Epilogue

95 1 0
                                    

Sophie's POV

Life's unpredictable , we can't say what will happen next . may mga bagay na darating , meron namang mawawala . May mga bagay na parang panaginip sa sobrang ganda , may mga bagay na naman na napakasama at hihilingin nating sana bangungot lang . pero hindi pwede lahat sa buhay puro kagandahan nalang , perpekto ang mundo pero ang tao hindi .

Naglakad ako papunta sa puntod ni Joe . 

" Hi , halos isang taon na rin nakalilipas , gagraduate na kami nila Yumi , Xander , Alisson at Stephanie bukas . Alam ko namang mas masaya kung nandun ka , sa talino mo dapat valedictorian ka pero sorry ka mas matalino si Cerise eh hahahaha " sabi ko habang inaayos yung bulaklak na dala ko bago yun ilapag .

" Mag-cocollege kami sa ibang bansa , akalain mo yun ?! Utang ko yun sayo alam mo ba , kung hindi dahil sa scholarship applications na nireserve mo sa amin hindi yun mangyayari . himdi kaya ng IQ ko yun no ! Promise pagbubutihin ko pag aaral ko dun , tutuparin ko rin yung sinabi mo na always happy lang ako . Hays , alam mo ba yung kinikita namin nila Alisson sa small bussiness namin binibigay namin yung kalahati nun sa isang charity ng mga batang may katulad ng sakit mo " kwento ko sa kanya .

" okay pala 'tong ganito , yung nagkukwento ako tapos hindi ka sumasagot , wala akong natatanggap na pambabara . Pero namimiss ko rin yun , namimiss kita . Slamat sa lahat , sa mga natuklasan kong ginawa mo para sa akin at matutuklasan ko pa . " sabi ko sa kanya.

" AY MAHAROT ! " sigaw ko matapos gulatin ni Xander . Nagtawanan sila Alisson at Yumi .

" Di ka naman yata nainform na nasa sementeryo tayo at kinikilabutan din ako no ! Ilibing kita sa tabi ng kaibigan mo eh .  Tutal close naman kayo bakit di pa kayo maging super close , yung tipong till death he won't part , hanggang sa mamatay ka di ka niya lulubayan " Sermon ko sa kanya .

" Grabe nung buhay nga yan di ko na ma-take tapos ieextend mo pa ! " 

  "Tignan mo pati si Sophie kahit hindi nya alam detect pa rin ng radar nya yung harot mo " sabi ni Alisson . " Pahiwatig yan ng bestfriend mo na kapag tumingin ka pa sa iba , babangon sya at hihilain ka rin nya sa hukay "  dagdag pa nya .

" Sus di naman , di na po mauulit Miss. Selosa " panunuyo niya kay Alisson.

" Che ! Lumayo ka nga naiilang ako sayo " 

Nakakatawa pa rin talagang tignan ang kakulitan nitong dalawa na 'to , kahit ilang babae pa ang landiin ni Xander si Alisson pa rin talaga ang greatest downfall nya . Hay naku , naaalala ko pa nung mamatay ka nun , pigil yung iyak nyan pero isang araw natawa nalang kami nung makita namin yan na umiiyak sa kwarto nya tulo pa yung sipon hahaha kadiri nga eh . Kalalakeng tao iyakin na balahura pa . 

" Sige na baka may time limit lang ang usapan dyan sa heaven , ayaw ko nang umextend baka ang bayad eh buhay ko rin . Ayoko pang samahan ka , ineenjoy ko pa ang sungit-free days ko " sabi ko kay Joe at sabay-sabay kaming nag goodbye sa kanya . 

Maya-maya pa nakaramdam kami ng mga patak ng ulan , hanggang sa lumakas nalang ito ng lumakas . Nagsitakbuhan kami sa kotse kasi walang silungan dito . 

" Guys naiwan ko yung susi sa loob ! " sigaw ni Xander .

" Ha?! Ikaw talaga sa lahat ng pwedeng iwan yung susi pa ! " sabi ni Alisson habang kinukurot si Xander .

" Sorry na ! oww " 

" Paano na yan eh basang basa na tayo ng ulan ! " tanong ni Yumi

" Eh di enjoyun nalang natin 'tong ulan na'to " suggest ko . 

" OO nga naman " sigaw ni Xander at sinipa yung tubig papunta kay alisson . Natalsikan yung damit ni Alisson pati na rin yung mukha nya . 

" Xander ang panghi ng tubig sa tumalsik sa akin ! Kadiri ka ! Ugh , kanina ka pa namumuro  bibingo ka na talaga sa akin ngayon ! " sabi ni alisson habang hinahabol si Xander.

" Ang saya nito , di ka pa rin talaga nakakamove-on sa ulan sungit ! hahahaha Yumi halika dito tatalsikan din kita nung mapanghing tubig hahahaha " 

" Nooooooo " sigaw nya hang nagtatatakbo . 

Para kaming mga bata na naglalaro sa ulan , siguro nakangiti ka rin sa amin . Natutuwa , nakukulitan at naiinggit . Tanggap ko na , kahit wala ka rito , mabubuhay bpa rin ako sa mga aral na binigay mo at natutunan ko . Thank you so much Joe ! Okay ? 

hahahaha The Fault in Our Stars lang ang peg . 



***********************************************************************

Hey aalisin ko na yung "under hiatus " kasi dapat dito ko rin idudugtong yung part 2 ng story na'to pero na realize ko na ihihiwalay ko nalang sya . Thank you sa mga nagbasa sa first story ko dito . Sorry kung hindi sya ganun kahaba at kung hindi ko nameet yung expectations nyo sa isang story . i'm not a good writer pero sana this story made you happy kahit papaano hahaha . Supotahan nyo rin sana yung Fated Strangers , for those people na naniniwala sa destiny and stuff . Kung ang When Haters Fall in Love ay dinefy ang love through different worlds , ang Fated Srangers naman ay magbibigay sainyo ng ibang outlook sa fate at destiny deeper thatn what you have known . Thank you talaga , kahit hindi man ako magaling na writer , may mga tumangkilik pa rin nito . Just ask for dedications and I'll make it happen dito at pwede rin naman sa fated strangers . thanks again hahaha 

                                                                                                                                          - Theoptimistwriter





































































































































































































































































































































When Haters Fall In Love (Completed But Still Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon