CHAPTER 3 "My second punishment"

136 10 1
                                    

CHAPTER 3 "My second punishment"

Mao's Pov

"OHAYO!!!!!!!!!!!!." malakas kong sigaw. Ngumiti naman sila saakin. Ganito ako tuwing papasok ng cafeteria lahat sila binabati ko. Pero di ako popular ahh. Nasanay lang sila na binabati ko.

Bumili na kame ng pagkain at umupo sa table. Kumakain na ako kaso yung dalawa tahimik parin at hindi ginagalaw yung mga pagkain nila. Ang weird? si Jade kaya matakaw yan tapos ngayon ayaw kumain .. nag away kaya yung dalawa.?? ?___?

"Ahh.. bakit hindi kayo nag papansinan may problema ba." tanong ko. Tumungo lang si Maddie si Jade naman tumingin ng seryoso saakin at tumayo.

"Hindi pa ako gutom." sabe niya at umalis. Ako naman lumipat ng upuan at tumabi kay Maddie. Kumagat muna ako sa food ko at uminom ng tubig and then nag salita.

"Nag away ba kayo." tanong ko.

"May nasabe kase ako sakanya na ikinagalit niya ehh." napatigil ako sa pag kain. Ehh lage naman kaseng galit si Jade, paano naman niya masasabe na galit nga talaga yun. Kulang na nga lang magalit na siya sa  buong mundo ehh.

"Bakit ano ba nang yare kahapon nung wala ako." tanong ko sabay kagat ulit. Ako na ang matakaw ako na talaga =____=

"Kase nag punta kame doon sa NBS. Tapos iniwan niya ako saglit at may lumapit na lalake saakin kaya ayun nasapak ko alam mo naman na may phobia ako at alam niya din yun. Tapos nag sorry ako pero nagalit siya kase ako daw ang dahilan kung bakit hindi niya nabili yung librong iyon.At nasabe ko sakanya na bakit siya ganon kase diba lage nalang niya tayo nasusungitan tapos iniwan nalang niya ako doon." wow grabe. Naubos ko na yung kinakain ko sa sobrang haba ng pag kuwento niya. Sabagay ako naman ang nag sabe na mag kuwento siya.

"Ano ba yung librong gusto niya bilhin." tanong ko sabay inom ng juice.

"Di ko alam." sabe niya at napatingin ako sa table .. TAMA ..!! tama ang gagawin ko ..

"Comfortroom lang ako hah. Diyan ka lang." sabe ko at kinuha ko yung dapat kunin.

Nag punta ako sa lugar kung saan ko matatagpuan si Jade. Kung saan tahimik at maaliwalas ang paligid. Saan pa ba edi sa gazibooooooo. gazibo kase ang tawag sa garden namen. At tama ako andoon nga siya. Umupo ako sa tabe niya at napatigin siya saakin.

"Ano ginagawa mo dito. Sinusundan mo ba ako." tanong niya

"Naiwan mo kase yung food mo ehh." sabe ko sabay ngiti ... ^_____________^

=_____________= siya..

Teenage ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon