit nasundan pa yata ako! Nang mahanap ko ang susi ay mabilis ko itong pinasok sa door nob, Hindi pa ito maipasok ng maigi dahil sa sobrang nginig ng kamay ko. Dali dali akong pumasok sa loob at sarado agad ng pinto, Nilock ko iyon para sigurado.
Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Nanginginig parin ang buong katawan ko. Tingin ko hindi naging maganda ang pagiging waitress ko, Bukas ay pipilitin kong umuwi ng maaga, ayoko na itong maulit.
Kinabukasan maaga ulit akong nagising, Actually, lagi naman akong maaga nagigising dahil sa alarm. Hindi parin ako makamove on kagabi, Feeling ko lagi na itong mangyayari tuwing pauwi ako, Kailangan may kasabay nako mamayang umuwi.
Pagkadating ko sa Restaurant ay nagtungo agad ako sa loob ng kusina at isinuot na ang apron, Pagtapos ay lumabas na ako. Naabutan ko sila Nico at Wency na inaayos na ang mga upuan.
"Goodmorning Eve" Bati sakin ni Wency ng makalapit ako para tumulong sa kanila. Kaming apat nila Nico, Wency, Bell at ako ang nagaasikaso sa mga costumer habang ang dalawa naming kasama na sina Gillian at Avery ay nasa counter.
"Goodmorning" Sabay ngiti sa kanila.Medyo hindi ako nahihiya sa kanila kasi pare parehas lang kaming abnormal. Well, Ako tahimik lang sa una pero pagtumagal tagal mona akong kilala ay umasa ka magtatransform ako.
Maya maya pa ay padami na ng padami ang mga costumer. Naghahanda nadin ang mga kasama ko.
"Uy Eve! Sabay tayo mag enroll ah? Sinabi kasi sakin ni Mira na sabay daw kayo kaya sasabay nadin ako sa inyo!" Wika ni Gillian nang nasa counter ako.
"Oo naman" Nakangiti kong tugon. Mukang hindi ako maboboring sa unang pasok ah.
"Wait, Nakabili kana ba ng mga gamit? Next week na ang enrolan ah!" Napaisip naman ako. Hindi pa pala ako nakakabili.
"Uhm, Hindi pa e, Siguro sa Linggo nalang" Day off kasi namin pag linggo, Iyon lang ang bakante kong araw kaya't sa araw nalang ako na'yon bibili ng gamit.
"Sakto! Sa linggo din ako bibili! Sabay na tayo ah?" Tumango nalang ako. Ilang minuto lang ay lumapit na samin si Avery para ibigay sakin ang order.
"Thanks" Ngumiti ako sa kaniya sabay kuha ng tray, ngumiti din ako pabalik.
Nagtungo nako sa isang table kung saan may dalawang lalaking nakaupo. Inaantay nito ang kanilang order. Lumapit ako sa kanila.
"Here's your order sir, Enjoy eating" Sabay ngiti sa kanila. Isa isa kong binababa ang laman ng tray.
BINABASA MO ANG
Black Shadow
Fantasía"When this evil came, Everything changed...My life changed" ***** Everlee Castañeda is an orphan, She supports herself alone, living simple. No time to make friends with anyone because of her past. Unexpectedly, She will encounter someone who will c...